* * * “Axel?” Unti-unting minulat ni Miller ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin. Idagdag pa ang nakakasilaw na sikat ng araw na akalaing sinusunog ito sa init. Hindi niya akalain na may sasalubong sa kanya na liwanag. Lalo na kung gabi noong huli niyang iminulat ang kanyang mata. Luminga-linga siya. Mabagal, tila ba mabigat para sa kanya ang buhatin ang sariling ulo at lalo na ang kanyang buong katawan. “A…Axel?” tawag niya ulit. Napakapit si Miller sa kanyang lalamunan nang marinig ang kanyang boses. “What is it this time? I actually spoke despite of not being able to earlier,” tanong niya sa sarili dahil sa biglaang pagbabago ng sitwasyon at lokasyon. Itinulak niya ang sarili para makabangon. Bahagya siyang nakaramdam ng hilo, pero natural lang ito sanhi ng pagbangon n

