Chapter 63 Mad Love KATULAD ng hinala ni Juvia ay mukhang umalis na si Pain. Maybe Pain is set to proceed with his goal for tonight. Habang nagsasalita ang isang guest sa harap ay naantala ang atensyon ni Juvia maging ang iba sa may entrance dahil may mga bisitang nagsisilabasan. Nang lumapit doon si Juvia ay narinig niya ang ingat ng mga tao roon kaya dali-dali siyang lumabas at pagkalabas niya ay umuulan ng pera. Mayroong isang chopper sa itaas na pinanggagalingan ng pera . Nakita ni Juvia ang mga kalsadang sakop ng mga perang nahuhulog, may mga taong kumukha na nito at diretso sa kanilang bulsa. This caused a commotion. Tuluyang naistorbo ang party at maraming tao ang nanood sa mga perang nahuhulog

