CHAPTER 11 Magsasalita pa sana ako ngunit pinigilan ko na. Ayaw ko nang palawigin ang kuwento gayong kaharap namin si doctora. Pormal na lang kaming nagpaalam sa kaniya. Wala na rin naman daw na gagawin si Limuel kaya nag-offer siya na ihatid ako gayong pupunta rin siya sa Papa niya. Nasa kotse na kami nang nabuhay na naman ang pagiging mapang-asar ko. "Siguro iniisip mo na kung sakali mang nakakahawa ang sakit kapag naghahalikan ay baka nahawa ka na 'no?" tanong ko dahil alam kong ako ang pinapatamaan niya kanina kay Doc! He chuckled. "I was self conservative," he said. Ngayon lang ako nakakita ng lawyer na sinungaling. "nahiya naman ako sa 'yo," saad ko at hindi mapigilan ang pagguhit ng ngisi sa labi. He didn't answer. This time, I feel that he's not in the mood for fighting. Na

