CHAPTER 6
He's an attorney, someone who deals with logic and evidence for a living, so naturally, he never believes in that sort of supernatural nonsense. Natatawa pa nga siya nang magpaalam sa aming dalawa ni Mama habang ako ay hindi ko na maiwasang hindi magalit habang nagmamadali papasok sa trabaho.
"Huwag mo na ulit sasabihin 'yan kay Limuel!" sigaw ko.
I already knew deep down that Limuel wouldn't buy into any of her elaborate superstitions anyway. Pero nakakainis pa rin.
"Edi nakuha nga niya ang p********e mo, Cherry?" mama persisted.
"Uminom ka na ng gamot, Ma... Ako na ang bahala rito," saad ko sa kaniya at inaayos ang gamit sa trabaho.
She's under medication. Tuloy-tuloy na 'yan, pampakalma lang ang pinapainom namin gayong wala pa akong oras para kumuha ng therapist sa kaniya.
"Tinatanong kita Henniah Cherry!" aniya.
I growled and rolled my eyes.
"Ma, malandi ako. Sa tingin mo hindi ako papatol sa guwapong lalaking 'yon?" hindi ko na napigilan.
Humalakhak siya. "Sabi ko na nga ba! Tama ang nasa panaginip ko! Kinuha na nga niya ang p********e mo! Nagayuma ko nga kayong dalawa!"
"Ma, hindi 'yan totoo," saad ko at napalunok sa tinuran ng ina.
Napanaginipan niya talaga 'yon? Masyado niyang sineseryoso ang mga nagiging panaginip niya! Sa sobrang delulu niya sa mga bagay-bagay pati sa pagtulog niya ay iniisip niya 'yon!
As long as we wanted to tell her but we don't want to trigger her thoughts and present self as a kind of person who needs a deep patience by the people who surround her.
"Ano'ng hindi totoo? Tradisyon na 'to ng mga Hermes! Umaayon sa akin ang tadhana!"
"Anak siya ng Mayor natin, Ma! Sa tingin mo talaga magiging loyal 'yon sa akin?" saad ko dahil imposible ang sinasabi niya.
"Kahit pa anak 'yan ni bumble bee o ng kahit na sinuman. Siya ang nakatadna para sa 'yo!"
Nakikita ko minsan si Limuel sa mga pa-programa ng Mayor sa amin, madalas ay sa Dapo Randa Park o minsan ay sa sakahan nila kung saan namamahala rin siya sa pagsasaka. His father was deeply involved in farming, it was the lifeblood of our municipality, and Limuel's father earned the respect of many through his dedication to helping local farmers. He was well-regarded, a man of influence and integrity.
But Limuel... Limuel was something else entirely. He was the kind of handsome that made girls forget how to breathe. Wala yatang tao lalo na kapag babae ang hindi humahanga sa kaniya. Do I feel so lucky that he took my virginity because of his fame? Or is that a bad timing for me?
"Naku, itsitsimis ko 'to," singit niya na mas lalo namang ikinainit ng ulo ko.
"Ma, kaya ka pinagtatawanan!"
I didn't actually care much about my dignity being compromised. I made peace with that long ago. Besides, nobody in town really believed her claims anyway. She had always been a bit... unbalanced, shall we say. Ang ikinakabahala ko lang ay ang katotohanan na kakantyawan na naman siya at bubully-hin ng mga tao.
Lumabas mula sa kabilang kuwarto ang kapatid ko. "Julie... Napainom mo na ba 'to ng gamot?" I asked her.
"Hindi pa, Ate..." kinukusot-kusot niya pa ang mata habang naglalakad.
I sighed. "Kaya naman pala."
Medyo na-late pa ako sa trabaho, buti at medyo late rin si Sir Immanuel! Halos hindi ko na maayos ang trabaho ko. Lowbat pa ako kaya nanghiram ako ng charger kay Ayannah.
'Yon nga lang, boxer ang nakuha ko mula sa kaniya. Galing pa rin 'yon kay David? Hanggang kailan niya ba titigilan si Ayannah? Tapos 'yong kaibigan ko rin parang nagpapaka-martyr sa ex boyfriend niya.
Hindi ko maintindihan si Ayannah!
'Yon ang laman ng tsimis sa buong kompanya! Buti nga kinabukasan n'on ay iba na naman ang laman ng balita sa amin, bukod sa alleged girlfriend ni Immanuel na alam kong si Ayannah... may bago namang umiikot na balita na ikinakalaki ng aking tenga.
"Ano'ng bagong tsimis, Anton?" I asked him, katrabaho ko siya,same dept actually.
"Ayun, 'yong malanding Juliana na 'yon, may bago na naman yatang boyfriend..."
"Sino?" My forehead furrowed. Ito na lang din ang dahilan ko para sipagin pumasok eh, 'yong chika sa kompanya.
"'Yong attorney ni Sir Immanuel," bulong niya.
Si Limuel Garcia? hmm... I'm not shocked at all.
"Talaga? Grabe ha? Eh diba kaka-break pa lang nila nong boyfriend niya?" saad ko pa at pinagpatuloy ang pagkain dahil break ngayon.
Wala si Ayannah dahil nasa office siya ni Immanuel, magrereklamo siya kasi nga suspended si Gaga, nansugod kasi ang boyfriend niya kahapon. Ayan tuloy mukhang nagalit ang boss namin lalo na at si Sir Immanuel pa ang nang-awat sa dalawang mag-ex.
Hay naku! Kaya ayaw ko ng commitment! Casual lang ako. Flirt. Tamang halik lang sa mga lalaki tapos iiwanan ko na sa ere.
"'Yon nga eh... Masyadong pokpok si Juliana. Pero nasungkit niya nga si Sir Limuel. 'Yon ang kuwento nila ah? Hindi ako segurado kung valid," kuwento niya.
Medyo kumirot ang puso ko roon... Sure, he was handsome and undeniably charismatic. But was he really the type to juggle multiple women, especially after what had happened between us just days ago?
"Buti na lang hindi ko niligawan 'yang si Juliana," dugtong ni Anton at napanguso.
Napatawa naman ako sa tinuran ng kaibigan.
"Balak mong ligawan 'yong malanding 'yon?" I chuckled evenmore when I saw that his face frowned.
He shrugged and stared off into the distance, as if weighing something in his mind. "I find her pretty... Pero may atake pala, may pasabog. 'Tsaka kung makapagsalita ka naman, parang hindi ka-"
"Hoy, excuse me. Hanggang halik lang ako, Anton. Hanggang fing lang! Eh 'yang babae na 'yan, marami nang nilampaso sa higaan! 'Yon ang pinagkaiba namin!"
"Bakit ba kasi ayaw mong mag-boyfriend?" nahihiwagaan niyang ani.
"Kita mo naman no'ng kahapon, sumugod dito sa building natin si David! Kawawang Ayannah! Kaya nasa prinsipyo ko na ang pagjo-jowa ay isang kahibangan," saad ko na lamang.
Love is subjective, I suppose. Everyone has their own perspective on it. But when something becomes that consuming, that all-encompassing, it diminishes who you are as a person. It's romantic, sure, but it's also incredibly risky. Isang bahagi na rin yata sa akin ang pagkawala ni Papa at mawalan ng bait si Mama sa kaniya dahilan para hindi pa ako nagkaka-boyfriend.
I wasn't afraid of flirting. That part came naturally to me. But actual love? Real, serious love? My entire body would freeze in terror.
May nag-pop-up sa screen ng cellphone ko. It was someone that I was going to meet later.
"Sino naman ang ime-meet mo mamaya?" tanong ni Anton dahil alam niya na ang bagay na 'yon lalo na kapag nakikita niyang nakangiti ako sa cellphone, gaya ngayon.
"Si Frank... 'Yong nakilala ko sa online," saad ko.