* * * “Tapos na ang trabaho ko sa Thailand. Pero may tauhan kang tanga. Hinayaan niyang makatakas ang isa sa mga huli natin.” Reklamo ng lalaki na kayumanggi ang balat. May suot siyang putting sando sanhi para bumakat ang malaki niyang braso at dibdib. Nagbuntong-hininga ang lalaking katabi niya. Hindi kagaya ng unang nagsalita na lalaki ay naka-polo ang sunod na nagsalita. Kulay abo ang kanyang buhok ngunit may parehong ginintuang kayumangging kulay ng balat pa rin. “Let’s just forget about that, okay?” simula niya, “Who knows what happened to that human after it was left in the streets? It is in its last phase of vampirization, and it doesn’t seem like a promising one anyway. I'm sure the human died because its body couldn't handle the vampire blood.” “Oh, right. He was one of the se

