AMY Hindi ko na namalayan ang kaingayan sa paligid at itinuon ko na lang ang lahat ng atensyon ko kay Francine. Bagaman hindi ko sigurado kung tama pa bang sinabi ko iyon sa kanya ay hinihintay ko pa rin ang magiging reaksyon niya. Kasalukuyan siyang nakikipagtitigan sa akin at katulad ko ay marami rin siguro siyang sinasabi ngayon sa kanyang isipan, na hindi niya mailabas sa kanyang bibig. "Sa sinabi mo kaninang parehas lang tayong minor de edad..." huminto siya saglit para ilibot ang kanyang tingin sa mga nag-iinuman bago siya muling nagsalita. "So, meaning to say, nagtatrabaho ka rito at ako lang ang dapat na wala sa bar na 'to? Gano'n ba ang gusto mo iparating?" Tumango ako agad sa kanya habang nasa tama pa ang pag-iisip niya. "Oo, tama ka Francine. Pwede ka naman sa mall o 'di kaya

