Episode 9

2951 Words
Tinanghali ng gising si Ryza kinabukasan. Hindi kasi siya nakatulog ng maayos. Maya-maya ay nagigising siya dahil gusto niyang puntahan ang bisita para icheck kung tumaas ba ang lagnat nito. Pero pinipigilan niya ang sarili dahil baka lalong mainis ito. Tinignan niya ang oras sa wall clock. Mag aalas diyes na ng umaga. "Gising na kaya si mokong?" Pagbangon niya ay saktong tumunog ang phone niya. Isang unregistered number ang nagtext sa kanya. Binasa niya agad iyon dahil baka isa sa mga staff niya. Unregistered number: Thanks for taking care of me last night. I needed to go early 'cause I have a lunch meeting. Hindi na ako personal na nakapag paalam 'cause you were still sleeping when I left. Sorry. –Jayson "What? Umalis na siya? Magaling na kaya 'yon? Kanino niya nakuha ang number ko?" Mabilis na tumipa siya sa phone para magreply. Ryza: Bakit hindi mo ako ginising? Nasan ka na niyan? Magaling ka na ba? Kumain ka ba? Uminom ka ba ulit ng gamot bago umalis? Pero binura niya din iyon dahil para siyang girlfriend kung umasta, eh ex na lang naman siya. Ryza: No worries. Ingat. Saka niya sinend ang text. Hinintay niya itong magreply pero wala nang dumating na text. Nagpasya siyang maligo na para makapag handa ng kakainin. Magoonline ulit siya mamaya para magtrabaho. Magaalas dose na ng matapos siya sa kusina kaya nagpahinga na siya sa sala. Maya-maya ay may nagdoorbell. Bumalikwas siya ng tayo dahil unang pumasok sa isip niya si Jayson. Tinakbo niya ang gate nang magulantang sa mga taong balot na balot ng puting isolation gown. Naka face shield ang mga ito at N95 mask. Nakagloves din ang mga ito. "Good Morning, Ma'am. We are volunteers from the rural health unit. I am Doc. Sharina and they are my staff, Nurse Ria and Nurse Grace. We are here to perform swab testing." Hindi niya kita ang bibig ng doktora pero alam niyang nakangiti ito base sa mga mata. Eto siguro ang nabalitaan niya sa TV na magcoconduct ng mass testing. "A-ahm. Paano po ang gagawin? Tara po muna dito sa loob." Pinapasok niya ang mga ito. " We just need to get a nasopharyngeal specimen from you. Dito na lamang po siguro tayo sa terrace, Ma'am." sabi ng doktora. At isa-isang ipinasok ang mga gamit at ilang aparato. "Kailangan po ba talaga ito doktora?" tanong niya. Hindi kasi niya alam kung ano ang gagawin sa kanya. Takot pa naman siya sa tusok ng karayom. "Yes, Ma'am. This is mandated by Madam President, as part of our fight against this deadly virus. Everyone should get tested, with or without symptoms as long as may travel history sa lugar na may case at lalo na kapag may close contact sa isang nag positive. Para po mabilis ang tracing natin at maagapan ang pagkalat. Pero we have a facility talaga para po sa mass testing and by schedule po ito per cluster. But in your case po, it was requested by Mr. Margones. Nilagnat daw po kasi siya kagabi at sinisipon. He tested negative na naman pero he just wanted to make sure that you are both safe." "Ah ganun po ba?" So, ang mokong pala ang may pakana. "Yes po. Upo na po kayo dito." turo ng doktora sa kaharap na bangko. Sumunod naman siya agad at hinawakan ng doktor ang likod ng ulo niya. Inabutan siya nito ng tissue at pilit na pinasinga para daw mawala ang excess secretion sa ilong kung mayroon man. Habang ito naman ay maingat na inihahanda ang mga gagamitin. "Pikit po, Ma'am at relax lang po." Bakit siya biglang kinabahan kung kailan sinabing magrelax? May inilabas itong parang mahabang cotton buds. "Pikit na po." ulit nito. s**t! Ano ba ang gagawin sa akin? Pumikit siya saka may naramdamang ipinasok sa ilong niya. Noong una ay nakiliti siya at parang nababahing pero habang ipinapasok ito saka iniikot ikot ito sa loob ng ilong niya ay nakakaramdam na siya ng discomfort. Matapos ang humigit kumulang sampung segundo ay natapos na ito. Sakto namang napaubo siya at napaluha. Mabuti na lamang at naka-PPE ang mga ito dahil hindi niya natakpan agad ang buong bibig. "I'm sorry po." At muli siyang umubo. Para siyang sandaling nalunod nang ipasok ans swab. Inabutan siya ng tissue ng isang staff. Nakita niyang inilagay ng doktor sa isang container ang swab at ibinigay sa staff. Nagtungo ito pabalik sa sasakyan ng mga ito. May inilabas namang tablet ang isang staff at nagsimulang magsulat doon gamit ang stylus. Ininterview siya nito at ini-log doon ang ilang personal information pati ang travel history niya. Masakit pa din ang ilong niya. Pakiramdam niya ay naiwan doon ang dulo ng ipinasok sa ilong niya at ilang minuto pa ay hindi nawawala ang sakit. "Itetext na lamang po namin kayo, Ma'am kapag lumabas na ang result within 2-3 hours. Stay indoors po. Eat healthy foods and get enough sleep. Lagi din pong uminom ng warm water. Kapag po may iba kayong naramdaman, tumawag lang po agad sa aming emergency hotline. Or pwede po kayong magconsult sa ating mobile app. Pwede niyo po itong idownload online for free." Bilin ng doktora. "Oh paano, mauna na kami, Ma'am ha. Ingat kayo dito." Nakangiti ang mata ng doktora. "Maraming salamat po sa inyong tatlo. Ingat din po kayo." hinatid niya ang mga ito sa labas saka isinara ang pinto ng makaalis na. Masakit pa rin ang ilong niya. Kanina ay wala naman siyang sipon pero dahil sa test ay parang magkakaroon na siya. Bumalik na siya sa loob ng bahay saka sinimulan na ang pagtatrabaho. Ilang araw pa ang nagdaan at ang tahimik ng bahay at buhay niya. Wala na ulit Jayson na nagparamdam. "Ano kaya ang pinagkakaabalahan nun? Nag-away kaya sila nung Demir dahil dito siya natulog noong isang araw?" Late na siya nagsara ng bahay kagabi dahil hinintay niya sila Kapitan. Nagtetext ang mga ito 15 minutes bago maglibot sa village nila. Tuwing linggo ng gabi kasi ito namimigay ng relief goods. Napuyat siya kagabi dahil alas dose na ito nakapunta. Abot-abot naman ang paghingi ng tawad ng kapitan. Lunes na ngayon at birthday na niya. "Same old, same old. Walang bago, mag-isa pa rin ako." Biglang nag ring ang phone niya. Napangiti siya at sinagot niya agad ito. "Couz! Happy Birthday! I miss you so much!" Jess's voice was full of excitement. "Ipagbebake kita ng cake." Jess said with excitement. "Thanks, couz. I miss you too. Wish you guys were here." Malungkot siya sa totoo lang. Sa New Year ay mag-isa lang din siya. Parang gusto na tuloy niyang bumalik sa Manila. At least doon, araw-araw niyang kasama sila Ava at Jillian. "Ikaw lang naman ang may ayaw, eh. Sabi nga namin dito ka na lang sana para magkakasama tayo ngayon." nadidinig niya ang boses ng mag-ama sa backgroud na kumakanta ng birthday song. Natawa pa siya nang marinig ang kanta ni Cloud na "Happy Birthday, Dear Ryza." Ginaya kasi nito ang ama. "'Dear Tita' dapat ang sa 'yo, buddy." pagtatama ni Kit. "Ang kulit ng mag-ama mo. Miss ko na talaga kayo. Hihintayin ko 'yang cake ha. Bake mo din akong lasagna, please. Wala na akong stocks dito e. Puro delata at instant noodles." pagrereklamo niya. Nagpaparinig siya sa pinsan para ipaggrocery siya nito. Tapos ay ano? Para makita mo lang si Jayson? Sabi niya sa sarili. "Oh sige, mahal na prinsesa. Gusto mo ba 'yong gwapo kong delivery guy ang magdala ulit diyan?" Jessie giggled. "Mga loko! Alam niyo bang noong huli niyong utusan 'yon ay nilagnat? Ginagawa niyong utusan yung CEO ng JMLT Inc. Nakakahiya!" gusto pa sana niyang sermunan ang pinsan pero lumakas na ang tawa ng pinsan. "Relax ka lang girl, hindi naman ikaw ang girlfriend." humalakhak ang pinsan. So ibig sabihin nga ay may girlfriend na si kumag. Masyado talagang deretsahan kung magsalita ang pinsan. Napaka insensitive. "Hindi 'yon ang point noh. Ako 'yong nahihiya sa ginawa niyong pag-uutos dun eh." Palusot niya pero medyo na-hurt siya na hindi siya ang girlfriend. "Okay lang 'yon kay Jayson, believe me. Kahit wala ka pa dito delivery guy na talaga namin 'yon." Muli itong tumawa sa kabilang linya. "Oh siya, later, couz. Happy Birthday ulit! Wait for your cake." Makahulugang sabi nito saka pinutol ang linya. Wala naman siyang plano ngayon kung hindi magrelax lang so she decided to just binge-watch The Defenders. Nang makaapat na episodes ay nagsawa na kaya't nagbukas na lang siya ng laptop para tignan kung may mga kaibigan na bumati sa kanya sa social media. Kaunti lamang pero hindi naman siya disappointed dahil hindi naman siya nagpupublic ng personal information sa mga ganoong platform. Isa-isa niyang pinasalamatan ang mga ito. Maya-maya pa ay nakipag video call si Jillian at Ava sa kanya. "Girls, I miss you both!" malanding sabi ni Ava. "Grabe, naudlot yung beach bumming natin today. Happy Happy Birthday, Ryza girl! Anong pakiramdam ng pabirthday sa 'yo ni Mother Earth?" "Happy Birthday, Ryz! Sana mabuntis ka na this year!" sigaw ni Jillian. "Hoy 'yang bibig mo!" saway niya kay Jillian. Wala naman siyang planong mag-anak ngayon. Ni wala nga siyang boyfriend. She's in no rush, honestly. "Okay lang ako dito, but I'm kinda bored. Miss ko na kayong dalawa. Sana may kainuman ako today." "Naku, okay lang 'yan. Babawi tayo after ng lockdown. Walang Monday, Monday. Kahit anong araw tumapat, gogora tayo." sabi ni Jillian. "Oo nga. Hinahanap-hanap na ng mga mata ko ang bebe boys sa bar." malanding sabi ni Ava. "Napakaharot talaga!" sabi niya rito. "Oh sige na mga luka, may meeting pa kami ng team ko eh. Happy Birthday, Ryz. Enjoy your day. How I wish nakalockdown ka kasama ang papabol mong ex. Para naman may aanakin na ako sa 'yo sa binyag next year." pangungulit ni Jillian. Si Ava naman ay humagikgik. "Happy, Birthday, Ryz. Enjoy. Bye!" paalam na din ni Ava. "Salamat, mga bruha. Stay safe. Stay indoors. Misyu!" Then she ended the call. "Knock, knock!" Sabi ng tao sa pintuan. Nilingon agad niya iyon nang mabosesan. Nakatayo roon si Jayson at may bitbit na stack ng kahon sa kanang kamay. Sa kaliwa naman ay ang foil na baking pan. Kanina pa ba ito doon? Nadinig ba niya ang huling sinabi ni Jillian at ang bastos na bibig ng mga kaibigan? "H-hey! Kanina ka pa diyan? Paano ka nakapasok?" wala sa sariling tanong niya. Hindi pa niya ito sinabihang pumasok agad kaya hindi pa ito tumitinag. "Sorry bukas yung maliit na gate, eh. Kaya pumasok na ako dito" sabi nito sabay itinaas ang mga bitbit. Natauhan naman siya at nilapitan ito. "Oh sorry. Pasok ka pala. Inabala ka na naman ni Jessie. Sabi kong huwag na ikaw eh." sabi niya habang nag sasalubong sila. "Happy Birthday, Sophie!" Sabi nito nang magkaharap na sila saka siya bineso-beso. Ang bango! Nang magdikit ang mga pisngi nila ay may kung anong kulisap ang naglaro sa leeg niya patungo sa kanyang tiyan hanggang kumalat ang sensasyong