-=Annalise Marie’s Point of View=- Pagkabalik na pagkabalik namin sa hotel ay sinubukan ko munang magpahinga, masyado talaga kasi akong napagod mula sa pamamasyal namin na iyon ni Carmela, idagdag pa ang pagsama ko kay Gerald. Hindi ko namalayan ang ngiting gumuhit sa mga labi ko ng maalala ko ang accidental date namin ng taong iyon, what are the odds na sa mismong araw ng date namin ng idolo kong Treyton ay makakasama at makikilala ko ang tinuturing na karival nito sa showbiz industry. Oh wait, hindi nga daw pala sabi ni Gerald, dahil fans at media lang ang naglalagay ng rivalry sa kanilang dalawa. "Bakit naman nangingiti ka?" nagulat na lang ako ng marinig ang tanong na iyon ni Carmela, pareho kasi kami nitong nakahiga na sa kama, at nang tignan ko ito ay saka ko lang napansin na nak

