CHAPTER 24 "Paanong nagkaroon ng kakambal si Leandro?!" agap nitong tanong ng makaupo sila sa mesa niya na 'di nagawang alisin ang mga mata Kay Alejandro at sa kasama nito. "Iyon rin ang tanong ko n'ong una sis, kasi wala naman binanggit sa'kin si Leandro hangga't sa naghiwalay kami." tugon niyang 'di nakatingin dito. "Naghiwalay kayo? ibig bang sabihin naging kayo?" tanong nito napatingin siya dito nakangiting tumango-tango. "Kinasal kami n'ong nagbunga 'yong nangyari sa'min noong gabing sinet-up niyo kami!" ngumiti siya ng mapakla binaling muli ang tingin sa binata. "Pero 'di rin nagtagal n'ong nagpasya siyang maghiwalay kami." aniya dito. "Naguguluhan ako, Candice. I'm sorry, marami na yata akong walang alam sa mga nangyari." tugon nito sa kan'ya sa damdaming nararamdaman nito sa

