SEAN Tahimik lang na nagmamasid si Alicia at ilang mnuto na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Kaya, hindi na ako nagdalawang-isip pa na tawagin siya. “A-Alicia,” utal na tawag ko sa pangalan niya. Hindi pa rin maaalis sa isipan ko ang nangyari sa akin noon na lahat din naman ay kagagawan niya. “Anong ginagawa mo riyan?” tanong ko sa kanya nang tumalikod siya sa tinitignan niya kanina pa. Sinundan ko ang tingin niya noon at napansin kong sa bahay pala nila Amy siya nakatingin. Akala ko ay simpleng nakatambay lang siya roon, pero hindi. “Anong ginagawa mo rito, malapit sa bahay ng kaibigan ko? Huwag mong sabihing siya naman ang balak mong ikulong sa kwartong ‘yun?” puno ng galit ang boses ko at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya kung sakali

