Third Person's POV, Kainis!" sigaw ni syra nang makarating na ito sa hide out nila kasama sila Bryan at ang mga tauhan niya. "Relaks babe! makakabawi din tayo ulit sa kanila," agad na sabi ni Bryan habang sinisindihan nito ang bitbit na sigarilyo. "May araw ka din talaga sakin chuchay, malas mo. Dahil hindi mo tinuloy ang pagpatay mo sakin, puwes ako ang papatay sayo." Nakita ni Chuchay na kanina pa nag-uusap sa labas si Christian, Ondo, at Boknoy, kaya pinuntahan niya ito. "Christian! ba't di ka pa umuwi?" bungad niyang tanong ng makalapit siya sa mga ito. Mabilis naman lumapit si Christian kay Chuchay. "Bakit, pinapaalis muna ba ako? Hindi mo ba ako nami-miss?" ngiti nitong sabi. "Hindi!" sabat naman ni Chuchay at agad tumalikod kay Christian. Nang bigla siyang yakapin nito. "

