Aleina’s POV Nang makalabas si Rebecca ay kaagad na nag-aya si Jiro na ipasyal namin si Rebecca. Ang sabi ko naman sa kanya ay sa ibang araw na lang dahil kailangan pa naming mag-review para sa finals namin pero siya na ang nagsabi na kailangan ko rin daw ng pahinga sa pag-aaral kaya kahit sinabi ko na hindi naman niya iyon kailangang gawin ay wala namang nangyari dahil sila pa ni Rebecca ang nag-usap na aalis sila. Napasapo na lang ako ng noo nang marinig ang pag-uusap nila. Nagulat na lang din ako na kasama pala namin ang mga kaibigan namin na sina Malia at Aeron, sayang nga at hindi ko pa nakilala ang nobya ni Aeron dahil may lakad ito kasama ang pamilya niya. “Ang sabihin mo lang ay itinapat mo talaga na may lakad sila kaya ka ngayon nag-aya, siguro ay pinag-usapan niyo iyon ni Lanc

