CHAPTER 21 CANDICE, BE LOVE. ( Can this be love?) U N E D I T E D -- HINDI niya alam kong saan siya kumuha ng lakas hanggang sa makarating sa bahay ni Alejandro. Hindi mawala sa isip ang dahilan ng pagtawag ni Tiffany sa kan'ya, kahit pa mali ang ginawa niyang pag-iwan sa binatang nag-alalay sa kan'ya sa masayang buong-gabing pagsama into sa kan'ya. Nagpasya siyang umupo sa kawayang silya sa harap ng bahay nito nagpasyang hihintayin si Alejandro. PASADO alas dose na ng madaling araw nanatiling nasa tabing-dagat pa rin siya. Walang planong umuwi. Aminin niya man o hindi sa sarili nasaktan siya sa ginawang pagtalikod ni Candice sa kan'ya, ang ginawa nitong pag-iwan ng biglaan sa kan'ya dahil sa natanggap nitong tawag galing kay Tiffany tungkol kay Leandro. Napakuyom ang mga kamao niya

