Chapter 44 A Dela Viego’s Wedding NANLAKI ang mga mata ni Neil nang pagpasok niya sa isnag dressing room na inaakala niyang silid ni Juvia ay nadatnan niya roon si Anne na nakapatong ang isang paa sa upuan at inaayos ang garter nito sa kanyang hita na lagayan ng baril na kanyang dadalhin sa kasal. “Bakit parang nakakita ka ng multo?” supladang saad ni Anne nang mapansin niyang napako lamang si Neil sa kanyang kinatatayuan. “I thought…Miss Juvia is here…” he looked away as he cleared his throat. “She’s in the other room…” “Are we on…red alert?” hindi naiwasan ni Neil ang magtanong nang makita niya ang baril na nasa hita ni Anne. “Yeah…it’s the wedding day of a Mafia Boss, after all,” sagot naman ni Anne at saka binaba ang kanyang paa. “Your duty is to look after Juvia’s siblings…

