Bree Xena Lagdameo-Zamora's P.O.V. Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng clinic. Nanginginig ang sa kanya pati na rin ang akin. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kapag narinig ko na ang naiisip ko. I'm not naive to not know kung bakit kami dito itinuro ng doktora. I am not that insensitive to not know this kind of clinic. "Good morning," salubong sa amin ng babae. "Doctora Melendez called me earlier. Kayo ba ang pinapunta niya rito?" tanong niya sa amin. "Yes po," sagot ko. Pina upo na ako ni Brianedon sa upuan na nasa harapan ng table ng dokotora. Umupo rin siya sa isa pa. Nakatitig siya sa akin na tila ba pinag aaralan ang buo kong pagkatao. Hindi niya maalis ang mga mata niya sa akin. Hindi maipinta ang kanyang reaksyon. I don't know if he is happy or not. The rea

