Episode 13

2990 Words
Nilingon niya ito na mahimbing pa rin na natutulog. Nangako siya kagabi na ito na ang huling beses na papatuntungin niya ito sa bahay. Pero ngayong may nangyari ulit sa kanila matapos ang napakahabang panahon, magagawa kaya niyang itaboy ito? She ran her fingers through his hair. Napangiti siya habang pinagmamasdan ang maamong mukha nito. Kapag tulog ito ay mabait ang itsura pero kapag ngumisi na ito ay iisipin mong punong-puno ng kalokohan ang isip. She kissed him on his forehead. Kailangan na niyang kalimutan ang nararamdaman para dito. Pinilit niyang bumangon dahil nararamdaman na niya ang paglandas ng luha sa pisngi. Wala siyang pakialam kung magising ang katabi. Dali-dali siyang pumasok sa banyo at agad na inilock ang pinto pagpasok. Ibinukas agad niya ang shower para sabayan ang paglagaslas ng tubig nito sa pag-iyak niya. Sumasabay din ang pintig ng ulo at sa puso siya. Pareho ring masakit iyon. Dahil sa hangover at sa pangalawang beses na broken hearted siya kay Jayson. Paano niya pakikiharapan ng maayos si Jayson na ganito ang kalagayan niya? Parang ayaw na niyang lumabas ng bathroom nang umagang iyon. Sumandal siya at niyakap ng mahigpit ang sarili. Ilang minuto pa siyang nagbabad sa shower saka nagpasya nang umahon. Naka bathrobe lang siya dahil wala siyang damit na malinis doon sa master’s bedroom. Kailangan niyang harapin si Jayson sa huling pagkakataon sa ayaw at sa gusto niya dahil nasa bahay pa din niya ito. Pero paglabas niya ng banyo ay wala na ito. Nagitla siya. Iniwan na naman ba siya nito? Wala na din ang mga damit nitong nagkalat sa sahig kanina. Dali-dali siyang lumabas ng kwarto para lumipat sa kwarto niya upang magbihis, baka abutan pa niya ito sa labas. Hindi niya alam ang sasabihin dito pero hinahanap-hanap niya ang presensya nito. Magkalapit lang sila ay sapat na kahit walang salitang mamutawi sa kanilang dalawa.Kaya lamang ay mukhang nakaalis na ito. Nang papalipat na siya sa kwarto ay natanaw ang bulto na hinahanap niya sa balcony. Naglilinis ito ng mga kalat nila kagabi. Patakbo niya itong pinuntahan. She missed him already. Nang madinig nito ang mga yabag niya ay lumingon ito. He was wearing his sweetest smile even his eyes were smiling. Parang ngayon niya lang ulit nasilayan iyon. “Hey, babe. Good morning!” Sabi nito saka binitiwan ang hawak at sinalubong siya. Hinapit nito ang bewang niya at banayad siyang hinalikan sa labi. She was surprised. Una ay dahil sa endearment nito, ito ang tawagan nila dati. Pangalawa ay sa kasweetan nito as if they just got back together. But she was happy that she still found Jayson in her house. Hindi siya nito iniwan basta. “B-baka mabasa ka.” Sabi niya dito dahil nakapulupot pa din ang braso nito sa bewang niya. He just gave her a deep stare. “I-iwan mo na ‘yan diyan. Ako na ang maglilinis pagkabihis ko.” dagdag niya. “Ako na. Sige na, magbihis ka na bago pa ako bumigay at sundan ka sa kwarto mo.” Ngumisi na naman ito ng nakakaloko. Nag-init naman ang mukha niya. Tumalikod na siya pero hinaklit nitong muli ang bewang niya saka yumakap sa kanya mula sa likod. Ibinaon nito ang mukha sa leeg niya kayat pakiramdam niya ay nagtayuan ang mga balahibo niya sa batok. “I missed you, babe. We will talk later.” bulong sa kanya ni Jayson saka pinakawalan na siya nito. Few days ago... Nakangiti si Jessie habang binebake ang birthday cake ni Ryza. She wanted to surprise her kaya lamang ay hindi siya pinayagang lumabas ng asawa both for their son and mother’s safety. They couldn’t risk their health kung sakaling maging carrier ng virus ang isa sa kanila. Hindi na sila nakakaalis ng bahay simula noong isang linggo. Hindi rin naman nagkulang ang gobyerno sa pag-abot ng tulong. Wala itong pinipili, mayaman o mahirap ay namimigay ng food and medicine supplies, maging ng vitamins. Kaya’t nagulat pa sila kinaumagahan nang may magdoor bell at bumungad ang napakaraming supot ng groceries sa gate nila. Ang mga nag-aabot naman ng tulong ay nakalayo ng ilang metro. Natakot pa nga si Cloud ng makita ang mga itong balot na balot ang katawan, nakamask at gloves Kaya ngayon ay pinakiusapan nila si Jayson na ihatid ang cake. He has his ways para makapunta doon dahil isa ang transport business nila sa napili para maghatid sundo sa mga frontliners. Konting mabulaklak na salita lamang nun ay papapasukin na yun sa mga kanto-kanto. Hindi niya maalis ang ngiti sa mukha. Hindi dahil sa wala ngayon sa bahay ng mother-in-law niya ang bruhang bilas kundi dahil kay Ryza. She knew she is genuinely happy now. Mabuti naman at hindi na ito galit kay Jayson. Maybe they could be good friends para naman mas masaya ang trip nilang tatlo if Ryza joined their group. Jayson is the best third-wheel in the world. Lagi itong nakasama sa gala nilang mag-asawa. Ito ang pumalit kay Ryza sa pagiging driver at baby-sitter ni Cloud. Pero mas higit si Jayson kaysa sa pinsan. Ito lamang ang third-wheel na mahilig manlilibre. Lagi din itong nagvovolunteer na maging photographer nilang mag-anak. 'yon nga lang ay kung bakit ayaw nitong sumama sa mga groupie at nahuhuli niya itong malungkot ang mukha paminsan-minsan lalo kapag nirereview nito ang mga kinuhang pictures. She saw longing in his eyes. At least now they could set-up a double date kapag okay na sila ni Ryza para naman hindi na ito malungkot. But was that a good idea? She didn’t think so. Kaya binawi agad niya ang naisip dahil ayaw niyang muling ipahamak ang pinsan. Mas maganda kung hayaan niyang kusang mamatay ng tuluyan ang galit sa puso ni Ryza para may umusbong ditong bagong pag-ibig. Let nature take its course. She remembered the day when Jayson first broke her cousin’s heart seven years ago... Kanina niya pa hinihintay si Ryza dahil wala itong paalam kung saan pupunta. Alas dos na ng madaling araw. At nang maihatid nga ito nila Arielle ay lasing na lasing. Pulang pula ang mukha at ‘di na makatayo. Pinagmamasdan lamang niya ang pinsan habang nakasandal ang ulo sa headrest. Nanatili lamang itong nakapikit habang umiiyak. Alam niyang kakagaling lamang nito sa breakup and she felt guilty for that. Siya ang puno’t dulo ng lahat ng ito. “Ang... unfair nya, Jess. How... could... he do that... to m-me?” Ryza said in between sobs. Lukot ang mukha nito sa pag-iyak. “I saw him… with his new girl…” Lumakas ang paghikbi nito. It also pained her to see her cousin like that. Niyakap niya ito at inihilig ang ulo sa dibdib niya. She was like an older sister to Ryza. Matanda siya ng limang taon dito pero sabay silang tumanda. She witnessed how Ryza bloomed into a lady. Sa pag-iyak nito ngayon, alam niyang lubos itong nasasaktan. Mahina itong lumuluha pero ramdam niya ang bigat sa dibdib ng pinsan. How could she let someone hurt her cousin that way? Si Kit ay nakatayo na ngayon sa tabi niya kaya tumingin siya dito. Ngunit mariin lamang nitong pinaglapat ang bibig. She knew he shared the same sentiments with her husband, they were both dismayed. Hindi niya naisip na magagawa ni Jayson 'yon sa pinsan niya. She had known Jayson since they were in college. Si Kit ay nag-aaral sa katapat na university kasama si Jayson. They were both varsity players and were really good friends. May record ito ng pagiging babaero noon pero akala niya ay nagbago na ito simula nang makilala si Ryza. Para pa nga itong obsessed kay Ryza dahil simula ng ipakita niya ang picture ng pinsan ay hindi na siya tinantanan nito. Pinilit siya nitong pagpalitin ang partners nila. Siya dapat ang best man noon pero dahil ayaw ni Ryza na mag maid of honor ay ayaw na rin niyang mag best man. Nag-alanganin din noon na makadalo si Ryza dahil natatakot itong umuwi. Mayroon kasi itong DOM na manliligaw at maya-maya ay pumupunta sa bahay nila para tanungin kung umuwi na ba si Ryza. Mabuti na lamang at sumuko din ito at nagpasyang umuwi sa probinsya dahil kailangan daw nitong personal na imanage ang sakahan nito doon. Nagpaalam ito sa kanya at iniwan pa ang cellphone number para ibigay daw kay Ryza pag-uwi. Mabuti at timing na wala na ito sa kasal niya kaya’t masaya siya noong pumayag na umuwi si Ryza. Ang orihinal na plano lang talaga ay sa mismong kasal nila iseset up si Ryza kay Jayson. She didn’t expect na magkakaengkwentro ang mga ito sa bus terminal. Well maybe, they were really fated. After few months ay nagresign si Ryza para sa Bataan na lamang humanap ng trabaho. Pero nahirapan itong mag-adjust dahil galing itong Manila. Mataas ang standards ni Ryza kaya hindi niya makasundo ang employers. Nakatatlong employer ito sa loob lamang ng apat na buwan. Simula noon ay sumuko na si Ryza. Hindi naman kasi niya kailangan ng trabaho dahil may sustento naman ito mula sa ina at madalas din ay sa kanila nakikikain si Ryza. Pabor para sa kanya ito dahil miss na miss na niya ang pinsan. Mas okay na nandito ito palagi sa Bataan kaya thankful siya kay Jayson. Ito ang naging dahilan para umuwi ang pinsan. Jayson was her cousin’s first love. Medyo naging pabaya silang magpinsan sa part na 'yon dahil sa sobrang in-love ng dalawa ay ayaw nang maghiwalay. Madalas matulog si Jayson doon. Minsan nga ay inaabot pa ng ilang araw. Hindi naman siya tanga para isiping walang kababalaghang nangyayari sa dalawa. Thankful na lang din siya dahil hindi nabuntis ang pinsan. Looking at her cousin now made her want to punch Jayson in the face. Pinagkatiwala niya ang pinsan dito pero sasaktan lang pala at lolokohin. Lagot talaga siya sa ‘kin. Pero naging mailap si Jayson. Hindi ito pumupunta sa kanila. Kapag tinatanong niya ang asawa kung nasaan ito ay nagkikibit-balikat lamang. Ilang buwan na din ang nakaraan noon at bumalik na si Ryza sa Manila para muling magtrabaho. Lalong naging madalang ang pagbisita ni Ryza sa kanila. Kapag may mga okasyon sa bahay nila ay hinahayaan na lamang niya itong magkusa na umuwi. She invited her pero hindi na niya pinipilit pa kahit na mas okay pa din kung kasama nila ito. Ilang taon ang lumipas ay naging ganun ang nakasanayan nilang magpinsan. Lagi lamang silang sa video chat nag-uusap. Hanggang sa isinama siya ni Kit sa get together nila ng mga kaibigan noong college at dun niya natagpuan si Jayson. Nag-init agad ang ulo niya pagkakita pa lamang niya sa kotse nito. Pero ramdam ni Kit ang galit niya so he calmed her down bago sila bumaba ng sasakyan. But Jayson was the first one to approach them nang maiwan silang mag-asawa sa cottage. “Jessie, Kit, can we talk?” bungad nito sa kanila. Amoy alak na ito at bahagyang namumula ang mata at mukha. Naunahan siyang magsalita ni Kit. “Sure, bro. What about?” Tinignan niya ang asawa dahil mukhang alam nitong magkakaroon ng giyera kung hinayaan siyang maunang magsalita. Jayson sat on a vacant seat beside them. Hindi ito nakapagsalita agad. Nakailang buntong-hininga pa muna ito saka inilipat sa harap nila ang bangko at muling naupo. “About what happened between me and Sophia. I just want to apologise to you.” Sa kanya unang dumako ang tingin ni Jayson kaya tinitigan niya ito ng masama. Napansin niyang malaki ang ipinagbago ng itsura nito. Lubog ang mga mata at mukhang napabayaan nang humaba ang buhok. Malaki rin ang ipinayat nito kaya’t lalong humulma ang panga nito. “Bakit sa amin ka nag-aapologise. Bakit hindi sa pinsan ko?” She lifted her left eyebrow. She was struggling to keep her cool dahil gusto na niyang sigawan ito. “I already did. But she blocked me. I bet she doesn't want to talk to me. Palagi ko siyang dinadalaw sa bago niyang office pero ibinilin niya sa guard na paalisin ako. Ganun din ang ginawa niya sa condo. Pabalik-balik ako until they banned me. Maybe you could help me, please?” maamo nitong pakiusap. She saw he was teary-eyed. What was that? Si Kit ay hindi umiimik. Mukang front lang na gusto silang makausap na mag-asawa pero ang totoo ay siya lang talaga. Malamang noh, magtropa ‘yan kaya may usapan na yan prior to this. Kaya pala ako isinama ng kumag kong asawa dito! “Jayson, know what? Wala na ako diyan. Labas na ako sa inyong dalawa. I couldn’t afford to see her getting hurt again.'' She emphasized the word “hurt” para naman maging aware siya na kupal siya. She stood up to walk out but he grabbed her wrist. Napatingin siyang muli kay Kit. Hindi naman mahigpit ang hawak ni Jayson pero wala man lang bang gagawin ang asawa niya? Relax lang ito sa kinauupuan. “Please, Jess. I can explain. Pakinggan mo muna ako.” Nakatingala ito sa kanya na akala mo ay batang napagalitan ng nanay. Sa wakas ay tumayo na ang asawa niya. Pumunta ito sa likod niya at hinawakan siya sa balikat. Bumitiw na din si Jayson sa kanya. But her husband’s hands only lead her back to her seat. Nang maiupo siya nito ay nagsalita ito sa wakas. “Maybe you two should talk... alone. Aalis muna ako.” Muli itong sumulyap sa kanya at tila sinasabihan siya ng Please cooperate, Jess. Saka ito umalis. “Jess, I am sorry for screwing things up. I was a complete idiot. I know that. Alam kong galit ka din sa akin. I am really sorry. I still love her.” He was looking at her sincerely. Seryoso ang mukha at mapagpakumbaba ang tono nito, malayong-malayo sa Jayson na kilala niya. “If you still love her then why the hell did you hurt her?” Gigil niyang sabi. Nag-iwas siya ng tingin nang magsasalita na ito. “I found myself in a dilemma. Dad forced me into an arranged-marriage with the daughter of one of our investors. He owned the largest stocks. Noong una ay hindi ako pumayag. Then that asshole withdrew his stocks. Our company was at risk that time dahil nasundan pa ng ilang investors ang pag withdraw because they followed that asshole. I didn’t give a flying s**t about it but Dad got so depressed. So I agreed to their terms. I left Sophia and that was the biggest mistake I made in my life. Hindi ko inamin ang lahat sa kanya. I left her puzzled. Akala niya ay nanlamig lang ako. Akala niya nagsawa lang ako. Hindi ko maamin na kaya hindi ako nagpapakita sa kanya ay dahil madami nang problema noon sa company and I needed to take care of Dad. Hindi ko alam noon ang gagawin. Litong-lito ako.” huminga ng malalim si Jayson. She saw tears forming at the tip of his eyelids. “Naduwag akong sabihin sa kanya that I chose the company over her. I was a wimp! I hated myself that moment. I hated myself more noong nakita niya kaming magkasama ni Clementine. I wanted to run towards her para sabihing hindi ko mahal ang babaeng 'yon at siya lang ang mahal ko. Mahal na mahal. Pero hindi ko pa rin nagawa. I was so stupid and a coward! Until I saw her last week somewhere in Manila. Basang-basa siya sa ulan. I wanted to take care of her but she walked away. She was still mad at me. I tried to chase her but she suddenly stopped under the rain then I saw her crying and I couldn’t bear it. I was there the whole time she was crying but didn’t do anything ‘cause I got scared that I might hurt her even more if I come closer.” Tuluyan nang bumagsak ang luha ni Jayson. Napasinghap naman siya dahil hindi niya inaasahang iiyak ito sa harap niya. Pinunasan nito ang luha saka tumingin sa malayo. He clenched his fist. Mukha ngang galit ito sa sarili dahil sa pagiging kupal at walang bayag. “But what happened to you and the girl? Are you already… married?” sa wakas ay nakapagsalita siya. “Just two weeks before our wedding, I found out that she was already pregnant. At alam kong hindi sa ‘kin ‘yon. Hindi ko nga maatim na halikan siya. So I decided to end that bullshit. Bahala na kung ano ang mangyari sa amin ni Dad at sa company. I would take full responsibility pero di ko ineexpect na worst ang dadating sa akin. Nangyari nga 'yong kinakatakutan namin, we were on the verge of bankruptcy…” he stopped and gasped for air. Hindi niya akalaing ganun ang pinagdaanan ni Jayson. Bakit hindi man lamang ito humingi ng tulong sa kanila dati? Sana ay ipinaliwanag nito ang sitwasyon para sana nagkaintindihan silang lahat. “...then Dad drowned himself in alcohol. All day, all night. I tried hard to save the company pero hindi ganoon kadali. Then one night after I finished a call with a prospective investor, nakarinig ako ng nabasag na bote sa kwarto niya. I rushed to his room and saw him down the floor, walang malay. The doctors tried to revive him in the hospital buti na lang nabuhay pa siya. It was a heart attack. That moment I realized everything went into waste. I screwed everything up. Kasalanan ko ang lahat ‘cause those were all my decisions. Kaya inuwi ko si Dad sa Canada with Mom. He was put in rehab for alcohol addiction. Pero he’s recovering now and sana magtuloy-tuloy na.” mariin nitong pinaglapat ang mga labi para pigilin ang muling pag-iyak. “I am sorry, Jays. I didn’t know.” tumayo siya para yakapin ito at icomfort. All this time ay tiniis ni Jayson ang galit nilang magpinsan kahit kailangan na pala nito ng kaibigang malalapitan. She felt guilty. “Bakit hindi mo sinabi lahat ng ito noon pa? I think Ryza could understand your situation.” “Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat sa inyo. Isa pa akala ko maaayos ko ang lahat kaagad. So I told Kit not to tell anything. But it took me a long while. Then when I saw Sophia that night, napatunayan kong mahal ko pa din siya at nabuhayan ako ng loob. Siya pa rin ang gusto ko. Kaya please, Jess, help me I want her back.” Pagmamakaawa ni Jayson sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD