AMILYN Nang araw na iyon, hindi talaga ako nakalabas ng opisina. Kahit breaktime nung hapon, maayos akong nagpaalam na pupunta lang sa canteen saglit pero hindi siya pumayag. Sinubukan ko pa ulit magpaalam makaraan ng dalawang oras pero matigas talaga ang pagtutol niya. Mas mahigpit pa siya sa guwardya civil! “You’re not going anywhere Amilyn until you’re not done there,” walang emosyon niyang sabi. Nagdadabog akong bumalik sa mesa ko. I heard him hissed, I know he is also annoyed. “Kahit saglit lang ayaw? Ano bang boss yan, ayaw magbigay ng tamang break time sa tauhan?” Himutok kong parinig sa kaniya. Nirinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga. Ngitngit na ngitngit naman ang kalooban ko siyempre. Pero sa huli, tinanggap ko na lang at least yung tungkol sa balak niyang p

