Episode 9

1177 Words
Chuchay POV, Lumapit sakin sila Manang flor, at ate inday nang mapansin na kanina pako sa lababo, pero di parin tumigil ang pagsusuka ko. "Chuchay, may nakain kabang iba ngayong araw, bat nagsusuka ka? Tanung ni Manang flor, habang hinihipo likod ko. "Wala naman po Manang flor." "Chuchay, may boyfriend kaba?" Tanung naman ni Ate inday, na nagpatulala sa akin. "Kasi kung may boyfriend ka at nakagat ka sa alaga nito, baka buntis ka." "Chuchay, sabihin mo samin ang totoo may boyfriend kaba?" seryosong tanung ulit ni Manang flor. "Kasi manang__" Arrgh! di matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa pagsusuka ko. Napansin naman agad ito ni Christian, pag pasok pa lang nito sa loob nang bahay. Nang makitang seryoso sila Manang flor, at Ate inday na nakatingin kay Chuchay, habang nagsusuka. "Chuchay, kailangan natin masigurado kung ano yang nararamdaman mo, nanghihina kana at namumutla kapa?" pag aalalang sabi ni Manang flor. "Manang, anong nangyari?" bungad ni Christian, habang papalapit sa kanila. "Eh Sir, ito kasing si Chuchay, kanina pa suka nang suka hindi nakakain nang maayos dahil sinusuka lang nito." "Chuchay, ok ka lang ba?" tanung ni Christian. "Oo okey lang ako," Aargghhh..." "Sir, baka buntis si Chuchay, pero wala naman kaming ibang maisip kung sino boyfriend ni Chuchay, maliban sayo Sir," mahinang sabi ni Ate inday. "Buntis?!" "Oo sir." "Lets go Chuchay, punta tayo ng doktor," Agad naman inalalayan ni Christian si Chuchay, papasok nang sasakyan. Pagkarating nila sa Ospital, chineck naman agad si Chuchay, ng doktor. Nasa sasakyan pa lang kasi sila kanina tinawagan na ni Christian, ang kaibigan niyang doktor na si Ethan, na siya ang mag check kay Chuchay. "Chan, congrats! Miss Marichu, is pregnant." nakangiting sabi nito sa kanila. Nagulat at natuwa naman si Christian nang marinig iyun. "Narinig mo yun Chuchay, magkaka baby na tayo!" sigaw nito at agad na yumakap ng mahigpit sakin. Tulala parin ako sa narinig di ako makapaniwala na magiging ina na ako. Kaya tinanung ko ulit ang doktor. "Dok, sigurado po ba kayo na buntis po ako?" "Oo Miss Marichu, dalawang buwan ka ng buntis." Pagkatapos makausap nila Christian at Chuchay, si Dok Ethan, ay umuwi narin sila. Habang sa mansyon ng mga Fernandez, ay tinawagan ni Madam Mariel, ang kanyang tauhan. "Lito, ano na? matagal na, di mo parin ba mahanap-hanap kung sino at taga saan yang si Chuchay," inis na sabi ni Madam Mariel, sa kausap sa phone. "Mahirap po hanapin madam, tingin ko wala na pong pamilya si Chuchay." "Ok, ok! basta kung may balita kana sabihin mo agad sakin," sabi nito at agad ini off ang tawag. Nakauwi na nga nang bahay sila Christian at Chuchay, halata sa mga mukha nito ang saya. "Oh ano sabi nang doktor Chuchay? ano ba daw nangyari sayo? bungad na tanung ni Manang flor nang makita kaming papasok ni Christian. "Buntis po si Chuchay, manang!" agad na sabat ni Christian, na tuwang-tuwa sa sinabi. "Buntis ka Chuchay?! Bakit sino ba boyfriend mo? pagkukunwaring tanung ni Ate inday. "Ate inday, ako! Ako ang ama nang pinag bubuntis ni Chuchay, ako ang kanyang boyfriend." "Ha, eh! kayo pala salarin Sir, Congrats sa inyo!" Kita naman sa mga mukha nila manang Flor, at Ate inday, na tuwang-tuwa sa nalaman nila. "Kaya Manang flor, Ate inday, kayo na bahala kay Chuchay, na umalalay na di mapagod o magkasakit si Chuchay," pag aalalang sabi ni Christian, habang inaakbayan ako. "Oo sir, wag ka mag alala iingatan namin si Chuchay." "Siya nga pala manang puwede pakilagay nalang lahat nang gamit ni Chuchay, sa kwarto ko." Nang marinig ko yun ay napatingin ako kay Christian. "Sir Christian, bakit pa po kailangan ilagay ang mga gamit ko sa kuwarto niyo? Ok na po ako sa kuwarto namin, kasama sila Manang flor at Ate inday." "Chuchay, gusto kitang mabantayan sa gabi at makatabi sa pagtulog. Ikaw ang ina nang magiging anak ko, gusto kitang alagaan. TIyaka puwede ba wag muna ko tawaging sir. Puwede mo ko tawaging honey, baby, sweet heart, o Pa, kasi maging papa naku sa anak natin," ngiti nitong sabi na nagpakilig naman kila Manang flor at Ate inday. "Ayeh! Sana oil," sabi ni Ate inday na niyuyug-yog pa ang braso ni Manang flor. "Ok Sir Christian, ang itatawag ko sayo ay, Pa! Ang itatawag muna man sakin ay Ngit!" Nang marinig ito ni Ate inday ay napahagikhik ito nang tawa. "Bakit Sir Christian, na naman ang tawag mo sakin, tiyaka bakit ang pangit nang call sign na napili mo," inis nitong sabi. "Maganda yan Sir Christian, este Pa!" Ngiti kong sabi. "Ngit!? agad namang sabi ni Christian. "Pa.. ngit! Pa.. ngit?! pwede ba Chuchay, palitan nalang natin ang pangit kasi." "Ayoko yan na gusto ko," sabi ko at umalis sa harapan nila. "Chuchay, saan ka pupunta?" agad na tanung nito. "Kakain ako nagugutom ako! sigaw ko. "Ok Chuchay, ipaghahain kita," sabi ni Manang Flor, na agad sumunod sakin sa kusina. Umakyat si Christian sa kwarto niya habang paulit ulit binabanggit ang tawagan nila. "Pa, ngit! Pa, ngit!" Pangit talaga!" napakamot nalang ito sa ulo niya. Wala siyang magawa dahil ito ang gusto na tawagan nila ni Chuchay. Makalipas nang ilang araw ay bumulaga sa loob nang bahay nila Christian si Syra. "Manang Flor! agad na sigaw nito. "Ay, Maam Syra, bakit po kayo nandito?" "Nasan si Christian?" "Nasa harden po ma'am, sinamahan si Chuchay, mag excercise." "Magkasama na naman sila? Sige puntahan ko na lang, "Christian!" agad na tawag ni Syra, na papalapit sa hardin. Sabay naman tumingin sila Chuchay at Christian, kay Syra. Pagkalapit ni Syra, ay yumakap ito agad kay Christian. "Namimiss kita ng sobra Christian, pina bakasyon kasi ako ni mom ng dalawang buwan sa hacienda nmin. Para bantayan ang pinarenovate na bahay kaya sobra kitang namiss." "Syra, puwede ba wag mo kung yakapin," sabi ni Christian at sabay kuha sa kamay ni Syra na nakayakap. "Christian, bakit di kita puwedeng yakapin, sabi nang Mommy Calixta, mo sa mommy ko, pagbalik niya magpapakasal na tayo. Nagulat naman ako sa sinabi ni Syra, sila ikakasal? "Hindi mangyayari yun Syra, kung may papakasalan man ako si Chuchay, yun. Dahil si Chuchay, na ang babaeng mahal ko Syra, at magiging ina ng anak ko." "What?! Ina nang anak mo?! Gulat nitong tanung. "Oo buntis si Chuchay, kaya tanggapin muna ng tuluyan na wala ng tayo." "Hindi! hindi ako, papayag tingin mo ba papayag ang mommy mo na ikasal ka sa babaeng yan!" sigaw nito. "Hindi muna yun problema Syra, problema ko na yun ang tungkol kay Mommy." Nang marinig iyun ni Syra, inis siyang tumakbo palabas ng bahay. Pagkauwi nito sa mansyon ng mga Fernandez ay nagsisigaw na ito. "Mommy! mommy!" sigaw ni Syra. "Bakit ba nagsisigaw ka diyan?" inis na tanung ni Madam Mariel. "Kasalanan niyo to Mommy, kung di niyo ko pinauwi sa hacienda hindi masosolo ni Chuchay si Christian. Hindi sana mabubuntis ang babaeng yun." "Buntis ang babaeng yun?" "Oo mommy! Oo," hunagolgol na iyak ni Syra. "Tumigil ka nga sa kakaiyak, kahit buntis pa ang babaeng yun. Sayo parin mapupunta si Christian, sinisigurado ko yan sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD