AMILYN “H-heto na po S-Sir,” ang bantulot kong abot sa kaniya ng mga folder na ang laman ay mga papeles na pina-copy niya sa akin kanina. Sinulyapan lamang niya ang mga iyon at hindi inabot, deritso ang tingin niya sa laptop niya. “Put it there,” turo niya sa isang gilid. “Make sure that there is nothing wrong with it, that you did your job well.” Seryoso niyang sabi. Hindi siya tumitingin sa akin. Napatikhim ako ng mahina at napaunat ng tayo. “O-okay na po yan, Sir. D-dalawang beses ko po siyang chinek.” May kaba kong sabi. Hindi siya umimik. Pero ang makakapal niyang kilay halos mag isang linya na. Napapalunok ako sa nerbyos habang nakatingin sa tila dilubyo niyang mukha. Kanina ko pa napapasin ang tila pagdadabog niya, mabigat ang bawat kilos niya. Halatang mainit ang ulo