Jiro’s POV Nagising ako dahil sa kaguluhan na nangyayari sa baba ng bahay namin. Ayaw ko pa sanang bumangon pero hindi naman ulit ako makatutulog dahil sa lakas ng ingay na iyon at gusto kong malaman kung bakit sila maingay sa baba. Akala ko nga ay may kaaway si Ate Michiko kaya napabangon kaagad ako at napalabas dahil sa ingay na naririnig ko. Bigla na lang bumagsak ang balikat ko noong nakita ko na nagkakatuwaan at nag-uusap lang naman pala sila ni Ate Charlotte. Kapag nagkasama talaga ang magkaibigan na ito ay parang palaging may gulo. Malalakas ang boses nila lalo na kapag nandito lang sila sa bahay, hindi mo aakalain na sa kanila manggagaling ang mga ingay na iyon. Tumawa naman sila noong nakita ako dahil bagong gising ako at nakita nila na nagmamadali ako sa pagbaba. Pabagsak ko ta

