AMY Kasalukuyan na akong naglalakad patungo sa aming bahay. Wala naman naging problema sa pag-uwi ko kasi mukhang nauna na rin umalis si Francine. Hindi ko alam kung ano ang ganap sa kanyang buhay ngayon kasi hindi niya pa ako inaasar nitong mga nakaraang oras o araw. Maski ang nakasanayang oras ng pagpasok niya sa klase ay nagbago na rin at madalas na siyang umuuwi ng mas maaga kaysa sa tamang oras ng aming dismissal. Ayaw ko rin naman siyang tanungin kasi baka kung ano pa ang isipin niya, at alam ko naman din na hindi rin niya sasabihin sa akin ang totoo kahit pa ilang beses akong magtanong sa kanya. Mula pa sa malayo ay natatanaw ko na sina mama at papa na nakaupo lang sa may hapagkainan namin, para bang mayroon silang kinakausap na hindi ko kilala kung sino at hindi ako sigurado kung

