Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Napakagat ako sa labi ko at napalunok. Para kasing gusto kong maluha dahil sa aking nakita. Alam ko naman na hindi dapat ganito ang reaction ko dahil wala naman silang ginagawang masama. Nasa grocery lang naman sila. Pero bakit kailangang magkasama pa? Na una na akong pumunta sa may counter. Ayaw kong makita ako ni Brianedon. Parang gusto ko na lang umuwi at ngatngatin ang lahat ng binili ko. Hindi naman mahaba ang pila kaya agad akong nakapagbayad. Bago ako tuluyang lumabas ay bumaling ulit ako sa dalawa. Nasa may counter na sila at nagbabayad na. Hindi ko na napansin ang binili nila dahil tumalikod na ako. Pagkapasok sa aking kotse ay napayuko ako sa manibela. Bakit ako naiiyak? Nagseselos ba ako? Medyo tumatagal na rin ang relasyon naming dalawa

