AMILYN Sabado ng umaga nang tawagan ako ni Kuya Matthew, tinanong niya kung nabasa ko na ang pinadala niyang email sa akin tungkol sa buong arrangement ng auction event. Nakalagay daw roon kung anong mangyayari sa auction at kung anong dapat ihanda ng isang kalahok. Napanganga na lang ako nang mabasa ko nga ang lahat ng information doon. Para ka pa lang sasali sa isang beauty contest? Bukod sa rarampa ka gamit ang napakagandang kasuotan ay may talent portion pa pala ito. Well, kung talent lang naman puwede akong kumanta. Pero sa panahon ngayon, puro kanta na lang ang ginagawang talent ng karamihan sa mga contest. Sayaw na lang kaya ako? Nang walang practice? Nang walang back up dancers? Agad kong hinagilap ang cellphone ko at tinawagan si Halena. Alam kong matutulungan niya ako