nadarama sa kaibuturan niya. Magkahiwalay na ang mga pisngi nila ngunit naiwan sa kanya ang pakiramdam na iyon. Kinuha niya ang bitbit nitong pan bago pa siya tuluyang maglambot. Humakbang siya patalikod para makalayo ng bahagya dito. Naamoy agad niya ang lasagna kaya bigla siyang naglaway. Parang ngayon lang ulit siya makakakain ng ibang lasa. "Thanks, Jays. Ano 'yang ibang nasa kahon?" tanong niya kahit palagay naman niya ay box iyon ng pizza. Pero tatlong kahon iyon pang apat ang cake. "Ah pizza for you. This one's your birthday cake from Jess." Nagtungo sila sa dining area para ibaba ang mga bitbit. "Ang dami kong pagkain. Masisira ang diet ko nito." biro niya. "Okay lang 'yan birthday mo naman eh tsaka tutulungan kitang ubusin 'yan." Nakangisi ito sa kanya. "Happy 30th, Ryza. One year to go." may pahiwatig na naman ang mga tingin nito. "What?" pagtataka niyang tanong dito. "One year to go, seven times mo na lang makikita ang age mo sa calendar." he burst out laughing. "Ha-ha, dad jokes. Ikaw nga wala ka na talaga sa kalendaryo eh." her defense to Jayson. They were smiling at each other. "Okay lang, wala naman sa itsura. Oh 'wag ka na magtampo, wala din naman sa itsura mo eh kahit pinag-aanak ka na ng mga kaibigan mo." At nakinig pala ang damuho sa usapan nila ng mga kaibigan kanina. Mabuti na lamang at hindi pinangalanan kung sinong ex ang tinutukoy ng mga iyon. Naupo ito sa bangko sa kabilang side ng dining table. Ngingisi-ngisi pa din ito sa kanya. Bakit ba napakahilig nito tumingin ng ganoon? Hindi iyon nawala sa mga traits ni Jayson–ang ngumisi ng nakakaloko. Naupo naman siya sa tapat nito. "Kumusta ka na nga pala? Buti magaling ka na?" She changed the topic. "Oo. I woke up feeling well the next morning. Hindi na kita ginising. I know you stayed up late because of me." He shrugged his shoulders. "Good then." nginitian niya ito. "Kain tayo?" "Sige!" mabilis na sagot nito "But wait, i-video call muna natin sila Jess." saka tumayo ito. Inilabas ang cake sa kahon at itinusok ang dalawang kandila na number 3 at 0. Sinindihan nito iyon at saka kinuha. Pagkatapos ay tinawagan na si Jessie gamit ang phone nito. Agad din namang sumagot ang pinsan. "Okay, guys let's sing Happy Birthday!" Tawag ni Jessie sa mag-ama. Nakita niyang sumilip si Kit sa screen at buhat ang anak. Si Jayson naman ay nasa harap niya at pilit na sinasama silang dalawa sa frame ng camera. Buhat din nito sa kabilang kamay ang cake. Nagsimula na silang kumanta. Si Cloud ay pumapalakpak pa habang kumakanta. "Yehey! Blow your candles, Ryza. Make a wish." Jayson told her after their song. Ipinikit niya ang mata saka kunwaring nagdasal. Wala naman siyang maisip pa eh. Hmm. Good health na lang for all of us here at kila Mama and Tita. Then she blew her candles. Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao sa kabilang screen. "Happy Birthday, Ryz! Enjoy the rest of the day!" Makahulugang nginitian siya ni Jess. "Thanks sa lahat ng ito, couz. Love you! Cloud! Kiss, kiss." Ngumuso siya at nagflying kiss sa pamangkin. Inilapit pa niya ang muka sa screen ng phone ni Jayson. Ginaya naman siya ng pamangkin at nagblackout sandali ang screen dahil dumikit ang nguso ni Cloud sa camera kaya't nagtawanan silang lahat. "Bye guys, thanks!" she waved goodbye then pinatay na ng mga ito ang tawag. Tinignan niya si Jayson nang isinuksok na nito ang phone sa bulsa saka inilapag ang cake sa mesa. Nakanguso ito at parang ginagaya siya kanina. Tinaasan niya ito ng kilay. "What?" tanong niya. "Wala