CHAPTER 38 MALAYO pa lang tanaw na ni Candice ang binata. Ang mabilis at maingat nitong pakikipaglaro sa naglalakihang alon. Nagkasya siyang pagmasdan ito sa likod ng matayog na puno ng niyog sa may 'di kalayuan kong saan nila sinadya ni Tiffany na puntahan ito sa isla ng Siargao. Ang islang minsan nilang tinirhang tatlo kasama ang anak niyang si Candy na sinasabing anak nilang dalawa ng lalaking tinatanaw niya. Si Alejandro. "Hindi ko alam kong paano magsisimula kausapin ka para malaman ang lahat! Ngunit kong ito ang parehong makakapagtahimik sa lahat ng kaguluhan na meron sa'tin pipilitin kong simulan. Pipilitin kong wakasan! Itataya ko ang lahat, Alejandro!" bulong niya sa sarili na 'di maalis-alis ang tingin sa sinadyang binata. "Candice," untag sa kan'ya ni Tiffany sa likuran

