"Handa na ba ang lahat ng gamit mo, anak?" Nilingon ko si Mommy at malungkot na ngumiti ako sa kanya. "Okay na poh Mom." Dumako ang tingin ko sa mga kasambahay namin na bumaba ng hagdan dala-dala ang malalaking maleta namin. Pati ang driver at si Dad ay nakibitbit din ng iba pa naming bagahe. "Ikaw, anak. Handa ka na rin ba?" Her question caught me off guard. "I think, I am." tipid kong sagot. Nalulungkot ako. Well, sino naman ang hindi di ba? The part when you have to bid goodbye to the people who have been a part of your life is not an easy task. And there's no easy way to say your farewell to them without shedding a tear. "Let's go. Kailangan maaga tayo para hindi tayo maabutan ng traffic." ginagap nito ang aking kamay at malambing na hinila palabas ng aming