naman. Feeling ko lang ako si Cloud." tumawa ito saka naglakad papunta sa dispenser. Kumuha ito ng plate at utensils. "Sira ulo ka, Margones!" sabi niya rito. Gusto ba nitong halikan din siya? She erased the thought. Naupo na rin siya sa pwesto at sinimulan nilang paghatian ang handa niya. At nagkwentuhan sila about random stuff. Iyong iba ay nonsense. "Alam mo bang magagalit si Mama kapag nalaman na nandito ka sa bahay niya." Nakatalikod siya kay Jayson dahil hinuhugasan niya noon sa sink ang pinagkainan nila. Pero pakiramdam niya ay humahagod sa kanyang likuran ang mga mata nito. "I bet not." he said with confidence. "And why?" she turned around while still holding the sponge. Tinaasan pa niya ng kilay ito para ipabatid na totoong magagalit ang ina niya. Sa pagkaka alam niya ay galit ang ina kay Jayson although mas galit ang ito kay Ellis dahil iyon ang huli niyang ex. Hindi nga niya alam kung paano nalaman ng ina ang tungkol sa hiwalayan nila ni Jayson. One week after ng engkwentro sa bahay nila Jessie ay tinawagan siya nito at kinumusta, at sinabi nga na alam na nito ang nangyari sa kanila ni Jayson. Nagalit pa ito sa kanya dahil hindi daw niya agad sinabi na dalawang taon na silang hiwalay. Nagalit din ito kay Jayson dahil sinaktan ang unica hija. Pero yun na ang huling banggit ng ina tungkol dito. Si Ellis ang laging bukambibig nito magpahanggang ngayon. Lagi itong nagpapaalala na huwag na huwag nang makikipag-usap sa ex niyang iyon. "'Cause... We're like this." Nakapanglumbaba ito sa mesa. He raised his other hand then put his index and middle finger together. "Close na ulit kami ni Tita, 'di ka ba nainform?" he chuckled. Bakit kahit saang view ay ang gwapo nito? Parang ang sarap lang paglihihan. Sigurado todo kantiyaw sa kanya ng dalawang baliw na kaibigan kapag nalaman ang kaganapan sa bahay niya. "Seriously?" kumunot ang noo niya sa pagtataka. "Just kidding. But the last time I talked to her, 'di naman siya galit. So I'm just guessing na 'di ako malalagot if she knew that I am here." "Wait, what?" Tumalikod na ulit siya para ituloy ang paghuhugas at para ikubli ang sobrang pagtataka. How come they are on good terms now? "But when?" tanong niya at nanatiling nakatalikod kay Jayson. She heard him chuckle again. "We already talked, matagal na. Noong first birthday ni Cloud. Then nung last time na umuwi siya parang three years ago naman yata. I can't recall pero basta matagal na." Birthday ni Cloud? Eh hindi maganda ang pangyayari noon ah tsaka di naman umuwi si Mama nun. Lalo siyang naguluhan. She just ignored what he said. Baka nalito lang ito sa panahon dahil matagal na iyon. Tinapos na lamang niya ang paghuhugas ng plato. Bago magdilim ay nagpaalam na si Jayson. Muli siya nitong bineso-beso. Saka naglakad na patungo sa sasakyan. Natameme na naman siya. Ang sarap sa pakiramdam kapag sobrang lapit nito. "Bye, Sophie. Hope you had a great time." baling nito bago buksan ang pinto ng kotse. "I did. Thank you sa inyo nila Jess." He waved goodbye saka pinatakbo ang sasakyan. Wala na ito ay nakatayo pa din siya sa gate. Kahit paano ay napasaya siya nito dahil hindi naman siya nagexpect ng kahit na anong celebration. Ang akala niya ay magiging mag-isa lang siya sa bahay buong araw ng birthday niya. But Jayson came and made it a really happy birthday. Napangiti siya at napahawak sa pisngi na pinagbesuhan nito. Kota siya sa kilig ngayon. Nakangiti siyang pumasok sa loob ng bahay. Buong buo na ang araw niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD