High & Untouchable Gods Society
Ares Timothy Li
GOD OF WAR
written by: Blackrose
C-4 (Conservative But Naughty Angel)
--------,-'-,--'-{@
Hazel Lane
November 10, ngayon ang araw ng stag party ng kaibigan ni Mr. Martin. Hindi na ako papasok ngayon maging ang mga babaeng makakasama ko sa stag party. Pero pupunta parin ako sa club dahil dun kami magkikita-kita at umarkila kasi ng van si Ms. Patricia para daw sabay-sabay na kami sa pagpunta sa Mirage Hotel kung saan gaganapin ang stag party. Pagdating ng 6pm ay nandoon na kami sa club at saglit lang ay lumabas na si Ms. Patricia mula sa club at saktong dating narin ng van. Umalis kami ng 7pm dahil malayo ang Tomas Morato sa Makati City. Dumating kami sa Mirage Hotel kinse minutos bago mag-9 ng gabi dahil narin sa traffic. Pumasok kami sa isang room kung saan ang sabi ni Ms. Patricia ay kinuha para sa amin ni Mr. Martin para maging dressing room namin. Pagpasok namin ay pinagbihis na agad kami ni Ms. Patricia. Ang lahat ng mga kasamahan ko ay naka-playboy bunny costume at naka-headband pa talaga sila ng bunny ears. Kanya-kanya kami ng make up sa mga sarili namin, naka-bathrobe na ako dahil masyadong daring ang suot ko at hindi pwedeng ibalandra. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok at sinuot ko na ang tanging totoong alahas na meron ako na necklace na may heart-shape pendant. Hindi na ako nagsuot ng bracelet o ano pa man. Nakasuot ako ng 5inches white platform shoes, isa ito sa pinundar ko noon na ginagamit ko sa pole dancing.
'Okay! 15 minutes na lang ay papasok na kayo sa loob! Ang kinakabahan ay tumagay na dito para kumalma kayo kahit papaano at magkaroon kayo ng lakas ng loob!' sabi ni Ms. Patricia at isa-isa kaming tinignan, nasa may coffee table ang isang bote ng alak saka shot glasses. May ilan nang lumapit doon at nag-shot ng alak. Hindi ako umiinom pero parang gusto kong uminom ngayon dahil grabe talaga ang daga sa dibdib ko. Tumayo ako mula sa dresser at naglakad papalapit kay Ms. Patricia. 'O Hazel! Kailangan mo yan!' nilapag niya sa harapan ko ang isang shot glass. Tinitigan ko muna ang shot glass, huminga ako ng malalim saka ito dinala sa bibig ko at ininom ito ng straight. May nag-abot sa'kin ng isang maliit na square na chocolate. Ramdam ko ang pagguhit ng init sa lalamunan ko ng nilunok ko ang alak saka ko sinubo ang chocoalte. 'Ano? Mapait ba?' umiling ako. 'Hindi mapait yan dahil tequila naman yan.' tumango ako. 'Next?'
'Isa pa Ms. Patricia.' hirit ko pa sa kanya.
'Oh! Sobrang kaba ka ba talaga?!' hinawakan niya ang nanlalamig kong kamay at napailing na lang ito sa akin saka nagsalin ulit ng alak sa shot glass. 'Oh! Siguraduhin mong hindi ka malalasing at magkalat sa stag party. Nakakahiya kay Mr. Martin.'
'Okay, kaya ko.' kinuha ko muna ang inabot ulit sa'kin na chocolate bago ko inabot ang shot glass na nasa harapan ko saka ito muling ininom ng straight. 'Hooh!!' napangisi ako dahil gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano at nabawasan narin ang panlalamig ng kamay ko.
'Ayos na Hazel?' nag-thumbs up ako kay Ms. Patricia at pinagpag ang dalawang kamay ko saka lumayo sa coffee table. Maya-maya pa ay may kausap na siya sa cellphone niya at pagkatapos ang tawag ay tumayo na siya. 'Okay! This is it girls! Lalabas na tayo at pupunta na sa Presidential Suite kung saan ginaganap na ang stag party ni Mr. Zeus Genesis Reiz! Tara na! Tumawag na si Mr. Martin sa akin!'
Nagsilabasan na ang mga kasama ko pero bago pa ako makalabas ay pinuntahan ko ulit ang coffee table at nagsalin ulit ng alak sa dalawang shot glasses. Agad ko itong ininom ng straight na magkasunod saka sumubo ng chocolate at sumunod na sa kanila. Huminga ulit ako ng malalim saka naglakad papunta kila Ms. Patricia na naghihintay na sa may dulo. After ng ilan minuto ay pumasok na ang mga kasamahan ko at kami na lang ni Ms. Patricia ang naiwan dalawa sa labas. Nagpalakad-lakad ako sa hallway at humihinga ng malalim.
'Tanda mo na ang pangalan ng groom, Hazel?'
'Zeus Genesis Reiz.'
'Itodo mo na ang galaw mo dito, Hazel. Wala kang dapat ikahiya dahil maganda at sexy ka. Bigtime ang lahat ng nasa loob ng room na yan.' tinuro niya ang nakasarang pinto sa harap namin. 'Mga businessmen. Maraming-maraming pera at balewala lang sa kanila kung saan nila gastusin ang mga perang iyon. Malaki pa ang makukuha mo ngayon gabi kaya galingan mo. Kapal ng mukha ang susi sa mga tulad natin para kumita. Harutan mo ang sayaw mo, igiling mo ng todo. Dagdagan mo lang ng konti ang ginagawa mo sa pagpo-pole dance mo dahil walang pole sa loob, stage lang. Paglawayin mo sila sa katawan mo, kaya mo yan! Baliwin mo silang lahat sa loob para sa susunod ay kukunin ka pa nila kapag may mga stag party ulit na ganito.'
'Okay.' huminga ulit ako ng malalim.
'Humarap ka sa'kin Hazel.' sinunod ko siya at humarap sa kanya. 'Nasa pinakaharapan lang ang groom, doon ka lang sa kanyang harap pupwesto. Siya lang ang pagtuunan mo ng pansin.' inayos niya ang buhok ko, sinuklay-suklay niya ito gamit ang kamay niya para magmukhang messy ng konti. 'Hingang malalim.' sinunod ko rin siya. Tapos ay kinalas na niya ang pagkakabuhol ng bathrobe ko. 'Break a leg Hazel, let those wolves drool over you.' pinagbuksan niya pa ako ng pinto saka pumasok kami sa loob na may isa pa palang pinto. 'Akin na ang bathrobe mo.' hinubad ko na ang bathrobe, ramdam ko ang lamig ng aircon pero mainit ang pakiramdam ko dahil sa ilan shots ng tequila na ininom ko. Inayos ni Ms. Patricia ang strap ng bra ko sa likod saka ang hem ng lace panty na suot ko. 'Ready?'
'Ready.' buo ang loob na sabi ko.
Binuksan ko ng konti ang pinto at rinig na rinig ko ang malakas na tunog ng music, intro ng kantang Careless Whisper. Rinig ko rin ang hiyawan ng mga lalaki. Huminga ulit ako ng malalim at inalog pa ang katawan pati mga braso ko saka nagsimulang maglakad papasok sa loob. Biglang humupa ang ingay pero nakakarinig ako ng mga pito at mga bulung-bulungan, hindi ako lumingon at deretso lang ang tingin ko papunta sa stage. Pagtungtong ko sa stage ay tinuon ko ang buong atensyon ko sa lalaking nakaupo sa pinakaunahan ng mesa. Nagsimula akong gumalaw, sinabayan ko ang ritmo ng kanta. Lahat ng sayaw na mapang-akit na alam ko ay ginawa ko, nakatutok lang ang mga paningin ko sa groom. Tinitigan niya ako habang umiinom ng alak. Ang gwapo niya, tama nga si Ms. Patricia na gwapo ang mga kaibigan ni Mr. Martin. Ang ganda siguro ng mapapang-asawa niya, ang swerte siguro nila sa isa't-isa. Para siyang isang diyos na kagaya ni Mr. Martin, na sa sobrang gwapo ay aakalain mong edited sila. Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Ms. Patricia, kailangan kong ibigay ang todo ko sa performance kong ito para sa mga future customers na pwedeng kumuha pa sa akin. Dahil sa may silya sa stage ay ginamit ko iyon bilang props ko. Dahan-dahan akong umupo sa silya at ibinuka ang magkabilang hita ko saka mapang-akit na ginalaw ang upper body ko.
'Ang hot niya, tangina!'
Rinig kong comment ng isang lalaki kaya napangisi ako saka pinakita ang maganda kong ngiti. May mga sumisigaw na saka sumisipol pero ang buong atensyon ko ay nasa taong assign lang sa akin. Kumalas ang tingin sa'kin ni Mr. Reiz para magsalin ng alak at inumin ito tapos ay nanigarilyo rin saka nagbalik ng tingin sa akin. Dumausdos ako sa silya at humiga sa stage, I can hear growls and gasps habang mabagal ngunit seductive kong ginalaw ang katawan ko. Tumagal ako sa pagkakahiga tapos ay tumayo na ako at tumalikod sa audience ko. Gumiling ako ng nakatalikod, pinausli ko ang aking pwet tapos ay inangat ko ang dalawang kamay ko sa aking buhok, I continue grinding. Nag-lowered pa ako saka pinagapang ang kamay ko sa aking hita saka tumayo. Pinatong ko ang mga kamay ko sa upuan at tumuwad, hindi naman ako nailang sa pwet ko or sa singit ko dahil kakulay nito ang buong balat ko saka nagpa-wax ako sa ibaba para talaga dito sa stag party na ito. Maalaga kasi ako sa katawan ko kaya pantay na pantay ang kulay ng balat ko. Pagtayo ko ng tuwid ay hinarap ko na ulit si Mr. Reiz na wala parin ipinapakitang reaction sa akin. Nang magsawa ako sa stage ay nagsimula na akong maglakad ng dahan-dahan papalapit sa groom, patuloy ko lang na ginagalaw ang balakang ko. Nang makarating ako sa tapat niya ay ngumiti ulit ako sa kanya ng sweet and seductive pero ang pinagtataka ko ay kung bakit wala siyang karea-reaksyon sa ginagawa ko. Nakatingin lang siya sa akin habang naninigarilyo at umiinom na para bang nanonood siyang ng walang kabuhay-buhay na palabas. Hinawakan ko ang magkabilang tuhod niya at ibinuka ito, gumitna ako sa magkabilang hita niya saka sumayaw ng belly dancing. Ang gwapo talaga niya lalo na ngayong sa malapitan na. Mukha siyang diyos na bumaba sa lupa. Dim ang ilaw kaya kita parin ang mukha niya, ang gwapo niya talaga. Diyos ko po! Lumapit pa ako sa kanya pero nagulat ako ng mabilis niyang inusog ang silyang inuupuan niya patalikod. Nagtawanan ang mga kasamahan niya but instead na ngumiti siya ay seryoso lang ang mukha niya. Ang taray naman ni pogi. Lumapit ulit ako sa kanya at bago pa niya muling ilayo ang silya at sarili niya sa akin ay umupo na ako sa kandungan niya and smile sexily at him. May naririnig parin akong lalaking nagmumura na malapit lang sa kinaroroonan namin ni Mr. Reiz pero hindi ko ito sinulyapan at pinansin. Binuka ko pa ang dalawang hita ko sa harap ni Mr. Reiz saka nilapit ang katawan ko dito. Iniiwas niya ang sarili sa akin na parang diring-diri siya kaya pinatong ko ang magkabilang braso ko sa mga balikat niya para matuon lang sa'kin ang paningin niya.
'Patulan mo na Reiz! This will be your last blow before you tie the knot!' pamilyar ako sa boses na yun kaya tumagos ang tingin ko sa gilid ni Mr. Reiz. Nakita ko ang nakangising mukha ni Mr. Martin na nakatingin rin sa akin, tumango siya sa'kin saka ngumiti. Binalik ko na ang tingin ko kay Mr. Reiz habang sumisigaw ang mga lalaking naroroon ng "Go!". Tumitig siya sa akin at parang bigla akong nalunod sa mga titig niya. Iba ang kulay ng kanyang mga mata, hindi ko lang natukoy kung anong kulay pero sigurado akong hindi ito itim.
'Miss, mahal ko ang magiging asawa ko. Sorry pero wala ka talagang appeal sa akin because I am faithful to my girl.' hindi ako naoffend sa sinabi niya bagkus ay hinangaan ko pa siya dahil bihira na ang lalaki ngayon na tapat sa girlfriend nila kahit wala ito sa tabi nila. 'Lumipat ka na lang sa kaibigan kong singkit, type ka niyan.' ngumiti ako lalo sa kanya dahil ang bait niya at masaya akong may nakita pa akong lalaking ganito sa panahon ngayon na kayang maging tapat sa babaeng mahal niya.
Hindi ako tumigil sa paggiling sa kandungan niya. Hindi ko pinansin ang mga sinabi niya dahil ang trabaho ko dito ay sayawan siya. Pinagapang ko ang isang kamay ko sa dibdib niya. s**t! Kahit nakadamit pa siya ay ramdam na ramdam ko ang muscles sa dibdib niya. Gwapo na, mabait pa at maganda pa ang katawan. Siya na talaga ang pinagpala. Nilapit ko pa ang katawan ko at nagdikit na ang dibdib niya at ang hinaharap ko pero nang ilalapit ko rin ang mukha ko sa kanya hindi para halikan siya kundi ang tuksuhin lamang ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at buong lakas akong inangat sa ere at nilipat sa gilid niya.
'Yes! Come here babe, I'll make you happy!'
Lito akong nakatingin kay Mr. Reiz pero nang naramdaman ko ang isang kamay na gumagapang sa tagiliran ko ay napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang mukha niya. Mas gwapo siya sa personal, mas makisig siyang tignan sa totoong buhay kaysa sa magazine. Hindi ko akalain na makikita ko siya ng personal at dito pa. Ngayon tanda ko na kung saan ko nakita ang pangalan ng grupo ni Mr. Martin, sa magazine ng THE MAN na ang cover ay ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Mas hinila pa niya ako sa kandungan niya at dahil sa pagkabigla ay hindi ko nagawang tutulan siya. Ramdam ko ang titig niya sa mukha ko, ang kaninang nakangising mukha ay naging seryoso na ngayon.
'Hi angel, I'm Ares Timothy Li.'
Siya nga. Siya ang nasa cover ng THE MAN MAGAZINE na nasa bahay ko parin hanggang ngayon. Ngumiti siya sa akin at mas lalo ng nawala ako sa tamang pag-iisip. Aaminin kong na-starstruck ako sa kagwapuhan ni Ares Timothy Li.
'MAY YOU REST IN PEACE REIZ!!' malakas na sigaw ni Ares Timothy Li at mas nagulat ako ng bigla na lang niyang hinalikan ang mga labi ko.
Paglapat pa lamang ng mga labi niya ay nalasing na ako kaagad sa halik niya. Bakit mas masarap ang halik niya kaysa sa tequila at chocolate na pinasok ko kanina sa bibig ko? Napapikit ako dahil natangay ako sa init ba biglang gumapang sa katawan ko. First kiss ko ito at ang unang halik ko ay sa isang taong hindi ko pa kilala. I should feel violated pero nagtataka ako sa sarili ko kung bakit hindi ako makaramdam ng pagkaasiwa sa lalaking ngayon ay humigpit na ang hawak sa magkabilang bewang ko at patuloy akong hinahalikan. Ang isang kamay niya ay iniwan ang bewang ko saka hinaplos ang leeg ko. Nang iniwan niya ang mga labi ko ay parang tumutol pa ang katawan ko na lalong ipinagtaka ko. Parang kilalang-kilala siya ng katawan ko na gusto ko pa siyang halikan ulit. Ano bang nangyayari sa akin?
'Ang ganda mo angel, s**t! And you taste sweet. Mas maganda ka siguro if I can see your whole face without this mask you are wearing.' umangat ang kamay niya at parang aalisin ang maskara sa mga mata ko.
'Huwag.'
'f**k!' nilapit niya ang bibig sa tenga ko. 'You even sounded like an angel. You are so beautiful and you are mine. Can I take you out, angel? I'll double whatever the amount Reiz is giving you tonight.'
'Hindi ako nagpapa-take out.' tumaas ang kilay niya sa sinabi ko.
'Oh! Conservative yet naughty angel. Sige dine in na lang.'
Muli niya akong hinalikan and sa pagkakataong ito ay mas mapusok ang mga halik niya maging ang kanyang kamay na sinasakop na ang dibdib ko. Gusto kong makakawala sa halik at hawak niya pero hindi ko magawang labanan at tutulan siya.
Ares Timothy
Nang pumasok kanina ang babaeng naka-white all lace lingerie ay nakuha niya agad ang buong attention ko. She is sexy... No! Sexy is an understatement, she is a goddess. Ang ganda-ganda niya, the way her body sways na kahit hindi siya nakatingin sa akin ay naaakit niya ako bigtime. When she sat on the chair and she opens her legs widely ay nanuyo ang lalamunan ko. How lucky is that chair especially when she grinds her hips to that f*****g seat, gumana ang wild imaginations ko. I was imagining na ako ang chair na yun and she is sexily grinding her ass to my lap. f**k! Ramdam ko ang pagkabuhay ng alaga ko. When she turned her back at us, that hour glass figure of hers na talaga naman nakakaakit tignan. I've seen a lot of women who are sexier and more voluptous than this chick but this woman who's at my lap right now has this certain appeal that I can't resist. Hindi ko na napigil ang sarili ko that's why I kiss her, a tongue included kiss. Torrid and she is sweeter than she looks just as what I've suspected. The sweetest lips I've ever tasted. Aaminin kong gusto ko siya, I want to have her body that it frustrates me when she've said that she doesn't go out with customers. I am squeezing her waist and pull her even closer to me. s**t! My mind is travelling to a place called room kung saan ko siya ihihiga at paliligayahin. f**k! I am burning with lust that I want to impaled my hard member in her soft core then kiss her endlessly. Sa sobrang pagkagigil ko ay tumayo na ako at hinawakan ko ang kamay ni angel.
'Saan ka Li?' tanong sa'kin ni Smith who sits infront of me. He is smirking at me and I know what he is thinking.
'Heaven with this angel I am holding. Labas lang kami, ako na magbabayad sa kanya.'
'Tangina mo talaga Li!' sabi ni Klein.
'Oh-kay! Have fun you two!' nakangising pang sabi sa'kin ni Martin and I saw him staring at angel.
'Let's go angel.' nauna akong maglakad saka ko siya slightly na hinila. Paglabas namin sa first door ay niyakap niya ang sarili niya. 'Here.' I remove my coat and place it over her shoulder. 'Where are you normal clothes angel?'
'Nasa room namin.' s**t ang ganda rin ng voice niya.
'Let's go to my suite, papainitin kita.' I smile at her seductively but I was stunned when she suddenly creased her forehead at tumalim ang tingin niya sa'kin.
'Hindi ako sabi nagpapalabas sa customer.'
'Oh... So I'll just take you to your room then, angel.'
'My name isn't angel pati.' pagtatama niya sa tawag ko sa kanya. Ang taray niya, ito ba talaga siya or she's just pretending?
'So what is your name then?' I've waited for her to speak but she didn't. 'Since you don't want to tell me your name, I'll just call you angel then. Let's go, you might get a cold, angel.' I held her waist saka siya pinilit na maglakad. She start walking until we reach at a certain room near lang ng Presidential Suite.
'Dito na lang ako.'
'Can I have your number?' What's with me? Ngayon ko lang ito ginawa na manghingi ng number ng babae.
'Wala akong cellphone.' may tao pa ba ngayon na walang cellphone? Ayaw lang niya sigurong ibigay sa'kin ang number niya.
'Okay.' I reach for my wallet and grab my calling card. 'Here's my number, contact me anytime. Anytime at all.' Then I get 20 blue paper bills and hand it to her. 'Take this.'
'Huwag na.' tumaas ulit ang kilay ko sa pagtangi niya. What the heck is wrong with this chick?! She's a hooker tapos ayaw niya ng pera? 'Binayaran na naman ako ni Mr. Martin nang magkita kami before this event.' alam kong ang mga kasamahan ko ang nag-organize nitong stag party ni Reiz but I didn't thought it was Martin who handled it, I thought it was Klein. May nangyari kaya sa kanila ni Martin?
Ano naman ang pakialam mo Ares if something happens to Martin and this chick? singit ng boses sa isip ko.
'I insist.' kinuha ko ang kamay niya at nilagay dun ang 20,000 pesos. 'I hope I can see you again. Will you be staying here, angel? Dadaan na lang ako later after the party, let's go at a bar.' she didn't said a word. 'Goodnight angel.'
'Thank you.' tumalikod na siya sa'kin pero hindi talaga ako mapakali.
'Angel!' pagharap niya sa'kin ay sinakop ko kaagad ang mga labi niya. God! I think I'm addicted with her taste and her lips. She just close her lips kaya agad kong hinawakan ang right boob niya and she gasp so I've inserted my tongue inside her mouth. I can't get enough of merely kissing her, gusto ko siyang angkinin. Gusto ko siyang tikman but I don't push myself to a woman who said no to me. I pinned her to the wall and ravish her lips even more. I don't know if she's pretending to be innocent dahil parang hindi siya marunong humalik which is odd for a hooker like her. When I was about to touch her down there ay nagulat ako when she push me. I immediately received a hard slap mula sa kanya na ipinagtaka ko.
'Bastos!' iniwan niya ako sa labas ng room na pinasukan niya.
What was that? Ganon ba talaga ang style niya para mas maging kaakit-akit siya? Dahil if that's how she plays it ay naaakit ako ng husto sa kanya. She's pretending na ayaw niya kunwari but I know that she wants me too because no one can resist me. s**t baka naman nagpapataas lang siya ng price? But I don't care if she'll ask me a million kapalit ng maikama siya dahil papayag ako matikman ko lang siya. Napailing na lang ako na naglakad pabalik sa Presidential Suite where the stag party is taking place.
'Easy there buddy.' I quickly rub my front. 'I'll taste her soon.'
-------'-,-'--,-{@