Aleina’s POV Pagkatapos kong kausapin ang doktor ni Rebecca ay sinabi nito na hindi muna uuwi si Rebecca dahil under observation pa siya. Nagulat din kasi ako na sa tagal ng panahon ay ngayon lang ulit siya inatake ng food allergy kahit dati naman ay nakakakain na siya ng mani basta kaunti lang at ito ang unang pagkakataon na sobrang malala ang naging reaksyon ng katawan niya. Iniiwasan pa rin naman niya ang pagkain ng mani pero sadyang hindi ko lang napansin na may kasamang mani ang pagkain namin kaya nagkaganiyan siya. Tahimik lang si Jiro at sinusundan ako ng tingin. May masama ba sa itinanong ko kanina? Alam ko na naging insensitive ako dahil dapat pa akong matuwa na nagawa niyang iligtas sina Keeva at ang anak nito pero hindi ko maiwasan na masaktan lalo na noong nakita ko ang mga

