AMILYN Nakabusangot akong nagta-type sa cellphone ko. Sinabihan ko sila Elvira na hindi na ako makaka-join sa kanila sa dinner dahil may dumating akong buwesita. Me: Girls, pasensya na hindi ako makakasali sa dinner niyo may dumating akong buwesita. But in my surprise, alam nilang narito si Klient sa apartment ko. Elvira: We know Ami, nakita namin siya sa harapan ng pintuan mo kanina. So expected na namin na hindi ka makaka-join. Pero buwesita ba talaga yan? Buti ka pa dinadalaw ng poging buwesita. Feeling ko ang sarap ng magiging dinner mo, nakakainggit. Magpakabusog kayong dalawa. Ang aniya, with three grin emojis pa. Wala sa loob na napangiwi ako. Pero ganun? Iniexpect na daw nilang hindi ako makakapag- join? Hindi na ako nag-reply pero mas lalong humahaba ang nguso ko sa tuwi

