XVI

2189 Words
Chapter 16 Arson NAPAHINTO si Juvia sa pagtutulak ng kartilya na naglalaman ng buhangin nang makakita siya ng ilang paa na humarang sa kanyang nilalakaran. “Excuse po,” magalang na sabi ni Juvia at ililipat sana ang gawi ng kartilya ngunit humarang ulit ang dalawang babae. Ito ang dalawa sa OJT na engineer in-transit dito sa site. Hindi na rin siguro siya magtataka kung bakit siya nito hinaharang dahil sa mga titig ng mga ito ay para bang mayroon siyang atraso. “Nagtataka pa rin talaga ako kung bakit mayroong helper na babae? Hindi ba’t bawal iyon dito?” aniya ng nakahalukipkip na babaeng mahabang buhok at napatingin mula ulo hanggang paa sa kanya, Binasa ni Juvia ang pangalan sa I.D nito at ang pangalan niya ay Joy. “Maybe it’s just one of her schemes in seducing rich guys…” singit naman ng babaeng kasama nito na kulay brown at maiksi ang buhok. Sexy ang pananamit at napapansin ni Juvia na ito iyong laging nakapalda kahit sa site sila naka-assign. And her name ni Cat. “Nakakaumay na iyong gano’n. Kunwari ay paawa effect sa mayayaman pagkatapos mamimingwit lang naman sila,” ramdam ang inis sa boses ni Joy. “Well, that is how poor people live! Hindi sila marunong magsumikap at naghihintay na lamang ng grasya!” Juvia could take the judgements and insults but the last ones are hurtful. Mahirap nga naman siya’t kahit tatlo ang trabaho ay hindi maiahon ang pamilya sa kahirapan. Ang sabi nila ay kapag nagsumikap ka, aahon ka rin sa hirap. Ilang beses nang napaisip si Juvia dahil palagay naman niya ay nagsusumikap siya kahit minsa’y nasa limitasyon na siya. Ngunit wala pa rin ipinagbago ang kanyang buhay at naghihirap pa rin sila. Isang kahig, isang tuka—iyan lamang ang iniikutan ng kanilang buhay mula pagkabata. “Kakapit sa mayaman para umasenso!” sabay pa nilang sabi at nagtawanan. Dahil palagay naman ni Juvia ay wala siya sa lugar na sumagot ay mainam siyang napatayo at hihintaying umalis sila sa harapan upang siya’y makadaan. “What are you doing?” bigla silang nabulabog ng isang boses. Paglingon niya’y nakita niya si Pain na may nakasubong lollipop sa kanyang labi. “Shouldn’t you be working?” saway pa ni Pain sa kanya. “Yes, sir…” mahinang napasalita na lamang si Juvia dahil sa damdaming pinipigilan. “Good Morning, Sir Pain!” bati ng dalawa at gano’n na rin kabilis nagbago ang tono at ang ekspresyon sa mga mukha nila. “Good Morning beautiful ladies,” binate naman ni Pain ang mga ito sa malanding boses. “See ya later!” natatawang pahabol pa ni Pain nang magpatuloy si Juvia sa kanyang pupuntahan. “Is she my girlfriend? Yes. She is…” napawi naman ang ngiti ni Joy at Cat nang biglang sinabi ni Pain iyon matapos makalayo si Juvia. “W-why…?” natulalang sabi ni Joy. “Why? I like girls who are tough!” natatawang sabi pa ni Pain. “Boys come around in Girls’ lives… it’s nothing new,” tinapik pa ni Pain ang balikat ng dalawang babae bago siya naglakad upang lagpasan sila. The site has become Pain’s main playground. Medyo nasasanay na rin ang mga tao rito sa kanya. Minsan nang-aagaw siya ng trabaho dahil naiisipan niyang masaya ang ginagawa nila but he never fails to ruin things in the sites which is causing a headache to whoever he wants to play with. “So, what time are you free?” nagulat naman si Juvia nang habang nag-aayos siya ng mga blocks nang bigla may kartilya ang huminto sa kanyang likod at nakita niyang nakaupo si Pain doon. Nakita naman niya ang trabahador na hinihingal na nagtulak sa kanya. “May trabaho pa rin po ako pagkatapos nito,” napasimangot si Juvia dahil naawa siya sa trabahador. “What? No. We have to go out on a date! I want to date today!” he whined like a kid that angered her. “Hindi nga po puwede. Saka tantnanan mo na nga ako.” “I’ll be back to ask again!” he pouted. “Kobe Bryant, let’s merry go round merry again!” utos pa nito sa trabahador na nagbabawi pa ng hininga. Marahil tinawag niyang ‘Kobe Bryant’ ito dahil sa may kaitiman ito at kalbo. Napaawang ang bibig ni Juvia habang nakatingin kay Pain na nakaupo sa kartilya at tinutulak ng trabahador. Mukhang nag-e-enjoy pa ito at kinakawayan ang bawat taong nadadaanan niya. “Isip bata talaga,” napailing na lamang si Juvia at nagpatuloy sa kanyang ginagawa. At bigla nalang din niyang napansin na nakangiti siya kaya naman napahinto siya. *** “NAY!” wala pa man sa pintuan si NatNat ay narinig na ni Linda ang sigaw nito. “Bakit ka ba sumisigaw, NatNat?” tanong naman ni Linda habang pinapainom ng tubig ang kanyang asawa na ilang araw nang nilalagnat at nahihirapan nang huminga. Sinubukan ni Linda na magpunta sa publikong hospital ngunit napakatagal ng proseso at tila hindi sila pinapansin. Hindi lingid sa kaalaman ni Linda na kung kukulangin man ang perang ibabayad sa hospital ay hindi ka nila gaano aasikasuhin. Napilitan naman si Juvia na mangutang sa kanilang kapit-bahay ngunit kaunti lamang ang nahiram nito. Ngayon nga ay nasa trabaho na naman si Juvia ang hinihintay niya ang sahod nito pambili ng karagdagang gamot ng kanilang ama. “May ganap sa plaza, Nay! Baka puwede kaming sumabay kina ate Jeni!” “Baka sumpongin ang Tatay n’yo, wala akong kasamang magtatakbo sa kanya sa hospital…” problemadong sabi naman ni Lindo. “Ano ka ba Linda…” naudlot ang pagsasalita ni Rolando nang bigla siyang inubo nang tuloy-tuloy kaya hinagod ni Linda ang likod nito. “Hayaan mo muna nag mga bata. Hindi naman ako mamatay,” napapikit pa itong huminga nang malalim pero bakas sa kanyang mukha na naninikip pa rin ang dibdib nito. “O sige. Sasama pa si Tintin sa ‘yo?” “Opo, Nay.” “O sya, sige. Basta ‘wag kayong magbibili ng kung ano-ano. Umuwi rin agad kapag natapos na ang pakay.” “Sige po!” “Teka! Sandali!” pigil ni Linda kay NatNat at tinawag ito sa kanyang tabi. “Huwag mong pababayaan si Tintin, ha? Malikot ‘yang kapatid mo. Huwag kayong maghihiwalay, tandaan mo? Kapag nakita n’yo si Ate niyo, sumama na kayo umuwi para makapagpahinga na rin s’ya. Okay ba?” ginulo-gulo naman ni Linda ang buhok ni Natnat. Saktong pumasok din si Tintin na tuwang-tuwa at mukhang alam na napayagan silang dalawa. “Nanay bibili kami balut hehehe!” tumawa pa ito. Napatayo naman si Linda at napangiti. Kahit anong hirap ang kanilang hinaharap, malaking bagay kay Linda at Rolando ang mga anak nilang mababait at mapagmahal. Paglingon ni Linda kay Rolando ay napapangiti ito habang nakamasid sa dalawang bata. “Hindi ko na nabigyan ng magandang buhay ang mga anak natin,” tila nangilid ang mga mata ni Rolando nang nakamasid pa rin siya kina NatNat na lumabas ng kanilang bahay. “Ang dalaga kong si Juvia ay sinuko na ang pangarap na maging Engineer at naking construction worker nalang. Gumaya na lamang siya sa kanyang Tatay.” Ramdam ni Linda ang pait sa bawat katang binibitawan ni Rolando. Napakasakit sa isang magulang ang pakiramdam na hindi nila maibigay ang pangarap na kinabukasan para sa mga anak dahil sa kahirapan. Ilang taon ding naging construction worker si Rolando hanggang sa ito na rin ang naging dahilan ng pagkakaroon niya sa sakit at tuluyan nang hindi nakapagtrabaho. Iyon na rin ang naging hudyat ng pagsasakripisyo ni Juvia para sa kanyang pamilya. “Alam mo bang hindi ka sinisi ni Juvia? Kaya huwag mong sisisihin ang sarili mo.” “Hindi ko na nga siya napag-aral, naging pabigat pa ako. Kaya ikaw, Linda…pabayaan mo nalang ako. Ako’y pagod na’t hindi na makababalik sa dati.” “Tumigil ka nga!” naiiyak na sabi ni Linda. “Kakayanin natin ito.” “Hangad ko lang, sana magkaroon ng magandang kinabukasan si Juvia. Iyong hindi na siya nagtratrabaho ng mahihirap.” “May tiwala ako kay Juvia…alam kong magbabago ang buhay niya,” ang sabi naman ni Linda. *** PAIN couldn’t find the words to say after Emilia finished what she just said. He was invited by Emilia for a dinner and it’s a usual thing they’d do. But what Emilia just told him is very unusual that he never see it was coming. “So, my father decided to arrange a marriage for his worthless and troublemaker son,” he scoffs while he picks up his fork and knife. “To my childhood friend…” dagdag pa nito at sinimulan hiwain ang stake. Napayuko lamang si Emilia matapos niyang magsalita. It took so much courage to tell Pain but it is now or never. In fact, she was the one who tried and suggest a marriage with Pain to her parents which turned out to be in the process of agreement between the families. Emilia was glad and felt it was already a great step in owning Pain’s heart. “Okay ka lang ba roon? Na ako ang aasawain mo?” napatanong naman si Pain bago niya sinubo ang steak na katatapos niya lamang hiwain. “Of course! I’ve known you for so long,” napa-angat siya ng tingin kaagad kay Pain at nagtama nag kanilang paningin. Parang sinusuri ni Pain ang mukha at ekpresyon ni Emilia dahilan upang lalo siyang kabahan. “It doesn’t mean you know me well,” he said while still staring at her. “Any man who will marry you would be lucky…” “There is nothing much we can do to go against our parents, Pain. We live in a different world.” “We live in the same cruel world where people like us would sit and eat in an expensive restaurant. We drink wine, eat steak but we can’t even finish it but we’d spend a lot of money for this…” he chuckled which made Emilia confused. “…and we walk passed by homeless people, starving to death…” “What are you saying, Pain?” “What I am saying is that, we all live in the same world. It’s just that we got lucky and stole a lot of money from people who are dumber than us…” there was undeniably bitterness in his voice. “And I’m sorry, I don’t want to marry you…” Parang huminto ang mundo ni Emilia matapos niyang marinig ang sumunod na sinabi ni Pain sa kanya. She had a hunch that Pain might now agree with the marriage especially if it is set up by his father he loathes the most. But she took the slightest chance she could gather to make this happen. “Hindi mo talaga ako kayang tignan bilang higit sa kaibigan?” her eyes welled with tears in an instant. “It’s impossible for you not to notice it at all.” “That you like me?” he asked. “Because you never kiss me…” napakagat labi si Emilia nang muli niyang titigan si Pain. “You never did that because of your rule…” “I never did that because you’re just like my Father and everyone else…” bigla namang nagdilim ang mga paningin ni Pain na ikinagulat pa ni Emilia. “I know you have good intentions but you always turn a blind eye when you see something that isn’t right…Because you want to be the perfect daughter, you have to keep your mouth shut and be nice.” “…And I hate that the most,” inalis ni Pain ang table napkin niya sa kanyang hita at nilapag sa mesa. “The reason why I live freely without following my father’s words is I want to be different from all of you. Surely, I won’t marry someone in my league…” napatango siya at pagkatapos ay napatayo siya. “If it should be a Dela Viego then you can try Rage…” aniya pa nito bago siya naglakad palayo sa mesa. Emilia was left devastated, thinking she just lost Pain…forever. Samantala ay nang makalabas si Pain ay nilabas niya ang kanyang car keys mula sa bulsa at pinatunog ang kanyang BMW na naka-park sa harapan. He was about to get in the car when his phone started vibrating, only to see Sonn’y called id. “What is it, Sonny?” reklamo pa nito nang sinagot niya ang tawag. “I found out Rage’s plan!” tila natataranta ang boses na sinabi nito. “…And it is happening tonight.” After hearing all of what Sonny had to say, he drove to the place where he told him without asking his self why. Perhaps, this is the first time he’s seen Rage’s extent to dirty works although he has already been aware of the rest. Hindi gaano’ng malayo ang lugar sa main city. Hindi lang talaga niya alam na may parte ng Fiore na para bang napagiwanan na sa pag-unlad. He stopped from a distance where no one could see him. He saw that big fire destroying those petty houses where people actually live. He leaned against his car and fished out his flask where he usually puts his favorite whisky. While drinking his whine, a loud noise of cries had disturbed him which lured him to take a closer look at those people who are watching their homes burned. Lumakas ang iyak na kanyang narinig, sapat na dahilan upang siya’y maglakad palapit. Hindi na niya kinalingang lumapit mismo sa mga tao dahil nang dumaan ang ilang pulis ay tumabi ang mga tao. And then he saw a familiar face of a woman on the ground, crying helplessly as the people around her stop her from going into the fire… ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD