* * * Kaninang umaga, bago pa man dumating ang sundo ni Miller para ihatid siya pauwi ay minabuti na muna niya na pagmasdan ang natutulog na si Axel. Dalawang oras lang ang haba ng tulog ni Miller. Hindi kasi siya sanay sa lugar na kanyang tinutulugan, maliban pa rito ay hindi niya makalimutan ang biglaang paggaling ng kanyang mga sugat. Hindi na niya kailangan pa na ulit-ulitin sa sarili niya ang katanungan kung paano ito nangyari? Isa lamang ang kasagutan dito, I have become a vampire. Alam na ito ni Miller. Ilang ulit na niyang narinig kay Axel ang posibilidad ng pagiging bampira niya. Sumagi man sa kanyang isipan na maaari nga siyang maging bampira, pero hindi niya lubusan na maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung siya ay tuluyan nang maging bampira. Magkakaroon din ba siya ng

