* * * Palubog pa lang ang araw. Tila maliliit na dilaw na ilaw ang mga lumusot na liwanag ng pababang araw sanhi ng bintanang ang disenyo ay layunin ang presko at natural na simoy ng hangin. Ilang minuto na lang ay madilim na, patulog na ang mga tao ngunit ang bampira sa kwarto ay kagigising pa lamang. Kalbo, may mataba at bansot na pangangatawan ang bampira. Malayo sa madalas ay marilag na anyo ng kanilang lahi. Syempre hindi rin ito ang tunay na anyo ng bampira. Suot niya ang ternong pantulog na akalain ay bagong taon dahil maliban sa kulay pula ay puting bilog-bilog din ang disenyo nito. Bago umalis sa kama ay naghikab at nag-inat ng katawan ang lalaki sa paraan na para bang kanya ang oras sa mundo. Dahan-dahan niyang inilapag sa sahig ang kanyang paa at kinapa-kapa ang tsinelas na ku

