I woke up early to prepare my things as well as myself. My mom cooked me breakfast pero wala akong gana kaya binaon ko nalang ito at sa school kona kakainin. I arrived at school 7:30 am but our classes started 8:00 am so hindi pa ako late. And pumasok nako sa room at sinalubong ako nang ngiti ng aking mga classmate pati na rin ng aking teacher. Sambit nito sa akin nung ako ay makita..
Teacher: Ang ganda natin sa section na ito pauline noh?..
Pauline: ay hahaha thank u ma'am syempre naman po sambit ko.. at umupo na ako sa may gilid at pangalawang row ng mga upuan..
Nagsimula na ang klase nang may dumating na tila ba ay pamilyar ang mukha nito sa akin at bumati sa aming guro ng magandang umaga..
Ay kilala ko ito.. siya ba yung nang away sakin at ginawa akong taga edit ng commercial advertisement sabi ko sa aking isip.
Oo siya nga! si Peejay!
Nanlaki ang aking mata noong akin itong napagtanto at nakatulala lamang sa itsura nito. Dumaan siya sa aking harapan at inirapan ako! Baklang bakla talaga siya pero ang bango niya. iba ang dating at may hawak pa itong papel at ballpen na tila ba ay talagang malalaman mong hindi siya basta basta at matalino siya.
Siya ay pumwesto sa pinaka likuran ng aking linyang inuupuan at tinuloy na ng aming guro ang aralin sa araw na iyon.
Teacher: sino rito ang familiar sa salitang prejudiced?
Ha prejudiced ano iyon.. Pasensya na at hindi ako ma alam. Pero ito yata ay pagiging judgemental sa isang tao..
Teacher: Ok walang gusto sumagot or magrecite? Ok sige ganito nalang isa isa kayong tatayo at magbigay ng word na makakapag describe sa salitang prejudiced ok? malinaw?
/*Yes ma'am sagot nang lahat
Ano ang prejudiced? Familiar pero wala akong idea ano ang isasagot ko.
Teacher: Pauline ano ang prejudiced?
Pauline: Pagiging judgemental ma'am
Peejay: No ma'am mali siya
Teacher: Hayaan mo lang peejay at ikaw ang susunod na tatanungin ko mamaya
Namula ang pisngi ko sa kahihiyan nang sinabi niya mali ako na tila ba ang tali-talino niya. Bakit niya ako pinahiya. Nakakarami na siya sa akin.
Umupo na lamang ako at hindi pinansin ang sambit nito na mali ako.
Teacher: Peejay ano ang prejudiced?
Sige nga tignan natin kung masagot mo nang tama ang yabang mo akala mo naman talaga tignan natin kung sino ang matalino.
Peejay: Ma'am for me prejudice is a preconceived opinion that is not based on reason or actual experience. For example you saw a guy who has a thick eyebrows and certainly you come up with an idea or judgement that he is a bad guy even though you just saw his thick eyebrows. And that is called prejudice ma'am
Palakpakan ang mga kaklase ko sa sagot niyang ito at hindi ko ito inasahan. Ang galing niya sumagot sa mga tanong at kung titignan mo siya ay wala man lang kabang nararamdaman sa kaniyang mukha. Grabe matalino nga.
Teacher: Very well said and nice example peejay. Still one of the best student.. matalino pa rin
Nakita ko ang kaniya mga mata na punong puno ng saya. Ako ay nainis sapagkat pinahiya niya ako pero kahit ganoon pa man ako ay namangha sapagkat hindi maikakaila na magaling at matalino talaga siya..
Sumunod na klase namin ay Economics ito rin yung subject na pinagawayan namin.
Pumasok ang aming Guro at bumati nang magandang umaga..
Teacher:Magandang Umaga sainyo lahat ako si ma'am rhov at bago tayo mag umpisa ay nais ko lamang bigyan ko ng maiksing pagsusulit na may kinalaman sa paksang ating tatalakayin ngayon.. At kung sino ang makakakuha nang pinaka mataas na score ay magkakaroon siya ng 100 pesos na load. Ano simulan na natin?
Lahat ay sumagot nang yes at ako naman ay nakatulala lang na parang lutang. Maya-maya ay may nagsalita na wala raw siyang load para ma open ang quizlet na website kung saan kami mag qu-quiz..
Peejay: Sino may load jan? pa connect ako guys sige na please.. /*nagwo-worry pero tumatawa
Iniisip kong may load ako pero bakit ko naman io-on ito para lang sakaniya knowing na pinahiya niya ako kanina diba?
Peejay: Guys sige na please sino may load pa-connect na ah../*nagmamaka-awa
Hays nakaka-awa sige na nga. Pasalamat siya at hindi naman ako ganoon ka sama kahit na pinahiya niya ako..
Pauline: Ako meron. Naka-open na hotspot ko.. and akin na yang cellphone mo para ma-connect ko yung hotspot.
Masaya akong tinignan nito habang inaabot ang kaniyang cellphone.
Peejay: Thank u te, I love u te
Woah nag- I love u agad hindi pa naman kami close grabe. Oh sadyang ganyan lang talaga ang mga bakla noh? sweet na may pagka prangka.
Maya-maya ay nag umpisa na ang pagsusulit. Ngunit tumayo bigla si peejay na tila bang nag aalala.
Peejay:Ma'am ang hina ng net!! Nevermind tuturuan ko nalang si azierielle /*ang isa pa naming kaklase na nasa harapan ng kaniyang upuan.
Ma'am: Ikaw bahala peejay. Basta hati kayo sa prize.
Peejay: No problem ma'am
Ano?! ako pa ata may kasalanan kung bakit hindi siya makakapag-quiz ang kapal talaga.
Nagsimula na ang pagsusulit at ang ingay nang nasa kaliwang gilid na tila ba ay nag sasabihan ng sagot.
Azierielle: Peejay sure ka na tama ang sagot na ito?
Peejay: Oo isagot monaa!!! Maunahan ka ni Yanah Gosh! Ang tagal te!
Ang ingay nila nadi-distract ako nakakainis. Pero sinisigaw ni peejay ang sagot. Hindi naman ganoon kalakas at tama lang para marinig ko. Hindi na ako nagulat na tama ang mga sagot ko dahil sakaniya, salamat sa kaniya. Ngayon lang ako hindi nainis sakaniya.
Teacher: Ok! Tapos na let's review kung sino ang pinagpalang makakakuha ng 100 pesos load.
Alam ko na hindi ako iyon dahil hindi ako mabilis sumagot. Sa quizlet website kasi dapat mabilis at tama ang sagot mo para madagdagan ang iyong score ng mas mataas.
Teacher: Yanah Cassandra Corpuz you are the winner!! Panalo ka nang 100 pesos na load.
/*si yanah ay ang isa pa naming kaklase na kaibigan ni peejay.
Peejay: Mag thank u ka Yanah dahil wala akong load.. /*sinabi niya ito nang pabiro
Tawanan ang buong klase.
Grabe nagbibiro lang siya pero kaya niya talagang gawin. Sana ganoon din ako, palabiro pero matalino. Mabait din pala siya di tulad nang ibang bakla. Kakaiba si peejay, ang galing niya, gusto ko siya.