III

1098 Words
III CHAPTER THREE -- "Mommy, ang ganda po ni tita Tiffany 'no?" natigil siya sa biglang pag-upo sa narinig na puri ni Candy sa dalagang hindi niya alam na may malaking bahagi ngayon sa buhay ng daddy nito. "Pero syempre dada mas maganda ang mommy ko." dugtong nitong nakangiti sa ama nito. Umiwas siya ng tingin nang mahuling nakatingin sa kan'ya si Leandro. "They both beautiful on thier own way anak," anitong nakatingin kay Candy. "By the way Candy, ano pala ginagawa niyo dito? may problema ba sa bahay o, sa school?" tanong nitong nakatingin sa kan'ya. "No, dada, surprise visit namin ni mama 'to kasi 'diba you promise me, that you will make it up to me!" sagot ni Candy dito. Humigit siya ng hininga alam niyang sa tanong ni Leandro hindi nito nagustuhan ang ideyang dumalaw sila sa restaurant nito ng walang pasabi lalo pa't alam niyang kasama nito si Tiffany. "I-i'm sorry, hindi kita natawagan para ipaalam sa'yo." halos pabulong na lumabas sa bibig niya. "Dada, gusto ko pong turuan niyo si mama magluto ulit like you do before n'ong six years old palang ako." napatingin sila sa isa't isa sa biglang sinabi ni Candy. Kapwa hindi inaasahan na matatandaan pa nito ang lahat ng masasayang sandali ng buhay nila, mga sandaling wala pang Tiffany sa buhay ni Leandro na unti-unting sumira sa pamilya nila. Animo anay na sumira sa matatag nilang pundasyon. "N-naku anak pass muna si mama kayo nalang ni dada, nandoon naman si tita Tiffany e," aniya ditong nakatingin kay Leandro. Napansin niya ang paghigit nito ng sariling hininga. "Please, mama! ngayon lang naman tayo dumalaw dito kay dada e," pagpipilitan nito, muli silang nagkatinginan. Nangusap sa gustong mangyari ni Candy na alam nilang parehong hindi maaaring mangyari dahil sa presensiya ni Tiffany sa kusina. "Please po, kahit isang recipe lang dada,mama." pagpipilitan ni Candy, napayuko siya. "O-okey, let's go Candice." napataas siya ng tingin sa narinig na pagpayag ni Leandro. Hindi naman napagilan ni Candy any mapatili sa tuwang naramdaman sa pagpayag ng ama nitong magsama ulit silang tatlo sa kusina tulad ng madalas nilang gawin noon. "Hi, tita Tiffany." napalingon si Tiffany sa biglang pagsulpot ng tatlo sa kusina ng restaurant na pagmamay-ari nila ni Leandro. "H-hi, what are you doing here?" tanong nitong nakatingin kay Leandro, nagtatanong. "Dada, will teach mama how to cook again, tita. Like we do before together." mabilis na sagot ni Candy may tuwa sa mga mata maging sa boses nito. Sinulyapan nito ang dalawa. Si Candice na sinalubong ang tingin nito at si Leandro na halos hindi makatingin dito. "Ow, that's good idea Candy! It's a picture of a PERFECT FAMILY!" pang-uuyam nitong may maluwag na ngiti na alam pareho ng dalawang puno ng pagkukunyare. "Yes tita, mama and dada is perfect." aniya ni Candy hinawakan ang kamay ng mga magulang pinagdaup palad ito. Umismid ng tingin si Tiffany, nakapako ang tingin kay Leandro. "Let's start baby para makapagpahinga na kayo ni mommy." usal ni Leandro, pumunta ito sa gawi ng lamesang may mga handa ng sangkap. Hindi sinasadyang napatingin siya sa gawi ni Tiffany, nakita niya ang halos nanlilisik nitong tingin sa kan'ya. "Mommy, c'mon dada start cooking na." malakas na boses ni Candy sa tabi ni Leandro na nag-uumpisa ng mag-gisa ng kong anong iluluto nito kasama siya. "Look dada good mommy, para oneday ikaw naman magluto for dada." aniya ni Candy sa kanilang dalawa. "Mommy, dito ka po sa side ni dada. Look at her good mom," pagpupumilit nito. Sinunod niya ito, umikot siya sa gawi ni Leandro. Pinagmasdan niya ang tahimik na galaw ng dating asawa na alam niyang kahit hindi nito sabihin labag sa loob ang ginagawa lalo pa't sa sulok ng mga mata niya may isang pares ng matang nakatingin sa kanilang tatlo nina Candy. "Wow, dada ang bango." bulalas ni Candy may galak sa nakikitang tagpo sa kanilang dalawa. "Mommy, wipe dada's pawis oh,look." kinuha niya ang tissue na inabot ni Candy sa kan'ya. Napangiti siya sa naisip na lalong inisin si Tiffany sa nasasaksihan nitong tagpo sa kanilang pamilyang sinira nito. "Ang bango pa rin ni dada kahit amoy pawis na baby," pagkukunwari niyang lambing dito kasabay ang pagpunas ng pawis sa nuo nito. Bahagyang umilag ang lalake sa ginawa niya, iniisip sigurong nandoon si Tiffany at nakikita sila. "Ang sarap naman ng amoy dada," pang-iinis niya dito. Nakaramdam siya ng saya sa nakikitang kaba sa mga mata nito kabang nararamdaman nito para kay Tiffany. Lihim siyang napatiim-bagang sa nakikita niyang emosyon sa mukha nito alam niyang may malaking takot itong nararamdaman sa babaeng nakatutok ang tingin sa kan'ya. Ilang sandali dahil sa usok at amoy sa kusina nakaramdam siya ng pagkahilo. Nagpaalam siya sa mga itong magbanyo. She needs space, time to relax kahit pa sabihing nag-eenjoy siyang inisin si Tiffany hindi niya nakakaya ang stress na nararamdaman sa pinapakitang panlalamig ni Leandro para sa kan'ya sa harap ng anak nila. "Mukhang feel na feel at home ka sa property namin!" napakislot siya sa boses na narinig sa biglang pagpasok nito walang iba kundi si Tiffany. "O-oh, I-i'm s-sorry! hindi ko napansin nandoon ka pala. Pinagbigyan ko lang kasi anak namin!" pang-uuyam niya sa kausap diniinan niya ang salitang anak namin. "Ipapaalala keep lang sa'yo Candice, Leandro is mine now! Ako ang binabahay. Ako ang inuuwian!" ganting usal nito sa harap niya. Natawa siya ng mahina sa mga sinabi nito tiningnan ang repleksyon ng dalaga sa salamin pilit siyang ngumiti. "Hindi ko naman nakakalimutan, Tiffany! pero ipapaalala ko rin sa'yo na si Leandro ang ama ng namin ang bunga nang pagmamahalin namin!" aniya dito puno ng pang-uuyam. Gumanti ng tawa ang dalaga. Ang intensyong niyang inisin ito'y bumalik sa kan'ya. "Ipapaala ko rin sa'yo na ang pagmamahalang sinasabi mo ay hindi totoo! it's all started with a game, Candice! Mula noon at hanggang ngayon hindi naging sa'yo si Leandro!" aniya nito na nagbigay galit sa puso niya. Sa nakaraan nila ni Leandro na muli nitong inuungkat, nakaraang pinipilit niyang kalimutan. "Kaya if I where you palalakihin ko ng maayos ang anak ko, that I will not spoil her anything she wants!" dagdag pa nito muling tumawa. Liningon niya itong may galit sa mga mata sa 'di niya napigilang emosyon sa mga sinabi nito tungkol sa pagiging magulang niya sa anak nil ni Leandro. "H'wag na h'wag mo kwekwestyunin ang pagiging nanay ko! Dahil kahit kailan hindi ko kinwestiyon ang pagiging kabit mo! b***h!" usal niya dito kasabay ang malakas na pagbunggo sa balikat nito dire-diretsong lumabas, hindi na hinintay pa ang mga sasabihin nito. ---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD