CHAPTER 12

2167 Words
AMILYN I tried to ignore their presence like as if I didn’t notice their arrival, particularly that tikbalang. Laging maangas talaga ang dating. Sumasabog ang kakaibang epekto ng presensya niya sa loob ng cafe na iyon, kita ko yun sa reaksyon ng mga tao lalo na sa mga kababaihan na halos lahat ay parang ostrich sa haba ng leeg na napatingin kay Klient. Makikinang din ang mga mata nila na akala mo’y mga pawang nakatunghay sa pagsikat ng haring araw. Nasa b****a pa lamang sila ng pinto ay umugong na ang anasan at bulungan mula sa mga kababaihan. “Omg, si Klient Fuentaville yan di ba?” “Yes, ang guwapo niya talaga no?” “Ang guguwapo talaga ng mga Fuentaville, lalo na yung panganay si Kiel,” lihim akong napangisi. Guwapo talaga yun si Kuya Kiel. “Hoy, super guwapo rin naman si fafa Klient, ibang iba yung dating,” tanggol ng isa na lihim kong inismiran. Nalingunan pa ni Halena ang panghahaba ng nguso ko kaya nahihiya akong medyo yumuko. “Parang napapadalas yata siya dito sa school natin at laging kasama si Miss Lorine.” “Ano pa nga ba, balibalitang mag jowa na ang dalawa.” “Really, parang kailan lang ibang babae ang balitang girlfriend niya.” Napairap ako sa hangin, ano pa nga ba ang aasahan nila sa isang Klient Fuentaville? Eh, certified playboy ng bansa yan! “Nakakainggit naman, kailan din kaya ako mapapansin ng isang Klient Fuentaville?” lihim akong napapangiwi sa mga naririnig kong papuri sa kaniya. Yuck talaga. Hindi ba nila nakikita kung gaano kasama ang ugali ng Tikbalang na yan? Nang maglakad na si Halena ay may pagmamadali akong kumapit sa braso niya, halos magtago ako sa gilid niya. My other hand immediately grabbed my phone inside my pocket. Dahil may mga ibang papasok din sa cafe, kasunod lamang nila Tikbalang ay napahinto si Halena sa paglalakad, medyo gumilid din kami para paraanin muna sila. Tahimik lang ako at medyo nakayuko, I pretended that I was busy with my phone. Hindi ko sila tiningnan kahit pa ramdam ko ang init ng titig ni Klient sa akin. Nakalampas na sila ng ilang hakbang. Nakahinga ako ng maluwag. Hahakbang na rin sana kami palabas nang.. “Wala ka bang klase?” narinig kong tanong niya, parang naninita pero hindi ko pinansin. Nagkunwari akong walang narinig. Pasimple ang ginawa kong paghila kay Halena para akayin na siya palabas. Magaan akong tinapik ni Halena, kaya napaangat ang mukha ko sa kaniya. “Tinatanong ka..” pasenyas niyang tinuro sila Klient. Kunwari ay taka pa akong napalingon sa dalawa. Ang sersyosong mukha agad ni Klient ang sumalubong sa akin. Nasulyapan ko rin ang pagtaas ng kilay ni Lorine. Oh, anong problema ng dalawang to? “Tinatanong kita kung wala ka bang klase ngayon?” seryosong ulit niyang tanong kaya napalitan akong tumingin sa kaniya ng diretso. Napabuga ako ng hangin. Saka may taray kong sinalubong ang mga mata niya. “Malamang wala, nandito ako eh..” sarkastiko kong sabi saka siya inirapan. Nagsalubong ang mga kilay niya at tumiim ang mga labi niya. May diin din ang titig niya sa akin, parang nagbabanta. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, umalon ang kaba sa dibdib ko. Kaba ba ito dahil natatakot akong ipahiya niya sa loob ng cafe na iyon na puno ng tao, or kinakabahan ako kasi nakita ko ang kakaibang kaseryosohan at tiim ng titig niya sa akin? May atraso ba ako sa tikbalang na ‘to? Ang alam ko wala, pero siya kung atraso lang aba nakakarami na siya sa akin. His eyes on me seems so intimidating, sa gitna ng kabang nararamdaman ko’y napahinga ako ng malalim para kalmahin ang sariling nag uumpisang makaramdam ng inis. Lalo na’t ang karamihan sa loob ng cafe ay nakatingin na sa amin. Sa asta niya, para bang tinatakot niya ako sa harapan ng ibang tao. He’s trying to show his superiority over me. Para bang naninindak talaga siya. At hindi ako papayag na sindak sindakin niya lang ako, lalo na sa harapan ng girlfriend niyang kung makakapit parang tuko! “Look, mahal kong Ama. Hindi ako tulad ng ibang estudyanteng pipiliing maglakuwatsa kahit may klase pa, at kung hindi nyo po mamasamain Tatay ko, mauna na ho kami at ilang minuto na lang ay mag start na ang klase ko,” ang patuya kong sabi sa kaniya. Lalong nagsalubong ang mga kilay niya na halos magdugtong na. Tumiim ang bagang niya, “pinsan mo ba si Klient Ami?” napalingon ako sa isang mesa, naroon ang tatlong kaklase ko. “Super protective naman ng pinsan mo saiyo-“ “Hindi sila mag pinsan, ano ka ba. Ang dinig ko ate ni Amilyn ang asawa ni Vince Villamar na si Amber Via.” Bulong na paliwanag ng isa pero malinaw naming narinig. Napangisi ako. Mukhang sa mga encounter namin ngayon siya talaga ang madalas na magiging dihado. Nakikiayon sa akin ang tadhana para siya naman ang mapahiya. “Yes. Bayaw ko si kuya Vince, at itong Tikbalang de Kapre na ‘to ay hindi ko kaano-ano pero ewan ko ba kung bakit ang asta niya palagi e, daig pa tatay ko?” nang uuyam kong sabi, taas noo kong tiningnan si Klient. Umigting ang bagang niya. Hindi ako nasindak. Humakbang siya ng dalawang beses. “Klient, ano ba hayaan mo na nga siya,” mahinang pigil ni Lorine sa kaniya. Nakayakap ang mga kamay nito sa isang braso ni Klient. Hindi siya pinansin ni Klient hindi niya ako nilubayan ng tingin. “Kaibigan ako ni Vince, at sa tuwing wala siya at ako ang narito, ako ang tatayong guardian mo,” awang ang mga labi at hindi makapaniwala ko siyang tiningnan. “Ikaw, tatayong guardian ko?” Pagak akong natawa, hindi pa rin makapaniwala. Napangisi naman siya. “Yes, baby.. whether you like it or not, I’ll be your guardian angel,” He playfully said. “Nagpapatawa ka.. Hindi ka naman mukhang anghel, hindi mo bagay maging guardian dahil puro kademonyohan ang alam mong gawin sa buhay ko, kaya tigilan mo ‘ko!” imbyerna kong sabi at mabilis ko nang inakay si Halena palabas. Nagngingitngit ang kalooban kong tinalikuran ang dalawang sumira ng maganda sanang araw ko. I can’t just stop my anger over him. Nakakabuwesit talaga ang araw na makita siya! Dinig ko ang mahinang hagikgik ni Halena, “hey, slow down, saglit lang naman, Ami. Baka madapa pa tayo niyan.” Pigil niya sa akin. Hindi ko namalayan na malapit na pala kami sa school building nila Halena. Hingal siyang huminto at sapo ang dibdib. “Wow, hindi ko akalain na makakarating tayo dito in just a couple of minutes kahit pa ang ikli ng mga binti mo,” pangbubuska niya. “Halena, pati ba naman ikaw lagi akong i-bully dyan?!” Nakasimangot kong sabi, halos magpapadyak na ako. Pero humalakhak pa siya lalo ng malakas. “ Hey, It wasn’t a bad thing. It was even a compliment, you know? I mean, kahit ang liit mo ang bilis mong maglakad. Kahit si Klient na parang gusto kang habulin biglang parang nagdalawang isip at hindi na lang tinuloy.” Ano raw? Sinubukan niyang sumunod? “He tried to follow us?” Di makapaniwalang tanong ko. Kanina kasi hindi ko na talaga siya tiningnan at mas nagfocus akong hilahin si Halena palabas ng cafe. “It seems, tinawag pa nga niya ang name mo eh. But you’re too fast and furious!” Pang aalaska pa niya. Well, hindi ko na narinig ang tawag niya. At kahit marinig ko, never ko rin siyang hihintuan at kakausapin! Masyado nang sira ang araw ko para gawin yun. “Nakita ko parang gusto niyang humabol. But Lorine also stopped him. And added to that, sa bilis mong lumakad habang kaladkad ako ay parang napagtanto niyang hindi niya tayo mahahabol.” Patuloy na pang aalaska niya. “He did a right decision, kung nagkataon na humabol pa siya, malilintikan na talaga siya sa akin!” Naniningkit nag mga mata kong sabi. “You know what? Gustong gusto ko talagang panoorin kapag nagkakasagutan kayo ni Klient, at isa sa mga paborito kong sagutan niyo ay yung nangyari kanina, did you see his reactions?” Kita ko ang di matatawaran na tuwa sa mukha ni Halena. Nawewerdohan ko siyang tiningnan. “I will remember those events that you fought like cat and dog, then and I’m gonna wait and watch which one of you will going to fall in love first.” Awang ang labi ko at nanlalaki rin ang mga matang tiningnan ko si Halena. Parang bigla akong nanlamig at kinilabutan sa sinabi niya. Damn it. Nunca na mahuhulog ang loob ko sa tikbalang na yun! “That’s not gonna happen, impossible..” “Huwag kang magsalita ng tapos, dahil karamihan sa mga kilala kong magkagalit, sa simbahan nagtapos—“ “Stop it, Halena! No way! Never! Never akong mahuhulog sa tulad niya-“ “Eh, paano kung siya ang mahulog saiyo?” natigilan ako, sa isang saglit, nagulo ang isip ko, hindi ko alam ang isasagot ko. Pero sa huli, pinilig ko ang ulo. Kinontra ang bagay na alam kong malabo. Impossible rin naman kasi na mahulog ang loob ng lalaking yun sa akin. We’re opposites, “malabong mangyari yang sinasabi mo, hate namin ang isat isa. Hindi yun pumipirme sa iisang babae. At yung tikbalang na yun ay pawang matatangkad ang gusto-“ “Hindi ko tinutukoy rito ang gusto niya, ang sinasabi ko ay ang ititibok ng puso niya.. Iba ang gusto sa ididikta ng puso, Ami. At kapag puso na ang nag desisyon, parang mahirap nang sawayin ang sarili, mahirap nang kontrolin ang isip para ipaalala ang gusto. Dahil sa huli, laging nasusunod ang sigaw ng puso. At ang pusong tinatamaan ng totoong pag ibig ay natututong makuntento.” Saglit akong hindi nakaimik. Hindi ko alam kung anong isasagot or magiging reaksyon ko, but then bakit ganito na lang ang babaeng ito kung magsalita? Ngumisi ako sa kaniya at humalukipkip. “Teka nga, bakit parang kung magsalita ka tila ba danas na danas mo nang magmahal? Nakita kong natigilan siya at natunaw ang matamis na ngiti niya. Parang nawala din ang kulay sa mukha niya parang kanina habang nakatitig sa tv doon sa cafe. “At tsaka, bakit bigla ka na lang naalarma at namutla habang nakatitig kay Rue-“ “I have to go, Ami. Mag start na ang susunod na klase ko, bye and see you later!” Agad na siyang humalik sa pisngi ko at nagmamadali akong iniwan. Pakiramdam ko umiiwas lang siya, tsk. Humanda ka mamaya dahil kukulitin kita. Hindi mo na ako maiiwasan. Pero kinahapunan, pagkatapos ng klase? Hindi ko na nakita si Halena. Nang tawagan koy hindi niya rin sinasagot. Then, nakatanggap ako ng text na may lakad daw siya kaya hindi na niya ako nahintay. Buti na lang ay naroon pa sila Elvira, Elina at Sandy, nang lapitan nila akong tatlo at sumabay ay nakangiting sumabay na rin ako. Iisang apartment building lamang din kasi ang tinitirahan namin ni Elvira at alam ko, pupunta sa kaniya itong dalawa para doon e, magtambay pa. “Ami, sa amin ka na kumain dahil magluluto kami, then shat tayo konti.” Ani Elvira. “Naku, kailangan kong mag review para bukas may long quiz pa tayo, remember? Kaya kayo rin mag review, bawal tayong mag shat-“ “Oo, na!” Sabay at natatawa nilang putol sa sasabihin ko. “Si Miss Ulirang mag aaral talaga itong si Ami. Sige na nga, wala nang shat pero sa amin ka na kumain.” Ang aniyang sinang ayunan ko. Pagdating sa apartment koy, ginawa ko muna ang mga takdang aralin ko. Naglinis din ako ng kusina dahil may mga hugasin akong naiwanan kaninang umaga. At naglaba na rin ako ng mga damit ko. Pagpatak ng 6:30 pm ay nag ayos na ako ng sarili para mangapit bahay kila Elvira. Nakaligo na ako. Isang pares ng paborito kong pang tulog na padjama ang napili kong suotin. Mabilis kong dinampot ang pulbos at nagbudbud ng kaonti sa palad, pinaggitgitan ang mga palad para ikalat ang pulbos saka pinahatid sa mukha. Mabilis kong sinipat ang mukha ko sa nakasabit na salamin kung pantay ba ang pagkakapahid ko ng pulbos. Nang makuntento ay tinungo ko na ang pinto. “Ay Tikbalang!” Halos mapatalon ako at pakiramdam koy nalaglag ang puso ko sa gulat at pagkabigla nang pagbukas ko ng pinto ay mabunggaran ko ang malaki at mataas na bulto ni Klient. “At saan ka pupunta?” Seryoso niyang tanong. Sinuntok ng kaba ang dibdib ko nang masamyo ang amoy ng alak sa kaniya. A/N: readers, humihingi ako ng pasensya kung hindi ako active at madalang din akong mag update. Sobrang busy po kasi sa work ko at maraming events plus sa bahay pa namin. Mga anak ko at asawa ko, so pasensya na po. ❤️❤️❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD