AMILYN Papalapit pa lang ang lulan kong sasakyan sa apartment ko ay natanaw ko na agad ang nakaparadang sasakyan ni Ream sa gilid ng gate namin. Hindi siya nagsabing pupuntahan niya ako, normally, tinitext muna niya ako or tinatawagan bago siya pumunta rito. Awang ang mga labi kong bumaba ng sasakyan. Halos malaglag ang puso ko nang makitang nakaabang na siya sa akin at tila sinadya niya talaga akong surpresahin. He always does that. Napaka sweet niya talagang boyfriend. “Ano yan, aakyat ka ng ligaw e, sinigot na kita.” Biro ko sa kaniya. May dala na naman kasi siyang malaki at mamahaling bouquet of flowers. Inabot niya sa akin, tinanggap ko. Hindi ko inaasahan muli nang ilapit niya ang mukha at mabilis akong kinintalan ng halik sa labi. Magaan lang naman. Simpleng dantay lang ng

