MINA
Tumigil na kayo!!
Masakit!!
Hindi kayo magtatagumpay!!!
napahinto ako sa pagbabasa ng may narinig akong pamilyar na boses.
Humihingi ito ng tulong pero isinawalang bahala ko lang ito dahil madalas din itong mangyari sa bahay.
Dahil hindi na mawala ang boses ng babae ay umalis na lang ako sa library.
Habang naglalakad ako sa hallway ay parang lumalakas pa ang boses kaya tumakbo ako at hindi ko alam na meron palang sariling buhay ang paa ko at di nala ako sa cr.
Nasa harap na ako ng cr at wala kang maririnig dahil sound proof lahat ng mga CR dito.
Nang ikutin ko ang door knob ay may narinig akong pamilyar na boses ng tuloyan ko nang mabuksan ang pinto laking gulat ko ng makita ko si Regine na naka higa at BINUBUGBOG ng tatlong lalaki.
Nanghihina na si regine.
Hindi nila ako nakita dahil medyo busy sila kay regine.
Third Person's POV
Ng makita ni Mina na binubugbog ang bestfriend nya ay mabilis umiba ang kaniyang itsura.
Kung kanina ay makikita mo ang kanyang ma anghel na mukha ay napalitan ng isang demonyong mukha.
nag karoon si Mina ng pangil at matatalas na koko.
Walang pag aalinlangan nyang kinagat ang isang lalaki na malapit sa kanya at sinunod nya ang dalawa.
Wala siyang ka alam alam sa kanyang ginawa ang alam nya na ngayon ay nakaharap na sya kay Regine.
Niyakap niya si Regine at umiyak.
Nagsimula ng mawala ang kanyang pangil at matatalas na koko.
"Mga hayop ka-"hindi niya na natuloy ang kanyang sasabihin ng paglingon niya sa likod ay wala na ang tatlong lalaki at wala ding bakas ng dugo.
Agad na kinuha ni Mina ang kanyang cellphone at tinawagan ang nanay ni Regine na ngayon ay wala ng malay.
Yakap yakap pa din ni foxie si Regine.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig na si Regine ng sigaw at alam niya kong sino ito.
"REGINE!!"sigaw nito na may namumuong luha mula sa mata.
Mina
Nandito ako ngayon sa lugar kong saan mararamdaman mo ang sakit at lungkot. Wala kang ibang maririnig kondi iyak ng mga tao. Nandito ako ngayon sa lamay ni Regine.
Namatay siya non dahil sa sobrang pagkabugbog at ang masakit pa don ako ang naging suspect sinisi nila ako.
Limang araw simula nong nangyari yun at madami ang nagbago sa aking buhay.
=FLASHBACK=
"REGINE!!"rinig kong sigaw ni tita Margarita.
Nilingon ko siya habang nakayakap padin ako kay Regine.
"Tita"usal ko at tumayo.
Humarap ako sakanya para Sana ekwento ang aking natuklasan.
"Tita si Regine po na bu-"Hindi kona natuloy ang aking sasabihin ng sinampal Niya ako.
"Tita bat nyo ko sinampal?"mangiyak ngiyak kong tanong.
"ANG KAPAL NG MUKHA MONG TAWAGIN AKONG TITA PAGKATAPOS NG GINAWA MO!!!"sigaw niya saakin ano bang sinasabi ni tita,hindi ko siya maintindihan.
"Tita hindi ko kayo maintindihan"sabi ko habang nakahawak sa aking pisnge na sinampal niya.
"Wag kanang mag maang maangan alam kong ikaw ang may gawa niyan"sabi niya habang umiiyak at tinuro pa si Regine.
"Tita hindi ako ang may gawa niyang nakita ko na binugbog si Regine ng tatlong lala-"hindi ko ulit na tuloy ang aking sasabihin ng pinutol niya ito.
"SINUNGALING!!,ALAM KONG IKAW ANG MAY GAWA NIYAN DAHIL NAGSESELOS KA SA ANAK KO DAHIL WALA KANG MAGULANG!!"sigaw niya,na nakapagpainit ng ulo ko.
"HINDI NGA AKO!!"sigaw ko hindi ko na napigilan lalo bat dinamay niya ang MAGULANG ko.
Na gulat siya saaking inasta dahil isang beses ko pa siyang nasigawan at ito yun.
"Sinabi ng hindi ako narinig ko siyang sumisigaw at humihingi ng tulong kaya pinuntahan ko siya dito at nakita kong may tatlong lalaki dito, binugbog siya"sabi ko at tinuro pa si Regine.
"Sa tingin mo maniniwala ako sayo?,hin-"hindi na natuloy ni tita ang kanyang sasabihin ng may dumating na mga pulis at mga estyudyante.
"Ano to tita?sabi ko ambulance ang tawagan mo? bat may pulis dito?"takang tanong ko.
"Magdusa ka sa kulungan"usal Niya bago pumunta kay Regine.
Ng akmang pupusasan ako ay inilayo ko ang aking kamay pero kinuha padin nila ito.
"Hi-hindi ako ang suspect ako ang witness"sabi ko sa pulis na nasa gabi ko pero hindi man lang ako sinagot.
Hindi nalang ako nagpumiglas dahil hindi din naman ako makakatakas.
Habang naglalakad ako ay nakayuko ako at nakatingin din ako ng masasamang komento.
"Kriminal pala siya"
"Yan ang napapala ng mga katulad niyang basura."
"Bahay yan sa kanya"
"Pabida pa sa Room eh kriminal pala"
"Siguro tinakot Niya ang mga prof para ipapasa sya"
Dinurog ang puso ko ng narinig ang mga komento nila hindi man lang nila muna ako pinakinggan.
Nandito nakami sa prisento nahatulan ng 13 years sa prison.
Kahit wala pa silang sapat na ebidensya kinulong na nila ako.
Mga hayop sila!!!!
____END OF FLASHBACK____
Kung nagtatanong kayo kong paano ako nakalabas hindi ko alam pero parang may kapangyarihan ako.
Basta iniisip ko lang na maka punta ako dito pumikit muna ako at pag mulat ko and ito na ako.
Hinayaan ko nalang ang important e ngayon ay nakapunta ako at thankful ako dahil may kakayahan ako.
Dalawang oras na akong nakatayo dito sa gilid sapat na para hindi nila ako makita. Hindi ako makaramdam ng pagod at ngalay kahit nakatayo lang ako.
Kita ko kong paano umiiyak si tita hindi ko alam pero parang wala akong naramdamang awa sakanya.
Dahil masakit na ang paa ko ay dapagdisesyonan ko nalang na umalis.
Pumikit muna ako at inisip na pumunta sa bahay na tinitirahan ko at pagmulat ko andito na ako.
Agad akong pumasok sa bahay at umupo muna sa sofa para magpahinga.
Ng hindi na masakit paa ko ay agad na akong pumunta sa aking kwarto.maliit lang ang bahay kaya walang 2nd floor.
Inilagay ko ang aking mga gamit sa isang maleta.
Bago ako umalis ay tinignan ko muna ang orasan at 11:27pm na.
Matutulog sana ako pero baka lumunta ang mga pulis dito at mas maganda kong gabi ako aalis para walang makakita saakin.
Naglakad ako sa madilim na kalsada wala kasing medyo ilaw dito inaayos pa kasi ang ilaw dito at buwan lang ang nagsisilbing ilaw.
Habang naglalakad ako parang may naaamoy kasama din kaya to sa mga power ko?
"Saan ba talaga ako nanggaling bakit may ganito akong power?"bulong ko.
Nalahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng kaloskos mula sa likod.
Nilingon ko at halos manghina ako saaking nakita.
Limang aso ang nakatingin sa akin habang naglalaway.
Dahan dahan akong umatras habang lumalapit sila.
Hindi pa naman ako nakaka limang hakbang ay may narinig ako mula sa aking likod pagtingin ko.
P*ta bampira!? Tatlong bampira?
akala ko ba hindi sila totoo.
Nako baka inomin nila ang dugo ko at mamatay.
Agad akong pumikit at inisip na pumunta ako sa punong nasa gilid pag dilat ko ay nandoon na ako habang sila nagaaway.
Nakita ko kong paano kagatin ng aso wait aso ba talaga yan bakit parang were wolf.
Nakita ko kong paano kagatin at sugatan ng were wolf ang mga vampires.
Bakit hindi ako kinakabahan?
Tumingin muna ako saaking dibdib pero wala akong naririnig.
Ng paglingon ko ay wala na sila.
Nakarinig ako ng ingay mula sa likod at pagtingin ko nagbago ang kanilang itsura.
Naging tao sila at nakaharap sa akin.
"Labas"sabi ng babaeng wolf wait parang familiar ang boses niya.
Lumabas ako at nagulat ako sa taong nasa harapan ko ngayon.
"Mina?"siya
"Trina?"ako.
Siya lang naman si trina ang bumubully sa akin noon at hindi ko akalaing isa siyang wolf.
"Mapaglaro talaga ang tadhana at makakain nanaman ako ng tao,matagal tagal na din yun"sabi niya habang kinakagat ang kanyang koko.
Halos ilipad naako ng aking balahibo sa sobrang kaba.
Unti unti siyang lumalapit habang ako naman ay umaatras.
"trina,kong ano man yang binabalak mo itigil mo yan pinagbabawal yan"sabi ng lalaki na medyo may kalakihan.
Tinignan ko ang kanyang mga kasamahan at meron silang ibat ibang uri ng kwintas na nasa kanilang leeg.
"Ano ba hindi naman nila tayo nakikita no"mataray na sambit ni trina.
"Mukhang hindi siya masarap"napatingin ako sa nagsasalita.
Isang babae na walang imosyon ang mukha nakatingin lang siya saakin at ang tatlo panilang kasama.
Napatigil ako sa pag atras para kasing may naamasid sa amin.
Napansin ata niya na huminto ako kaya huminto din siya.
Trina's POV
Umiiyak ako sa aking silid,dahil sa hindi ko nalang dahilan ang alam ko lang ay bigo akong mailigtas si Regine,
Hindi ko man lang siya naligtas mula kay Mina.
Nagluluksa kaming lahat dito sa lugar ng mga lobo dahil si Regine ang isa sa mga kasamahan namin,at kaya ko binubully si Mi a ay dahil nagseselos ako,minsan lang kasi umuwi dito si Regine dahil pupuntahan Niya si Mina at galit siya saakin dahil binubully ko si Mina kaya mas lalo pa akong nagalit kay Mina.
Napatigil ako sa pagiyak ng biglang may kumatok.
Pinunasan ko muna ang aking mga luha.
"Pasok!!"sigaw ko,malaki kasi ang kwarto ko kaya kailangan mo pang sumigaw para narinig ka sa labas.
Iniluwa nito si Senor isa sa mga kaibigan ko.
"Anong kaila-"hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng magsalita siya.
"Hindi si Mina Jor ang pumatay kay regine tinulungan niya si regine pero mukhang nahuli siya ng dating at ang totoong pumatay kay regine ay mga bampira"deretsong sabi niya na ikinagulat ko at ikinagalit ko.
Nakatayo ako.
"MGA HAYOP SILA!!!"Sigaw ko.
Bumalik ako sa aking pagkakaupo at tinanong siya.
"At paano natalo ni Mina ang tatlong bampira?"taking tanong ko.
"Yun din ang tanong ko sa ating mga alagad pero wala silang alam"sagot niya.
"Maghanda ka aalis tayo mamayang gabi"sabi niya at umalis na.
Paano?
"Sino ka ba talaga foxie? "bulong ko.
______
Nag hahanda na ako sa aming paglisan.
"Hintayin niyo ko mga bampira"usal ko at lumabas na ng kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto ay sumakay muna ako ng elevator,kung nagtataka kayo kong bakit may elevator dito malaki kasi ang aming tirahan na nagkakasya lang sa 5,000,000,000 lobo.
Meron kaming garden,coffee shop,Milk tea shop, restaurant,Mall,at iba pang nasa lugar ng mga tao pero nasa earth padin Naman kami pero nasa pinakabundok nga lang sapat na para walang makatuklas saamin,Meron din kaming sariling bahay pero ako ay nakatira sa isang mansion kong saan nakatira ang pinakamalalakas na lobo,binabantayan ko at ng mga kaibigan ko ang lugar namin,kami kasi ang napili ng Reyna para magbantay.
Lumabas na ako ng elevator at merong bumabati sa akin palagi Naman.
"Magandang umaga,Beta Trina"
"Ang ganda niya talaga"
"Sana ako ang mapangasawa ni beta Trina"
"Wag kang ambisyoso pre hindi ka gusto niyan"
"Oo alam ko na iisa lang ang gusto niya,tsk mas gwapo naman ako don"
Rinig kong bulongan ng dalawang lobo.
Napa tawa na lang ako ng mahina.
Sorry taken na ako.
Nakatingin na ako sa sala at naabutan ko don si axiel naka upo at nakatalikod saakin.
"Oh axiel nasaan na sila?"naka ngiti kong sabi.
"May kinuha lang si senor,si Lina hindi pa bumababa at si Cin nasa labas na"sagot niya at tumingin saakin.
"Ok"ngiti kong sabi.
Tahimik ang bumalot sa amin bago dumating na si lina.
"Pumunta na tayo sa labas nandon na si senor at Cin"cold niyang sabi.
Agad kaming tumayo ni axiel.
"Let's go?"nakangiti kong sabi pero nginitian niya lang ako at nauna ng maglakad.
"Kawawa"rinig kong bulong ni lina.
Hindi ko nalang ito pinansin baka mag away pa kami.
Sumunod nalang ako kay axiel at naramdaman ko din saaking likod si lina.
Paglabas namin ay bumungkad sa amin sina senor at Cin na salubong ang kilay.
Lumingon sila sa amin.
"Tagal nito"reklamo ni Cin.
Hindi nalang namin sinagot at tumakbo na kami.
Makalipas ang isang minuto ay nakatingin na kami sa aming pupuntahan.
Walang bampira ibig sabihin non gusto nila ng laro.
Maglakad lakad kami ng may napansin kaming may naglalakad na may hawak na maleta.
Agad kaming naging alerto at dahan dahan kaming naglakad papalapit sa kanya kasabay na don ang pag iba ng aming anyo.
Napahinto siya at gulat na nakatingin saamin,hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim.
Akmang susugurin nanamin siya ng biglang siyang napalingon sa likod.
Tatlong bampira bago namin pasulong ang mga bampira ay nawala siya.
The heck!
Madami lang namin natalo ang tatlong bampira kaya hinanap ko ang babae sa pamamagitan ng pang amoy at nasa likod siya ng puno.
Agad namin siyang pinuntahan ng walang kibo.
"Labas"utos ko sa kanya.
The heck!
"Trina?"gulat kong sabi.
"Mina?"siya
The heck!!
"Mapaglaro talaga ang tadhana at makakain nanaman ako ng tao,matagal tagal na din yun"sabi ko at habang kinakagat ang aking koko.
Ramadan kong naghulat siya at bahagya pang umatras habang ako ay lumapit sa kanya.
"Trina kong ano man yang binabalak mo itigil mo yan ipinagbabawal yan"sabi ni senor.
"Ano ba hindi naman nila tayo nakikita no"mataray kong sambit.
"Mukhang hindi siya masarap"sabat Naman ni lina.
Napahinto siya kaya huminto din ako.
"Ano ba-"hindi ko na natuloy ang aking sasabihin nang biglang maging lobo si Minaat tumakbo siya papunta sa likod nang isang tindahan.
Mabilis kaming naging alerto.
"Bat siya naging lobo?!!"sigaw ni axiel.
"Oo nga trina ano?!"iritang sabi ni lina.
"Bat ako?!hindi ko nga alam eh!!"galit kong sigaw.
"The f**k!!"nakatingin kami kay senor na ngayon ay nakatingin sa kinaruruonan ni Foxie,pagtingin namin ay
The heck!!
May kagat kagat siyang bampira.
Maliit na bampira.
Nang nasaharapan na namin siya ay bamilis umiba ang kanyang itsura bumalik na siya sa dati.
Agad nilapitan ni axiel si Mina tinignan.
"Katulad natin siya"sabi ni axiel habang nakay Mina padin ang tingin.
"At mukhang nanghihina siya"sabat ni lina habang nakahawak sa kanyang kwintas.
"Ano pang hinihintay natin?dalhin na natin siya sa lunga"nakangiting sabi ni senor at nilapitan si Mina para buhatin.