~LA pov~ Nagpatanghali ako ng gising dahil wala naman kaming pasok and party na namin mamaya, kagaya ng napag usapan namin kahapon nila Mitch at Cath ay mga 10 a.m. kami pupunta sa bahay nila Ethan, dahil sabi ni Tita Daisy ay doon nalang kami mag ayos sa kanila, at nung mga 9:40 na ay nagkita kita kami sa Ministop para doon mag intay ng taxi "Oh LA, nandiyan kana pala" nakangiting salubong sakin ni Cath nung nasa ministop na ako "Ahh oo kakadating ko lang, ikaw kanina ka pa" nakangiting tanong ko at umiling sya "Kakadating dating ko lang din" sagot nya sakin "dala mo na ba ang isusuot mo, yung mascara mo, yung invitation mo dala mo" sunod sunod na tanong nya sakin "Ahh oo dala ko lahat, eh ikaw dala mo ba lahat" sagot at tanong ko sa kaniya "Oo naman, ako pa" sabi nya at sabay kamin

