Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Patuloy pa rin ang ginawa kong pag iwas sa kanya. Nakokonsensya na nga ako at parang hindi ko na kaya. Bilang marupok na tao ay naaakit ako sa kanya. Kaso matatag siguro talaga ang paninindigan ko kaya naman hanggang ngayon ay ganito pa rin ako sa kanya. "We have a dinner meeting. Gusto mo bang sumama?" tanong niya habang nagbibihis sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at nagbubutones na siya ng kanyang long sleeve. Pumiling ako. "Marami akong gagawin sa restaurant. Isa pa meeting niyo iyon," pagtanggi ko. "And? Asawa naman kita kaya pwede kitang isama," pilit niya pa. Tumayo ako at kinuha na ang aking bag. "Huwag na, Brianedon. Mag enjoy ka nalang sa dinner niyo mamaya," saad ko. Sinukbit ko na ang bag sa aking siko. "Aalis ka na? Hatid na kit

