Kabanata 2

1051 Words
Maria's POV Kanina pa ko nakatanghod sa malaking gate ng bilangguan kung saan nakapiit si Alas, dito sa Muntinlupa. Hindi ko malaman kung papasok ako o hindi. "Miss, kanina pa kita napapansin d'yan sa initan, may bibisitahin ka ba?" tanong ni manong guard na nakatayo sa gilid ng gate. Lumapit ako sa kan'ya at tumango habang inaayos ang pagkakahawak sa folder kong nasa bisig ko. "Opo. Meron po sana." "Kamag-anak? Tatay?" "Hindi po, e. Hindi ko po kilala personally pero ako po kasi ang ipinadala ni Sir Dizon para ma-interview si Mr.Alexander Simon alyas Alas po kung tawagin." Tiningnan muna ako mula paa hanggang mukha ng gwardya na tila nag-aalangan pa. "Masama ang timing mo, miss. Nagkagulo kanina sa loob, mainit ang ulo ni Alas ngayon. Baka masampolan ka pa. Sa susunod na araw ka na lang bumalik." "Manong, wala naman po akong kasalanan sa kan'ya. Tsaka babae po ako, hindi naman po siguro niya ako sasampolan ng init ng ulo niya," Mapilit kong sabi na ikina-iling ng g'wardya. "Binalaan na kita, a. At isa pa... hindi nagpapa-interview si Alas kahit kanino." Kahit kinain ng kaba ang sistema ko ay ngumiti pa rin ako kay manong guard para sabihing pursigido akong ma-interview si Alas. Nanggaling pa ako ng Bulacan, kaya hindi puwedeng masayang ang lakad ko ngayon, at uuwing walang laman na kahit na anong bagong impormasyon kay Alas ang folder ko. Isa pa, para sa pag-aaral ko ito. "Sige na po, manong. Bigyan po ninyo ako kahit isang oras lang po. Para lang po sa school ko ito," pagmamakaawa ko kuno kay manong na ikina-iling ng matanda bago ako pagbuksan sa maliit na gate. "Salamat po," malawak ang ngiti kong sambit sa kan'ya na ikinatango niya nang marahan. "Mag-iingat ka lang sa mga bibitawan mong salita kay Alas, masama magalit 'yon. Baka 'di ka na makalabas ng buhay sa bilibid na ito." Napalunok ako sa tinura ng matanda. Tumango lamang ako bago nagtuloy-tuloy sa loob. Maayos at malinis naman ang paligid. At sobrang laki at lawak. May iilan akong pulis na nakasalubong bago ko nakita ang visiting area. "Mamang pulis, hmm.. p'wede po bang madalaw si Alas?" Tiningnan ako ng pulis mula paa hanggang mukha tulad ng ginawa ng guard sa gate na ikina-inis ko nang bahagya. "Aba, batang-bata ngayon ang kinuha ni Alas, a! Sige, pasok ka na Miss. Naghihintay na 'yon sa k'warto niya. Mainit ang ulo kaya palamigin mo." Tumawa siya nang malakas na hindi ko na pinansin. Kailangan kong gawin 'to para sa pag-aaral ko. Kung hindi ko matatapos ang interview ko na ito kay Alas, maliwanag pa sa sikat ng araw na babagsak ako. "Sir, hindi ko po kasi alam ang kwarto ni Alas." "Oo nga pala, bago ka lang. Teka, Robin!" Lumapit ang isang lalaki na tantiya ko ay nasa edad labing-lima at may hawak na walis tingting. Pawisan at mukhang galing sa initan din. "Samahan mo si ganda sa kw'arto ni Alas. Ingatan mo, h'wag mo padapuan ng lamok yan. Kun'di lagot ka kay Alas." Napakamot na lamang sa ulo ang nautusang lalaki kaya napangiti ako. "Halika po, ate, sundan n'yo lang po ako." Agad akong sumunod sa bata at tinalunton namin ang ibang daan na walang gaanong tao. Maganda naman ang paligid. Maraming puno at mga halaman. Parang hindi bilangguan. "Ate, dito na lang po ako. Iyan na po 'yung pinto ng k'warto ni kuya Alas, tanaw n'yo na po. Kayo na lang po ang kumatok. May mga gawain pa po kasi ako." Kumunot ang noo ko sa lalaking naghatid sa akin na ngayon ay nakatalikod na at lumalakad na palayo. Grabe. Ilang hakbang na lang naman, iniwan pa ko. What now, Maria? Huminga ako nang malalim bago mabagal na lumakad papunta sa tinurong pinto ng lalaki. Nang nasa harapan na ko ng pintuan ay ngayon pa ko pinanghinaan ng loob. s**t naman. "Mag-iingat ka lang sa mga bibitawan mong salita kay Alas, masama magalit 'yon. Baka 'di kana makalabas ng buhay sa bilibid na ito." Tinakot pa kasi ako ni manong guard, e. Tumingin muna ako sa paligid ko bago humarap muli sa pinto. You can do it, Maria! Ulit-ulit kong sambit sa isipan ko. Pumikit ako at malakas na kumatok sa pintuan. Ilang katok lang ay nakarinig na ako ng mga yabag. "Putangina naman! Sinabi nang ayokong iniistorbo ako!" Nanginig agad ang tuhod ko sa takot at kaba lalo na nang pabalagbag bumukas ang pintuan. "Sino ka ba?!" Maangas niyang sigaw sa akin pero para akong natulala sa kan'ya. Mas gwapo pala siya sa personal . At ang mga kulay lupa niyang mga mata ay mas maganda. "Hoy! Tangina h'wag mo ko titigan! Sino ka kako?!" Iritado siyang lumapit sa akin at tulala lamang akong nakatitig sa kan'ya kahit mapapatid ang ugat niya sa leeg kasisigaw sakin. "Hoy, miss!" Isang malakas na pitik sa noo ang dumapo sa akin kaya napaatras ako at tila nagising. Dumura muna sa kung saan si Alas bago humarap sa akin na may inis sa mga mata. "Isang tanong, isang sagot, sino ka?" Malamig niyang tanong. "H-ha?" nauutal kong sambit. "Kahit babae ka, ibabalibag kita palabas ng bilibid kapag tumanga ka pa sa harapan ko. Isa!" Taranta kong inayos ang sarili ko at nalunok ko pa ang sarili kong laway sa sobrang kaba. "A-ako nga pala si M-maria Victoria Fuentabella." "At ano kailangan mo sa akin?" tanong niyang muli habang nagsisindi ng sigarilyo. "Ahmm... Gusto ko lang sanang ma-interview ka para sa school project ko." "Hindi ba nabanggit sa iyo ng mga gagong pulis na nakasalubong mo na kailanman ay hindi ako nagpa-interview kahit kanino man?" Malamig niyang sambit bago ako binugahan ng maraming usok sa mukha na dahilan para ubuhin ako. Bastos! "Please, para sa project ko lang. Hindi ako makaka-graduate kap---" "Kapag hindi mo 'ko na-interview? At ano'ng pakialam ko kung 'di ka maka-graduate? Makakaalis ka na. Ayoko ng inaabala ang oras ko ngayon." "Sige, bukas babalik ako kung ayaw mo maabala ngayong araw." Agap kong sabi sa kanya na ikinasama ng tingin niya. "Ayokong maabala ang mga oras ko araw-araw." seryoso niyang sagot na ikina-tanga ko. Pagbagsak ng pintuan niya sa mukha ko ang nakapagpakilos sa akin. Hindi ko alam na ganito kahirap ang lintik na interview na'to. At nasampolan nga ako ng init ng ulo ng isang Alas. What's next, Maria?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD