Chapter 59 Three Hearts TILA maaga pa para kay Stanley na magsimulang mag-taglamig. Ngayong gabi ay ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin, marahil siguro ay nasa Sky Tower siya ng Fiore. Nagawang yayain ni Stanley si Juvia ngayong gabi na mamasyal rito dahil malapit nang matapos ang kanilang unang building sa project na kasalukuyan nilang hawak. Bilang celebration sa kanilang achievement ay nagpasya silang mamasyal sa usap-usapang Sky Tower sa Fiore na kabubukas lamang. Natanaw naman ni Stanley si Juvia sa may ‘di kalayuan na nakasuot ng pink na dress hanggang sa ibabaw ng tuhod niya at naka-flat shoes. Hawak nito ang sling bag na nakasabot sa kanyang balikat ay tumakbo siya palapit kay Stanley. “Ang ganda! Hindi ko alam na ma

