Episode 7

2740 Words
Tahimik lang siya habang kumakain. Hindi siya nakikisabat sa usapan ng mga ito dahil hindi naman siya makarelate. Medyo na o-OP na nga siya eh. Siya ang naka upo sa gitnang upuan sa dulo ng mesa. Sa kanan niya ay si Jessie. At sa kaliwa ay ang dalawang lalaki. Pero si Kit ang malapit sa kanya. Natural. Kaya nga siya naupo doon sa gitna ay dahil ayaw niyang maupo katapat ang ex. Medyo awkward kasi. Maybe some other time ay keri na. Ang tagal pala talagang walang ganap sa buhay niya dito sa Bataan. Sa takbo ng usapan nila ay mukhang madalas magkakasama ang mga ito. Lagi siyang nakakadinig ng noong nagpunta tayo sa ganito at sa ganyan kasama sila ganito at si ganyan. Edi sila na ang magtotropa! Totoo nga siguro ang sabi ni Jessie na nakamove-on na sila pare-pareho sa nangyari four years ago. At sa bahay din nila Jessie 'yon nangyari! Sa wakas ay kinausap na siya ni Jessie. "Ryz, are you sure you're okay to be alone here?" may pag-aalala sa mukha nito. "You could come with us, really." "Oo nga, Ryza. Iisa kang babae dito. You could stay there with us. In fact, hinanap ka nga ni Mama noong nalaman niyang nalockdown ka dito and she even told us to also take you home 'cause she's also worried for you." paliwanag ni Kit. Tatlong pares ng mata na pala ang nakatungo sa kanya. Tumigil siya sa pagsubo at nagsalita. "Naku, hindi na okay lang naman ako. I just need my car para kapag kailangan kong bumili ng supplies or may emergency." she smiled to prove that she's really okay. That's true she could perfectly manage. Weh? Eh kagabi nga lang kinabahan ka ng bongga dahil sa gwapong kumakaluskos sa likod-bahay! Paano kung totoong magnanakaw na? Sabi niya sa sarili. "Alright, then. Tawag ka lang agad if you need anything, okay?" paalala ni Jessie. Ayaw niyang lumingon sa gawi nila Kit dahil sa gilid ng mata niya ay nakatingin pa din si Jayson kahit hindi na siya nagsasalita. Nang matapos magtanghalian ay nagvolunteer na siyang maghugas ng plato para makaiwas muna sa tatlo. Naooverwhelm na siya sa presensiya ng mag-asawa. Nagiging awkward dahil sa kanila. The way they looked at them ay binibigyan nila ng malisya ang lahat kahit wala na naman. Feeling niya ay nakakota na siya ngayong araw. Pwedeng bukas naman? Nadinig niyang nagpaalam na ang ex niya sa mag-asawa at aalis na kaya't palihim siyang lumingon ngunit nakalabas na ito ng bahay. Ang huli na lamang niyang narinig ay ang papalayong ingay ng makina ng kotse nito. Bahagya siyang nagtampo dahil hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Baka nagmamadali at susunduin pa si jowa! Maya-maya pa ay sila Jessie naman ang aalis. "I will leave the spare keys to you in case may kailanganin ka dito sa bahay, okay?" bilin ng pinsan "May mga stocks pa diyan. Pero yung fridge ay wala na, in-off na kasi namin. Ingat ka dito, couz. Nagiguilty ako that we couldn't celebrate your birthday here. Kapag nagawan ng paraan ay pipilitin ko makauwi. Ang higpit na kasi ng mga militar sa daan." niyakap siya nito ng mahigpit. "It's okay. Let's do it some other time na lang. Love you, couz." niyakap rin niya ang pinsan. "Love you, too. Oh siya. Mauna na kami ha. Ingat ka dito." Hinatid na niya ang mga ito sa labas at nang makaalis ay nakaramdam siya ng lungkot. Hindi pala okay na maiwan siyang mag-isa. Minsan na nga lang siya magcelebrate sa Bataan ng mga importanteng okasyon pero wrong timing. Pumasok na siya sa loob at siniguradong nakalock ang lahat ng pinto maging ang gate kila Jessie saka bumalik na siya sa bahay nila. Kinagabihan ay may nagpunta sa bahay niya na mga barangay tanod kasama si Kapitan. Nag-abot ang mga ito ng food and medicine supplies para sa darating na linggo. "Thank you, Kap. Ingat po kayo." "Ingat din, hija. 'Wag mo kalimutang maghugas ng kamay pagkalapag mo ng mga iyan sa loob. Lagi mag-ingat at maghugas ng kamay." paalala nito saka nagtungo na sa katapat na bahay nila Jessie. Ilang araw pa ang lumipas at hindi na siya makapagdecide kung ano ang uulamin. Puro delata at instant noodles na lamang ang natitira. Naubos na din niya ang isang buong manok na ibinigay ng president ng homeowners sa village nila. Tatlong araw na manok ang ulam niya, magkakaiba lang ng luto. Sana next week ay gulay naman at prutas ang ipamigay. Nalimutan din kasi niyang magpabili ng stocks niya kila Jessie noong lumabas sila at inabutan ng curfew. Tanging cereals at dalawang carton ng gatas na lamang ang natitira sa fridge. Kahit naman lumabas siya ay wala naman din siyang masasakyan at baka wala ding bukas na grocery store sa kalapit na village. Ilang araw na siyang nakakulong dito sa bahay at medyo nasasanay na din siya sa pag-iisa. Nagcelebrate nga siya ng Pasko mag-isa eh. Nagskype lang sila ni Jessie noon at ipinakita sa kanya ang mga hinandang putahe. Malamang sa birthday niya ay ganoon din ulit. Nagulat siya nang biglang may nagdoor bell. "Wow! Sana grasya!" Dali-dali niyang nilabas ito. Isinuot muna niya ang face mask at gloves saka pinagbuksan ang mga tao sa labas. Ngunit isang tao lang pala ito pero at least ay mukhang grasya nga ang dala nito. "Hello, Ma'am, good morning! Delivery po ng goods from your cousin." ibinaba nito ang facemask sa ilalim ng baba kaya sumungaw ang ngiti nito. Ang gwapo ng delivery guy na ito. Kayang-kaya nitong bumuo ng araw ng mga maharot na tulad niya just by his smile. "Hey, good morning! Bakit ikaw na naman ang nagdala niyan? Paano ka nakakalabas-pasok sa village namin while lockdown?" Ang tagal din niyang hindi ito nakita. Noong Pasko pa ang huli. Ito kasi ang inutusan nila Jessie na magdala ng niluto nito. Hindi ito nagtagal noon dahil nagmamadali daw ito, mukhang may celebration sila ng pamilya o baka ng girlfriend, kung meron man, dahil bihis na bihis ito noon. Noong araw naman bago mag Pasko ay may pinakuha sila Jessie na gamit sa bahay. Sinamahan niya ito dahil nasa kanya ang spare keys. Nagmamadali din ito noon kaya hindi sila gaanong nakapag kwentuhan. Bakit kaya si Jayson pa ang ginagawang utusan ng mag-asawa? Minsan tuloy ay siya na ang nahihiya kay Jayson dahil sa ginagawa ng mga ito. CEO pero inuutos-utusan lang nila. Grabe! But the tension between them was already gone. She was sure of that. Wala nang awkwardness. Sariwa na ang hangin whenever they were close to each other at nakakapagpalitan na nga din sila ng ngiti at jokes sa isa't isa. Niluwagan niya ang bukas ng gate para papasukin si Jayson. Napakunot ang noo niya ng hindi pa ito agad tumitinag sa kinatatayuan. Kaya tinaasan niya ito ng mga kilay para magtanong. "Two-meter physical distancing po, Ma'am." nakangisi ito. Natawa din naman siya dahil protocol nga pala ang malayong distansya sa isa't isa. Nasanay kasi siyang mag-isa at nasa loob lang ng bahay kaya nalimutan niya iyon. Lumayo siya ng bahagya para maipasok ni Jayson ang mga prutas at gulay sa loob ngunit hanggang doon lamang inilapag ang mga supot, sa unang baitang ng hagdan sa terrace. Madami-dami rin ito, aabot ng ilang araw at perfect sa diet niya. "Gustuhin ko mang ipasok 'to sa loob kaya lang madami na kasi akong napuntahang lugar. It's not safe for you baka magkalat ako ng virus sa bahay mo. Okay lang ba 'to dito?" tukoy nito sa pinaglagyan ng mga dala nito. "Ah okay lang. Keri ko na 'yan. Salamat ha? Gusto mo bang mag breakfast muna? Sobrang aga mo eh." Nag-aya ka ng breakfast eh ano naman ang ipapakain mo? Oo nga pala wala na siyang stocks. "Hindi pa nga eh, pero bibili na lang siguro ako pag may nadaanan na drive-thru." Akmang lalabas na ito ng gate. "Naku malayo pa ang fast food dito. Tara na, dito na lang tayo magbreakfast sa terrace." She couldn't understand pero ang gaan na ng pakiramdam niya kay Jayson. He was like an old friend. Iluluto na lang siguro niya ang spam dahil mayroon pa namang slice bread. Ngunit hindi pa rin sumagot si Jayson sa invitation niya. "Huy, what's wrong?" Sinilip niya ang mukha nito para makakuha ng sagot. "Ah ano kasi eh..." alangan nitong sagot at napakamot pa sa batok. "I really don't want to risk your health. Madami na akong napuntahan and naencounter na tao today. Kung okay lang sa 'yo... ahm... kung okay lang makiligo... doon." ngumuso ito sa garden. Tinutukoy nito ang hose na nakakabit sa faucet. "Ha? Eh bakit hindi na lang doon sa bathroom?" Turo niya sa loob ng bahay. "No. Hindi ako papasok sa loob hanggat hindi nakakapaglinis ng katawan. Pahiram ako ng tsinelas." kontra nito sa sinabi niya. Nagdalawang isip din siya. Pero makakatanggi pa ba siya, eh siya ang nagsimula nito. Parang ang gulo naman niyang kausap kung matapos mag-alok ng almusal ay itataboy niya din ito. Sana pala ay hindi na lang siya nag-alok in the first place. Mapangit din pala minsan ang pagiging entertaining sa bisita dahil bandang huli ay makikiligo pa–sa garden! Inabot niya dito ang lumang tsinelas niya. "A-ahm okay sige, pero may pamalit ka ba? Baka hindi magkasya sa 'yo ang mga t-shirt at shorts ko dito." Iniisip niya kung mag-aalmusal ba ito ng nakahubad sa harap niya. Ryza! Saway niya sa sarili. "Yeah of course. Wait a sec." maingat na hinubad nito ang gloves at itinapon sa basurahan. Nagpunta ito sa sasakyan at kinuha ang pamalit. Nakalagay ito sa isang organizer. Hindi pa rin ito pumapasok sa terrace at ipinatong lamang sa pasimano ang mga gamit. Inilabas nito ang sabon na gagamiting panligo. Daig pa siya nito dahil kumpleto ang hygiene kit nito doon kasama ang mga pamalit na damit. Saka isa-isang inalis ang mga suot na PPE, tapos ay hinubad nito ang t-shirt–sa harap niya. Parang ayaw na niya panoorin ito sa mga kilos but she was hypnotized. "Sophia, I'll just..." pukaw nito sa kanya at itinuro ang garden. "Pikit ka na lang." nakangisi nitong sabi. "Loko! Magluluto pa ako ng breakfast. Enjoy yourself. Pakidiligan na rin ang mga halaman ko." biro niya. Nagtawanan silang dalawa. Isinarado na niya ang gate dahil baka mabosohan pa ito ng kapitbahay at pumasok na rin siya agad sa loob dahil baka siya pa mismo ang mamboso dito. Binitbit na niya ang mga supot ng prutas at gulay. "Don't forget to wash your hands before you put the veggies in the fridge and after you dispose of the bags." paalala nito. Sounds like Kapitan ah. "Noted, Sir!" sigaw niya kahit nakatalikod na siya. Inuna na niyang magbrew ng kape para kay Jayson. Mabuti na lang at may natitira pa. Naalala niyang ayaw nito ng may creamer. Ganun pa rin kaya hanggang ngayon? Habang iniintay ang kape ay sinimulan na niyang iluto ang spam. Matapos magprito ay nagsalin na siya ng kape sa tasa at nagtungo sa terrace. Hindi pa rin tapos ang ex niya at hindi pa rin nagbibihis! Nakaboxer shorts lamang ito at palakad-lakad sa garden niya. Nagdidilig ito ng halaman tapos ay magbabasa ng katawan mula sa ulo saka babalik sa pagdidilig. Santisima! Hindi niya napigilang pagmasdan ang matikas na katawan nito. A lot of his features have changed. Mas macho na ito ngayon, mas lumapad ang balikat at lalong nadefine ang abs. Natauhan siya ng kumaway ito sa kanya. "Hey! Pwede na ba akong pumasok diyan. I need to change. Can I?" So hinintay pala siya nito para humingi ng permisong magbihis. "Yeah sure! Coffee nga pala." alok niya. Dumagundong ang dibdib niya ng magsimula itong lumapit sa kanya. Nakikita niyang nanginginig ang daliri kaya ibinaba na muna niya sa lamesita ang hawak na tasa ng kape. Iniwasan niya ito ng tingin dahil jusko naman, nakaboxer shorts lang ito. Eight years ago pa nang huli niyang makita ang nakaumbok na 'yon. Nag-init ang mukha niya dahil sa naalala. Lumapit ito sa lamesita then he sipped his coffee while looking at her. s**t! s**t! Feeling ko namumula ang mukha ko! "Thanks sa coffee, Ma'am." nakangiti ito sa kanya. She cleared her throat. "A-ahm. Alam mo na yung papunta sa bathroom, right? May towel na din doon. Kaya mo na ba? Balik lang ako sa kusina ha? M-may niluluto kasi ako." At tinalikuran na niya ito para maitago ang pamumula ng mukha. "Yeah. Thanks, Sophie." habol nito. Saglit niyang nilingon ito para ngitian saka dumiretso na pabalik sa kusina. Nagfocus na lang siya sa pagluluto para mapababa ang heart rate niya. Halos mabingi na siya sa lakas ng kalabog ng dibdib. Nagprito siya ng itlog at kumuha ng ilang pirasong prutas at gulay sa fridge. Ngunit pagbaling niya ay nasa likod na pala si Jayson. Wow, fresh looking si koya! "Uy! Kanina ka pa ba diyan? Gusto mo mauna ka na kumain? Luto na naman ang breakfast. Ipeprepare ko lang itong veggie salad." tanong niya. Mabuti naman at nakadamit na ito. Ang presko nito tignan sa puting V-neck shirt at itim na shorts. Napakalinis nito sa katawan kahit dati pa. Kahit pagpawisan ito noon ay mabango pa din. Ngayon kaya? "Kakatapos ko lang magbihis. Sabay na tayo kumain. Gusto mo bang tulungan na kita diyan?" Oo magpatulong ka na para pareho na kayong makapag almusal. Mabagal ka kumilos, ghorl. Alam mo yan! "Ah sige. Pakibalatan na lang iyang oranges tsaka pahiwa itong apples." nguso niya sa lamesa. Inilapag niya ang kakahugas na apples doon sa fruit bowl. "Okay." Naglakad ito papunta sa counter at kumuha ng isa pang fruit bowl at kutsilyo sa dispenser. Saka ito naupo sa lamesa at sinimulang balatan ang mga prutas. "Are you still working in Manila?" pagsisimula nito. Magkaharap sila ngayon dahil nagtitimpla siya ng dressing para sa salad. Dinamihan niya ang timpla para sa kanilang dalawa at para mamaya. Balak kasi niyang ito na din ang kainin mamayang gabi para hindi masira ang diet niya kahit paano. "Yeah but work from home kami ngayon. Ikaw anong ganap mo at ang aga mo mag gala? 'Di ba bawal?" tanong niya na may halong tukso. Nagsasalitan lamang sila ng tingin sa isa't isa tuwing may magsasalitahabang abala sa kanya-kanyang ginagawa. Mabuti na lamang dahil hindi yata niya kayang makipagtitigan ng straight dito. "Well, we had meetings last night with three different LGU officials. They signed a contract with us to have some of our buses be used as service for the frontliners. They badly need it kaya inasikaso ko na agad para madeploy na yung mga sasakyan early in the morning. Been working with my staff since last night. Kaya ayun." "Oh. That explains why at talagang binulabog ka pa ni Jess para magdeliver niyang gulay. Loko talaga 'yon. But wait, ibig sabihin wala ka pang tulog niyan?" she asked in disbelief. "Well, yeah..." binitin nito ang sasabihin. "But I am fine, relax." bawi nito nang magsasalita na sana siya. He sensed that she was about to give him some scolding. Hindi kasi niya napigil ang magreact. Yari sa kanya si Jessie dahil inabala pa ang isang ito, eh wala pa palang tulog. "Nakakahiya sa 'yo. Alam mo, may pagka insensitive talaga 'yong bruha kong pinsan eh. You have to learn to say "No" sometimes." bahagya siyang sumimangot dito but he just smiled anyway. "Okay lang, Sophie. Gusto ko din naman. Para catching up na din, you know. Tagal natin 'di nagkita eh." Lumamlam ang mata nito pagkasabi niyon but he was still smiling. "Oo nga eh." tipid niyang sagot. May hugot ba ang ex niya? Pinakiramdaman muna niya ito kaya hindi na niya sinundan ang sinabi. "And I am happy... dahil tingin ko hindi ka na galit sa akin. But I still want to say sorry for everything 'cause I–" "No." she interrupted him and he looked surprised. "Ako dapat ang mag sorry. I was so rude. Dapat nakipag-usap na lang ako ng maayos dati. Kaya sorry din, Jayson." She looked at him in the eye to let him know that she was sincere. "I understand. Galit ka noon and unforgivable naman talaga yung ginawa ko." They were staring at each other's eyes. Pareho din silang tumigil sa ginagawa. "Okay na yun, Jayson. Wala na sa akin yun. Napatawad na kita, matagal na." "Thanks, Sophie. Can we start over and be friends?" inilahad nito ang kamay para makipag handshake sa kanya. "Oo naman noh. Pero bawal 'yan eh." she smiled mischievously. Kumunot naman ang noo ni Jayson pero kalaunan ay ngumiti rin nang magets ang joke niya. "Oh yeah, I get it. Naligo na naman ako eh. Pero sige, elbow bumps na lang." he drew a wide grin on his face kaya lumabas na naman ang mga cute na dimples nito. "Sige." Pareho silang dumukwang sa ibabaw ng mesa at pinag tama ang mga siko. "Friends?" tanong ni Jayson. "Friends!" sagot niya. Then they both laughed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD