Chapter one

1480 Words
CANDICE, be love? (Can this be love?) --- SYNOPSIS Si Candice ginawa ang lahat makuha lamang ang isang lalaking minahal niya. At, sa tulong ng mga kaibigan niya. Naisakatuparan ang planong mayroon siya. Pagkatapos ng isang gabing pinagsaluhan nilang dalawa. Nagbunga ang isang gabing 'yon na pinangalanan nilang si Candy. Naging masaya ang anim na taon na pagsasama nila. Hangga't sa dumating sa buhay nila ang isang pagsubok. Ang pagkakaroon ng ibang babae sa buhay ni Leandro. Dala ng karupokan ito ay nagpadala sa tukso. Ang babaeng pinangakuan niya ng habam-buhay na pagmamahal ay bigla niyang iniwan sa ere, maging ang anak nilang walang kamalay-malay sa lahat. Tinanggap ni Candice, ang kapalaran kay Leandro. Hinayaan niya ito, pinakawalan binigay ang kalayaan. Kapalit ng isang pangakong sa mga mata ng anak nilang si Candy ito ay mananatiling ama ng bata. Na sila'y mananatiling isang buong pamilya. Tiniis ni Candice ang lahat. Kahit ang kapalit nito ay luha at sakit---- Mahal niya si Leandro, at lahat ay gagawin niya para sa pagmamahal na nararamdaman dito. At, higit sa lahat mahal na mahal niya ang anak nila. Si Candy.  Ang inakalang pamilya ng lahat ay may lihim palang nakatago. Nang dumating sa buhay nila si Alejandro. Nang magpanggap itong ama ni Candy, na sinang-ayunan ni Candice dala ng pagiging ina sa anak nilang ayaw niyang masaktan pag nalaman ang totoo. At sa dulo ng kwentong 'to. May lihim na mabubunyag, mga sikretong malalantad. CHAPTER ONE ♡ "Mama bakit po aalis ulit si dada?" napakislot si Candice sa higaan niya ng dumungaw sa pinto ng silid niya.   Ang anim na taong gulang nilang anak ni Leandro si Candy.  May lungkot sa mga mata nito at alam niya ang dahilan. Dahil sa muli na namang pag alis ni Leandro. Sa muli nitong pag uwi kay Tiffany. "A-anak, a-ah!" paghahagilap ni Candice ng idadahilan kay Candy. Dahilan na alam niyang dagdag na naman sa magiging kasinungalingan niya sa anak nilang tinanggap niya ng mag isa siyang tataguyod dito. Simula ng magpasya si Leandro na hanggang sa pagiging pagpapanggap nalang itong asawa niya. At wala ng iba pa. Lumapit ito sa kan'ya hindi pa rin maitatago ang lungkot sa mga mata nito. "Bakit po aalis na naman si dada?" ulit na tanong ni Candy kay Candice.  Lihim siyang napalunok lumapit sa gawi ng anak niya para akayin ito paupo sa kama nila. "M-may urgent work si dada!" pagsisinungaling ni Candice dito.  Lalong lumungkot ang mukha nito sa sinabi niyang alibi sa pag-alis ni Leandro. Lihim siyang napakagat labi sa sama ng loob na nararamdaman para kay Leandro. "He always go mama, even you will not tell me alam ko pong umaalis si dada if I'm about to sleep na!" aniya ni Candy kay Candice lalo siyang nakaramdam ng sama ng loob para sa asawa. Hinawakan niya ito sa kamay pilit na ngumiti sa harap nito. Kailangan niyang mapanatili ang pagiging mabuting ama ni Leandro kay Candy.  Kahit labag man sa loob niya ang lahat. Dahil 'yon ang napag usapan nila ng dating asawa. Oo dating asawa dahil ilang buwan na ang nakalipas ng magpasya silang maghiwalay ni Leandro. Dahil sa bagong baba sa buhay nito na 'di nito nakuhang itanggi sa kaniya. Sa halip pinanindigan pa ito ni Leandro ng buong puso't kaluluwa. Kagat labi siyang napatingin kay Candy ng muling maalala ang nangyari sa kanila ni Leandro. Maging ang desisyong nitong piliin si Tiffany keysa sa kanilang dalawa ng anak niya. "Alam mo naman na chef si dada 'diba? so, baby sometimes busy talaga si Daddy. Na need siya sa resto ni lolo't lola," patuloy ni Candice sa pangungumbinse dito. Kahit na nadadagdagan na naman ang kasinungalingan niyang hinahabi sa anak nila. "Mama oneday dalawin natin si dada ha."  Candice feels relieve nang makita sa mata nito ang tiwala sa mga sinabi niyang kasinungalingan dito. Para lang mapatakpan ang ama nitong alam niya nasa bahay na ito kasama ang bagong kinakasama. Kasama si Tiffany. Na sa mga sandaling 'yon masaya na ang mga ito. Na masaya na ang lalaking minahal niya sa piling ng babaeng pinili mahalin nito. "P-promise ni mommy anak dadalawin natin si dada sa resto," pangako ni Candice dito. Kahit ang totoo alam niyang sa loob niya mahihirapan siyang gawin ito. Dahil siguradong magkrukrus ang landas nila ni Tiffany. Ang bagong babae sa buhay ng dating asawang si Leandro. At pag nangyari 'yon hindi niya alam kong ano ang kaya niyang gawin. Pero lahat handa siyang gawin manatili lang ang pagiging isang buo at perpektong pamilya nila sa mata ni Candy. Kahit pa sa puso niya labag ang mga bagay na gustong mangyari ni Candy. "I'm not expected you to came late!" salubong ni Tiffany sa kay Leandro ng pagbuksan siya nito sa nirerentahan nilang condo malapit sa resto na pagmamay-ari ng pamilya ni Leandro. Na kasalukuyang naging kasusyo na nito si Tiffany. Dahil ang babae ang naging main Chef ng Resto nilang pinagkatiwala sa kaniya ng mga magulang niya. Mula ng magretiro ang mga ito bumase na sa Australia. "Pinatulog ko pa si Candy bago ako umalis." pagsasabi ni ng totoo ni Leandro dito.  Na alam niyang hindi paniniwalaan ni Tiffany. Umismid ang dalaga tinungo ang mini-bar ng unit nila. "Si Candy o, si Candice?" usal nito matapos magsalin ng brandy sa kopitang hawak nito ng pagbuksan siya. Kilala niya si Tiffany sa tono ng boses nito alam niyang hindi ito naniniwala sa mga sinabi niya. At tama siya. "Magsisimula na naman ba tayo, Tiffany?!" galit niyang tanong dito. Sa paulit ulit nalang na issue nilang dalawa. Wala pa rin itong naiintindihan sa set up nila ni Candice. Sinalubong siya nito ng mapanuring tingin. Walang salitang tumalikod ito tuloy-tuloy sa silid nilang dalawa. "I-I'm sorry!" hingi niya ng paumanhin dito ng sundan niya sa kwarto ang dalaga. "Natatakot lang naman ako pag nandoon ka sa bahay niyo pakiramdam ko kasi any moment maaaring kunin ka ulit sa'kin ni Candice!" anito sa kan'ya. Ngumiti siya dito tinanggal sa kamay nito ang kopetang hawak nito. Alam niya ang dahilan ng tantrums nito pag ginagabi siya ng uwi mula sa mag ina niya. Sa dati niyang asawang si Candice. "Si Candy lang ang dahilan kong bakit ako umuuwi sa'min. And I know you understand. Alam kong nauunawaan mo ako kong bakit kailangan kong gawin 'to!" aniya dito. Bumuntong-hininga ito gumanti ng ngiti sa kan'ya. Niyakap ang dalawang kamay nito sa balikat niya. "Promise si Candy lang ha! I don't want to lose you Leandro. Marami na akong sinakripisyo sa relasyong 'to! ayaw kong mauwi ang wala sa lahat. You promise me!" muli siyang ngumiti kay Tiffany. Pinaglipat-lipat ang tingin sa mata ng kinakasama. "I promise you!" aniya dito. Akma siyang yayakapin ni Tiffany ng magring ang cellphone niya. Si Candice ang caller nakaramdam siya ng kaba na baka may nangyaring masama sa anak nila. Muli niyang sinulyapan ng tingin si Tiffany. Taas kilay itong umiwas ng tingin sa kaniya. "Hello!" agad niyang sinagot ang tawag ni Candice. Lumayo si Tiffany sa kan'ya tiim bagang na tumalikod muling kinuha ang alak na kinuha niya dito tinungga ito. "Candice! What happen!" may pag-aalala tanong ni Leandro sa dating asawa. Ilang katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago sumagot sa tanong niya. "Si C-candy kasi nagising n'ong umalis ka. Hinanap ka, nagtanong!" simula ni Candice sa kan'ya. Sinundan niya ng tingin si Tiffany ang padabog nitong pag-upo sa harap ng study table nila. "She asked me to promise her na bisitahin ka sa resto niyo," ani ng kausap na kinabigla ni Leandro. "And what you said to her? Candice alam mong hindi pwedi!" aniya sa kausap. Narinig niya ang paglunok nito ng sunod-sunod sa sinabi niya dito. "A-alam ko Leandro. Pero alam mo rin na gagawin ko ang lahat para kay Candy! I-I'm sorry!" huling sinabi nito bago pinindot ang end-button na walang paalam sa kan'ya. Lihim niyang pinagmasdan si Tiffany hindi alam kong paano sisimulan ang sinabi ni Candice sa kan'ya. Pinili niyang lapitan ito dinantay ang dalawang kamay sa balikat nito he massage it. "Candy, will be visit us!" simula niya. Humigit ito ng buntong-hininga walang kibong pinagpatuloy ang pagsimsim na natirang brandy sa kopeta. Kilala niya si Tiffany alam niyang masama na ang timpla nito sa tawag na natanggap mula kay Candice. "H-honey, alam mo ang set-up. Candy, don't need to know everything about us." muli itong napabuntong-hininga tiningnan ang repleksyon niya sa salamin. Pilit na ngumiti kasunod ang pilit na pagtango. "I can handle, Leandro! h'wag lang umeksina ang ex mo kong hindi mapipilitan akong ipakita sa kan'ya that you are mine now at wala nang sa kan'ya!" angil nito sa kaniya. Gumanti siya ng pilit na ngiti dito yumuko siya para halikan ang balikat nitong nakatambad sa kan'ya. "I know, Tiff! And, Candice knows it! promise everything is all about for Candy, nothing more nothing less!" pagbibigay niya ng assurance sa dalagang isang taon na ring pinili niyang makasama kapalit ng mag-inang tinalikuran niya. At handa siyang gawin para kay Tiffany. Dahil mahal niya ito mahal na mahal higit pa sa babaeng pinakasalan niya mula ng maging bunga si Candice. -----
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD