Chapter 24 Counter HALOS mapasapo si Sonny sa kanyang dibdib nang mahanap na niya ang pakay niya rito sa airport. “Bakit parang ang tagal ko yatang naghintay sa ‘yo?” agad nitong untag sa kanyang nangito ay makatayo at hinawakan ang kanyang trolly bag. “Hindi ko naman po alam na natuloy kayo ng flight eh! Naku lagot ako kay Sir Pain! Sinabi ko pong nag-cancel flight kayo!” mangiyak-iyak nitong sabi. “Nag-cancel ako ng flight kasi inurong ko iyong oras,” paglilinaw naman ni Juvia. “Kahapon pa po siya galit, hindi ko nga po makausap, hindi na rin ako nakapagpaalam sa kanya kanian dahil hindi ko siya mahanap,” tuloy-tuloy ang mga salita nito kahit siya’y hinihingal na. “Ngayon iyong party! Makakaabot pa po kayo! Tara na po!” Hinablot ni Sonny ang bag nito at pati na rin ang kama

