XVIII

1975 Words
Chapter 18 Revelation “MY FAMILY is the reason your parents are dead…” he said without hesitation. Nanatiling nakatitig si Juvia kay Pain dahil sinusubukan niyang intindihan ang mga katagang binitawan nito. She knows Pain loves to joke around but almost all of his words were true although they’re harsh. “Hindi ko maintindihan…” “Maybe you’ve heard the demolition in your area because majority of it are owned by someone powerful enough to make you lose your homes,” maalumanay na saad ni Pain. “And Fiore’s behind that project…” Napaawang ang bibig ni Juvia habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Pain. “Ibig sabihin namatay ang mga magulang ko para lang makapagpatayo kayo ng Mall?” tumawa siya ngunit kasabay no’n ay ang pagtulo ng mga luha niya. Napatayo siya’y napakuyom sa kanyang palad dahil sa nag-uumapaw na galit na kanyang nararamdaman ngayon. “Your parents are just a part of the collateral damage we might have seen coming,” nakapamulsang tumayo si Pain. Pagkatapos no’n ay pinili niyang tumihik nang sinampal siya ni Juvia nang pagkalakas-lakas. Hindi pa ito nakuntento at sinampal niya ulit ito. Hindi umilag si Pain at tinanggap niya ang paghihinagpis nito. “Mga hayop kayo!” sinuntok ni Juvia nang paulit-ulit ang dibdib nito ngunit sa pang-limang beses ay hinawakan ni Pain ang kamay nito. “At hindi ako nandito para makiramay…” bigla namang naging seryoso ang boses ni Pain. “I don’t really care about the pain of others…” he frankly said. “I just came here to tell the truth so you may suffer more…” Napakalas si Juvia sa kanya. “Hindi ko talaga maintindihan ang ugali mo ano? Pero isa lang ang alam ko. Napakawalang hiya mong tao. Ikaw ang pinakamasamang taong nakilala ko sa buong buhay ko!” “Well it’s true!” napataas ang boses ni Pain. “But I don’t lie,” he said firmly. “Umalis ka na!” sinubukan ni Juvia itong tinulak pero hindi natinag si Pain. “It’s good that you’re hurting,” he said calmly. “It’s what makes you do things you never done.” “But nothing will happen even if you cry all day. You’re still poor and you weren’t able to save your parents…” Mariing napapikit si Juvia at napapikit habang humihikbi. Hindi pa rin nito kayang tanggapin ang katotohanang nalaman. Ang mas masakit ay hindi niya kayang ibigay ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang mga magulang. “I won’t offer you a help to get back at those people who did that to your family. But I can lead you the way to do it.” Napatingin kaagad si Juvia kay Pain sa mga sinabi nito. “Anong ibig mong sabihin?” “You won’t be able to touch anyone of us if you don’t have a name and power…” he sighed as he moves closer to her. “I can give you all of that.” “Bakit ko pagkakatiwalaan ang isa sa mga dahilan ng pagkamatay sa mga magulang ko?” “You’re right about that. I’m probably one of the reasons why because I am a Dela Viego after all. But the difference is that, I’m a parasite…” bigla siyang ngumisi. “I feed on them and then I eventually destroy them…” “You don’t have to trust me, you can just use me and I will just use you. Give and take, Juvia.” *** SA mga tingin palang ni Pain nang matanaw ito ni Sonny na palabas na ng hospital ay alam na niyang galit ito. Dumiretso si Pain sa back seat bilang senyales na ayaw niyang mag-drive. If Pain doesn’t want to drive that means, he’s in a terrible mood. Dali-daling sumakay si Sonny sa sasakyan at pinaandar ang sasakyan. Pasulyap-sulyap siya sa kanyang amo tuwing natitigil sila sa stoplight at halos magtagpo na ang mga kilay nito habang nakamasid sa bintana. Nagulat nalang si Sonny nang biglang hinampas ni Pain ang bintana ng sasakyan. “Damn Rage! You’re far beyond your position now! Wow!” he sarcastically laughed out his frustration. Upon knowing what Rage had planned to do, Pain already knew that it would totally soar his stand among the board members, making him more the most suitable successor while Pain lives to mess it up. Pain felt defeated when his plan to demolish the place by burning some houses were successful because that only means the Prieto Project will proceed as plan which is the least things he wanted to happen now. “s**t!” ngayon ay naiinis nang napakuyom ng palad si Pain dahil hindi pa rin tanggap ang kanyang pagkatalo. “Ano na po ang balak n’yo ngayon, Sir?” nagtapang namang sumagot si Sonny. “You know Rage committed a crime he could never expect,” he gasped. “I’m sure he’s aware of that.” “And that woman’s misfortune was such a blessing to me…” Napalingon si Sonny kay Pain dahil hindi ito makapaniwala sa kanyang mga sinabi. “Juvia is the living witness of Rage’s crime so I won’t lose her. Instead, I’ll keep her by my side so Rage will have to remember what he did until he gets crazy enough to become the worst among us…” sumilay ang ngiti sa labi ni Pain. “Paano kung hindi siya pumayag?” napatanong naman si Sonny. “She will surely come around,” muling napatingin si Pain sa bintana. “Because I know those look in her eyes…” sa hindi malamang dahilan ay napahinga siya nang malalim at para bang may bigat siyang naramdaman kaya niya ito nagawa. “She’s about to get stronger…like I how I snapped before…” *** FOR the first time in three days, Juvia went back to their home to see what’s happening as of now. Nagtutulong-tulong pa rin ang mga residente na linisan ang mga bahay nilang natupok na ng sunog. Tinunton niya ang kanilang bahay na halos mga posting wasak nalang ang natira, Nakompirma na ang dahilan ng sunog ay ang gas leak sa karinderya na malapit sa kanila at marahil nadamay na lang din ang mga bahay na katabi nito dahil dikit-dikit naman ang mga gusali. Ang landlord nila ay hindi rin mahanap. Isang linggo na rin itong walang paramdam matapos nilang nalaman na tuluyon na nga niyang binenta ang gusali at lupang kinabibilangan ng kanilang bahay na inuupahan. Narinig din ni Juvia kanina na ang ibang residenteng nasunugan ay pinili na lamang umalis ng lugar ang umuwi sa kanilang probinsya. “Magandang Araw po!” nabulabog ang pag-iisip ni Juvia matapos niay makita ang isang babaeng nakapayong at may hawak-hawka na folder. “Itatanong ko lang po kung nakatanggap na po kayo ng cash assistance mula sa Fiore? May mga residente pa po kasi kaming hindi nabibigyan ayon sa listahan.” Nakaramdam kaagad ng inis si Juvia nang lumapit pa ang babae sa kanya at inabutan ng form. “Hindi ko kailangan iyan!” dala ng galit dahil sa mga nalaman kay Pain at tinabig nito ang papel at pati na rin ang folder na hawak nito na ikinagulat ng babae. “Lumayas kayo rito! Layas!” napasigaw nang tuluyan si Juvia dahilan upang makuha niya rin ang atensyon ng kanilang mga kapit-bahay na naglilinis at maging ang kasamahan ng babaeng kanyang tinataboy. Juvia had thought of revealing whatever Pain said to her. She even tried to go to the police and tell the whole story which made really sense for her but the police just laugh at her and thought she totally lost her mind after the incident. She was also shocked as to how the Media didn’t cover much of the big fire which caused a lot of residents to lose their homes. Some people lost a family member like her but just like them, she couldn’t do anything to bring justice to their death. Hindi pa rin niya matanggap at kahit kailan ay hinding-hindi niya iyon kayang kalimutan o magpatawad. “Ija! Naku, kumusta ka na? Balita ko ay ngayon na ililibing ang mga magulang mo.” Napalingon si Juvia nang makita niya si Nanay Genelyn, ang ina ni Jeni na malapit din sa kanyang Nanay. “Opo. May naupahan po akong chapel malapit sa hospital at nandoon ang mga labi nila Nanay at Tatay. Pero hindi ko na kayang ipaabot ng isang linggo dahil kakapusin na po ako.” “Pasensya ka na Ija…” hinawakan ni Genelyn ang kamay nito at naluluha. “Gustohin ko man na kupkopin muna ang mga kapatid mo hanggang sa makabangon kayo ulit pero wala na rin halos natira sa aming bahay at uuwi na kami ng probinsya bukas. Pinatos nalang din naming ang perang binigay ng Fiore dahil walang-wala na rin kami.” “Diyos ko po, Ija. Nakakaawa ka naman…” Niyakap ni Genelyn si Juvia at napaiyak habang hinahagod nito ang likod niya. Maging si Juvia ay bumigay na rin ang kanyang mga luha dahil hindi pa rin niya makita ang sarili niyang binubuhay mag-isa ang kanyang mga kapatid sa mga susunod na araw. She was used to the hardships of life, but having it all alone is total different thing. Pagkatapos nabisita ni Juvia nag kanilang bahay at nasundo ang mga kapatid niya ay dumiretso sila sa chapel upang dalhin ang mga labi ng kanilang mga magulang sa sementeryo. Mabuti na lang at mayroong lupang nabili ang mga lolo at lola nila sa sementeryo at doon nalang din itatabi ni Juvia ang mga magulang niya. Nakakalungkot at ang sakit sa damdamin habang pinapanood ng mga magkakapatid ang kabaong na ibinababa mula sa sasakyan. It hurts to see that inside those coffins, there lies to parents. Sila lang ding magkakapatid ang naglibing na sa mga magulang nila matapos makatanggap ito ng misa sa chapel kanina. “Nanay, Tatay…” panay banggit ni Natnat at Tintin mula kanina pa at hindi na sila natigil sa kakaiyak. May pagsising nararamdaman si Juvia sa kabila ng pait at galit na lumulunod sa kanya buhat nang mamatay ang magulang niya. Na kung mas maganda ang kinabukasang tinahak niya’y marahil hindi na nila kinailangang mangupahan at magtiis ang Tatay niya sa malubhang sakit. She could have given them a better life if she tried more hard despite how exhausted she was. Maybe things would have been better. Hindi na siguro kinailangan ng mga nakababata niyang kapatid ang lumaki nang walang magulang. Now she has to take the role of being a mother and a father to them. Para sa kanyang mga kapatid na naiwan, hindi siya puwedeng maging mahina kahit sukong-suko na siya. “Tara na, hayaan na muna natin sina Nanay at Tatay na magpahinga,” kinausap naman nang maayos ni Juvia ang mga kapatid niya’t pinatahan. Sumulyap pa silang magkakapatid sa libingan ng kanilang mga magulang bago sila naglakas loob na talikuran ito at maglakad palayo. “Ate, saan na po tayo titira ngayon?” napasinghap na tanong ni Natnat. Napahigpit ang pagkakahawak ni Juvia sa kamay ng kanyang mga kapatid matapos marinig ang tanong na iyon. Dahil maski siya’y hindi niya rin iyon masagot. Wala naman silang ari-arian o kung ano. Mahirap na mahirap ang kanilang buhay at ang meron lang sila ay ang isa’t-isa. “Gagawa si ate ng paraan para makakain tayo tapos makatulog tayo ngayong gabi kaya huwag kayong mag-alala,” aniya upang palakasin ang loob nila kahit maski siya’y pinanghihinaan na ng loob. “I waited one hour…or maybe more than that.” Napahinto sila sa paglalakad matapos nila marinig ang boses na iyon. Ngayon lamang napansin ni Juvia ang sasakyang naka-park sa bungad ng gate dahil sa paluluksa. She saw Pain wearing shades and all black attire leaning agains the window of his car like he is waiting for someone. “Bakit ka nandito?” napaigting panga si Juvia na nagtanong at bahagyang pinaatras ang kanyang mga kapatid. “I’m giving you a one-time proposal…” humakbang si Pain palapit sa kanya at bahagyang napaatras si Juvia upang umiwas pero mukhang wala itong balak lumihis at siya nga ang pakay nito. “And whatever answer you gave me might change your lives forever,” nag-alis ito ng shades at pinasadahan din ang tingin ng dalawang kaapitd ni Juvia na parang takot sa kanya. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD