CHAPTER 2

1759 Words
AMILYN Malakas na musika, ingay ng mga taong nagwawala sa dance floor, at nakakahilong amoy ng pinaghalong liquor at sigarilyo ang agad na sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lamang sa loob ng disco bar na iyon sa Makati kung saan napagkasunduan naming magka-klase na magkitakita. Gusto sana ng mga ito na sa isang disco bar ni Kuya Vince sa Taguig kami magpunta ngunit mahigpit ang pagtanggi ko. Sigurado kasing hindi ako makakapag-enjoy kapag nagkataon. Dahil bukod sa maraming mata ang tiyak na nakamanman sa akin, siguradong makakarating pa ang pagwawalwal ko kila Ate at Nanay. Ilang beses na naman akong nakapasok sa mga disco bar kaya kahit paano ay sanay na rin ako. Saglit akong huminto at ginala ang mga mata. Mabilis kong dinukot ang cellphone ko sa loob ng aking bag at agad na nagtepa ng text para sa nobyo ko. Napangiti ako pagkatapos kong ma-sent. Binalik ko rin agad ang cellphone ko sa maliit na sling bag kong suot. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi ko sila makita. Napansin ko pa ang ilang grupo ng lalaki sa gilid na pawang nakatingin sa akin. "Wow ang ganda," dinig ko pang anang isa. "Grabe ang katawan, pare." "Mag-isa 'ata, ayain kaya natin sa table natin?" ilan lamang sa mga bulungan na naririnig ko sa paligid. Inis at naiirita akong umalis sa puwestong iyon. Isang skinny jeans at itim na sleeveless crop top ang suot ko, na lalong humulma sa mahubog ngunit maliit kong katawan. Medyo malalim ang neckline noon at labas ang cleavage ng dibdib kong hindi kalakihan ngunit mabibilog at tila nagyayabang sa pagkakatayo. Sinubukan kong tumingkayad. Shit! Hirap talaga kapag ganitong matao. Sa liit kong ito ay takot akong sumuong sa kapal ng tao para lumipat sa kabilang bahagi ng dance floor. Baka mamaya n'yan ay madaganan pa ako o 'di kaya'y maanod sa dami ng taong nagwawala sa gitna ng dancefloor. Kaya naging maingat ang kilos ko. Aalis na sana ako sa puwesto ko nang may isang brasong pumulupot sa aking maliit na baywang. Napaawang ang labi ko nang malanghap ko ang pamilyar niyang amoy. Si Ream! "Got yah!" Ream said as he chuckled at my neck. "Hmm... bango," he sleepily murmured. Napapiksi ako nang makiliti ako sa bahaging iyon ng aking leeg. Nilingon ko siya at nakita ko ang pamumungay ng mga mata niya. Is he drunk already? I am not sure. Pasimple akong kumalas sa pagkakayakap niya at hinarap siya. Isang Linggo pa lamang ang nakakalipas nang sagutin ko ito at ganap na nga kaming maging mag-nobyo. "Saan sila Elina?" kapagkuway tanong ko. Saglit niya akong tiningnan. Inakbayan niya ako. Hinayaan ko na lamang siya. "Naroon sila sa kabilang corner," ang turo nito gamit ang kamay na may hawak na bote ng beer. Napatingin ako sa boteng hawak niya. Halos paubos na rin ang laman no'n. "Ream, don't drink too much, okay?" bilin ko na may halong pakiusap. Pakiramdam ko kasi may tama na ito. Baka kasi hindi ito makapagmaniho mamaya. "Sure, babe." Aniyang may malagkit na ngiti sa labi. Ngunit hindi ko inaasahan ang sumunod nitong ginawa. Mabilis niyang siniil ng halik ang aking mga labi. Saglit lamang naman ang halik na iyon ngunit malalim. Nabigla ako't hindi agad nakakilos. Unang beses niya iyong ginawa. Unang halik din naming dalawa, dahil kahit kailan ay hindi ko pa siya pinapayagang halikan ako. Mabait si Ream. Mahigit isang taon na rin niya akong sinusuyo. Matsaga at pasenyosong tao. Alam na alam nito kung paano tanggalin ang agiw ng utak ko. Ngunit kahit anong gawin ko, wala talaga akong nararamdaman na espesyal para rito. Hindi ko nga rin alam kung bakit sa isang iglap basta na lamang ako nakapagdesisyon na sagutin ito. Maybe because I want to save my pride from Klient. Ang pinaka-evil na lalaking nakilala ko sa tanang buhay ko! Gusto kong patunayan sa lalaking 'yon na mali siya ng paratang. Na tatanda akong dalaga. Na mamatay akong mag-isa. Patutunayan ko sa kaniyang may lalaki pa rin naman ang kaya akong tanggapin at mahalin gaano man ako kahirap pakisamahan. Gusto kong igala ang mga mata ko nang maramdaman kong tila may mainit na matang nakatitig sa amin. O, baka pakiramdam ko lamang iyon? Kanina pa naman nang pagdating ko ay marami na naman talagang mga mata ang nakatitig sa akin. Akbay pa rin ako ni Ream nang magtungo kami sa mesang okupado nila Elina, Sandy, Michelle at Elvira pawang mga kaklase ko sa unibersidad na pinapasukan ko. Napangiti ako ng makita si Elina. Kumaway pa ito sa akin habang umiindak sa daloy ng musika. Nakaupo naman si Elvira habang malakas sinasabayan ang kanta. "Nasaan iyong dalawa?" ang agad kong tanong, nang makalapit kami. Tinuro nito ang dance floor at nakita ko nga si Michelle at Sandy roon habang pawang may kasayaw na lalake. Ngayon ko pa lamang nakita ang mga lalaking iyon kaya malamang na ngayon nga lang din mismo nila nakilala ang mga iyon. Sa mahigit dalawang taon ko nang kasa-kasama ang grupo ay kilala ko na kung sino-sino ang mga lalaking nauugnay sa mga ito. "I like your get-up today Babe, pati ang make-up mo, perfect. Para kang manika," saglit siyang lumayo sa akin. Puno ng paghanga niyang pinagmasdan ang aking kabuuan. Natatawa na lang ako at naiiling sa ginawing iyon ni Elina. "May tama na 'ata kayo," biro ko pang puna sa kanila. Napansin ko rin kasi ang bahagyang pamumula ng mukha niya. "Hoy, parang hindi mo kilala to," turo nito sa sarili. "Hindi ito basta-basta nalalasing no," aniya pa habang nakataas ang kilay sa akin. "Babe, lets dance?" kapagkuway 'aya sa akin ni Ream. Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ako patayo. Iginiya niya ako patungong dancefloor. Nang hapitin niya ang baywang ko'y hindi na ako tumutol. Nobyo ko na ito ngayon at kailangan ko nang masanay sa pagiging clingy nito. Nang ipalibot niya ang mga braso niya sa baywang ko at isubsob ang mukha niya sa leeg ko'y kusang umangat ang mga braso ko't ikinawit din ang mga iyon sa kaniyang leeg. He sexily swayed his body with me. Napapikit ako. He's my boyfriend now. Hindi ko pa man siya naipapakilala sa aking pamilya pero nabanggit ko na kay Nanay ang tungkol sa kaniya. Pagdating naman sa aming Ina ay walang problema. Hanggat masaya kami at mahal namin ang taong gusto naming pakisamahan ay doon din naman siya. Nang sabihin ko sa kaniya ang pakikipagnobyo ko ay hindi siya tumutol. Pinaalalahanan lamang niya ako, na huwag munang magpadalos-dalos sa bugso ng damdamin. Na magtapos muna ng pag-aaral bago bumuo ng pamilya. Naiintindihan ko naman iyon, gusto lamang niya akong maging maingat. Ayaw lamang niyang maulit pa ang naranasan ni Ate. Though, naging happy ending naman kinahantungan ng lahat sa pagitan ni Ate at Kuya Vince. Dahil sa huli, napag-alaman namin na si Kuya Vince din naman pala ang ama ng kambal niyang anak. Si Nanay naman ay happy rin ang lovelife sa piling ng tunay na Ama ni Ate, kay Tito Ronald. Naging komplikado man sa una, nagtapos din naman sa matiwasay at masayang ending ang mga lovelife nila. I winced a bit when I felt him bite my neck. " Ouch, Ream!" sinaway ko siya. "I'm sorry Babe, I just can't help it." Ang paos niyang bulong. Lasing na ba siyang talaga? "Can I kiss you, please?" nakikiusap ang tono niyang sabi habang mga mata naman niya ay nangungusap. Napalunok ako habang nakatingin sa kaniyang mga mata. Naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa baywang ko at ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin. Boyfriend ko na siya ngayon. Normal lang naman siguro kung pagbigyan ko siya 'di ba? Napapikit ako, at habang inaantay ko ang paglapat ng mga labi ni Ream sa labi ko, ay tila tukso naman ang pagdaan ng mukha ni Tikbalang sa isip ko. Ang unang halik na pinagsaluhan namin kung paano ay muntik na akong magpatangay sa pang-aakit niya. He's my first kiss. Kahit gaano ko pa siya kinaiinisan ay nagawa nitong iligaw ang isip at puso ko. At kung hindi siguro dumating noon sila Nanay ay baka tuluyan na nga akong nakalimot at natangay sa pang-aakit niya. Klient is dangerous. Tila may taglay itong kapangyarihang maakit ang lahat ng nakapaligid sa kaniya. Kabilang na ako. Kaya kailangan ko siyang iwasan. He's no good to me. Certified babaero ng bayan! Napapikit ako ng mariin. Gusto kong iwaglit at wagwagin ang imahe niya sa utak ko. Napamulat akong bigla nang may isang kamay ang humila sa akin. Niyakap niya ako at marahas na inangkin ang mga labi ko. Kilalang-kilala ko ang paraan ng paghalik nito. Ang bawat galaw ng labi at indak ng dila nito sa loob ng aking bibig ay pamilyar na pamilyar sa akin! Nakakaantok at nakakahalina ang paraan ng paghalik niya. Ang s****l na galaw ng labi niya ay nag-aanyaya pa ng mas mainit na sagupaan. Isa lamang ang kilala kong may kakayahang magparamdam sa akin ng ganoon. Isang lalake lamang ang kilala kong kaya akong dalhin sa ganoong klasing intensidad, si Klient! Damn it! Klient?! Napamulagat nga ang mga mata ko nang makita si Tikbalang nga ang kumakain sa bibig ko! What the heck! Bakit ito ang humahalik sa akin nasaan si--- Damn this jerk! Anong ginawa niya kay Ream? Nakita ko na lamang si Ream sa sahig habang nakangiwing hinihilot ang tagiliran. Buong lakas kong itinulak si Klient at bigyan ng malakas na sampal. 'Di siya nagpatinag sa pagsampal ko. Bumaling lamang ng bahagya ang mukha niya ngunit madilim ang aura nitong tiningnan akong muli. Naninindak ba siya? Pwes, hindi ako nasisindak sa isang tulad niya! "Anong karapatan mong halikan ako? At anong karapatan mong saktan ang nobyo ko?!" hasik kong duro sa kaniya. Tila bigla siyang natigilan sa huli kong sinabi. Kaya napangisi ako't tinaasan siya ng kilay. "Wala kang karapatan para saktan ang nobyo ko, naiintindihan mo?!" Nakairap kong bulyaw sa kaniya. Lalapitan ko na sana si Ream para daluhan nang walang ano-ano'y binuhat ako ni Klient. Sa tangkad niya at laki ng katawan parang sako lamang ako ng bigas na pinasan nito. Napatingin ako kung saan si Ream. Tumayo ito at akmang hahabol ngunit hinarang siya ng tatlong lalake kabilang si Marvin. Duguan ang dulo ng labi ni Ream, may awa akong naramdaman para sa kaniya. Kumawag ako at pilit na kumakawala mula sa mga bisig ni Klient. I threw a lot of punches at his back but he didn’t even bother to stop me. Gusto kong umiyak pero nagpigil ako. Hindi-hindi ako iiyak lalo na sa harapan ng Tikbalang na ito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD