CHAPTER FIVE CANDICE, BE LOVE. ( Can this be love?) --- SEVEN YEARS AGO "CANDICE, si Leandro dadaan!" impit na kilig ang sinalubong sa kan'ya ng kaibigang si Rachel. Bigla niyang naramdaman ang pagsikdo ng puso niya pagkabanggit ng pangalan ng lalaking pinaka-hinahangaan niya sa university na pareho nilang pinapasukan bilang nasa unang baitang nang kolehiyo. Breath in, breath out ang ginawa niya nang marinig sa likuran niya ang pamilyar na ingay mula sa mga kaibigan ng binata. "Candice, ayan na siya ang pogi! Jusko!" eksaheradong bulong ng kaibigan sa kan'ya sa papalapit na pagdating ng grupo ni Leandro, sa gawi nila. Lihim siyang napalunok, hinawi ang ligaw na buhok sa pisngi niya. "Maayos ba mukha ko?" hindi niya napigilang tanong kay Rachel. Tumango-tango itong hindi nakatingin s

