Jiro’s POV Pagkatapos ng klase namin ay nagsabi sa akin si Aleina na diretso na siya sa trabaho niya dahil babawi pa siya sa mga pag-absent na nagawa niya noong mga nakaraang araw. Sinabi ko rin na may tatapusin pa ako bago umalis sa campus kaya pagkatapos ng lunch break namin ay halos hindi naman kami nakapag-usap dahil sa sunod-sunod na klase at ginagawa. Nang matapos na ako sa ginagawa ko ay pupuntahan ko na sana siya pero hinarang ako ni Caloy noong nakalabas na ako sa campus. Sinabi ko sa kanya na nagmamadali ako kaya sa susunod na lang kami mag-usap pero sinasadya niya ang pagharang sa daraanan ko. “Caloy, ano ba ang gusto mo? May sasabihin ka ba sa akin? Nagmamadali ako ngayon kaya kung maaari ay huwag kang humarang.” Maayos ang pagkausap ko sa kanya dahil ayaw ko na muli kaming

