CHAPTER 41 With all my research that I have gathered, Manong Julio was Matthew's biological father! Hindi ko alam ang bagay na 'to, ngunit nasisiguro kong may alam si Matthew kahit na kaunting impormasyon sa kung ano ang gustong sabihin ni Manong Julio sa akin. Hindi ko sinabi kay Limuel kung saan at kanino ako makikipagkita. Bahala siya magtaka at magselos kung sakali man. Pero nahiya rin akong i-update siya gayong medyo tagilid ang naging usapan namin last time. Hinilot ko ang sintido ko habang nasa restaurant at hinihintay si Matthew. Masyadong maraming pumapasok sa isipan ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko, iyong utak ko ba o puso? Or maybe, puwede ko naman yatang ipagsabay? Pero isa pa lang ang inuuna ko, nahihirapan na ako. I liked Limuel. Really do. There's nothing wro

