Ang Pagtatagpo ng Landas

1485 Words
Matiyagang naghihintay si Yveth sa salas nila Mrs. Cruz habang naririnig niya ang usapan sa kusina. Bigla siyang napatayo sa paglabas ng isang babaeng ma-edad na pero di mo masasabi ang tunay na edad sa puti ng balat nito, kapansin pansin alagang parlor at derma. "Magandang araw po, ako po si Yveth" nangi-ngiming sagot ng dalaga. Tinignan ng babae si Yveth mula ulo habang paa, na wari ba'y kinikilatis. Mataray na tingin sabay ang sambit... "siguro naman alam mo na ang gagawin mo sa pamamahay ko?" "ayaw ko ng patamad-tamad at di mapapag-katiwalaan dito!" madiin sambit si Mrs. Cruz kay Yveth. "Opo Ma'am" magalang na sagot ni Yveth habang puno ng kaba at takot sa loob loob niya. "Marie" tawag ni Mrs. Cruz sa kasambahay. "ituro mo sa kanya ang mga dapat niyang gawin at wag pamali-mali ahhh! alam mo naman ang mga ayaw ko, naintindihan mo ba?" mataray na sambit ni Mrs. Cruz kay Marie. "Opo, Ma'am" magalang na tugon naman ni Marie. Habang nakaupo si Mrs. Cruz at kinakausap ang mga kasambahay niya palabas naman ang kanyang mga anak papunta na sana sa kani-kanilang kwarto at asawa biya pupunta naman sa office nito. "Babies, honey come here first please." sambit nya sa pamilya niya. Lumapit at umupo sa tabi ni Mrs. Cruz si Lara at umupo ng parang prinsesa, si Raine naman na bunso nila tumabi sa Daddy nito habang si Justin na panganay ay nanatiling nakatayo pa rin. "Justin please, sit here!" malambing na aya niya sa panganay. "No, Mom I'm okay!" tugon naman ni Justin habang waring may inicheck sa cellphone nya. Mas lalong kumabog ang kaba ni Yveth ng makaharap niya ang buong pamilya ng pagsisilbihan niya. Unang pagkakataon niya ang pumasok sa trabaho at pangangamuhan pa. Sa kaba niya mahigpit niyang napag-daop ang dalawa niyang kamay na wari mo'y maninigas. Sabay palihim siyang nagbuntong hininga. Muling bumaling ang tingin ni Mrs. Cruz kay Yveth na muli na naman nagbigay ng kaba sa kanya. "Babies, siya ang papalit kay Marie, new maid nyo, so kung may mga kailangan kayo siya na tatawagin nyo." saad ni Mrs. Cruz. "Honey okay lang naman nakuha ko noh?" tanong ni Mrs. Cruz sa asawa niya na para bang walang choice. Napakagat labi si Yveth sa sinabi ni Mrs. Cruz at nag walang kibo lang ito. "Walang problema saken" simpleng sagot ni Mr. Cruz. Mabait na ama si Mr. Cruz at makita mo may kabaitan din sa iba, sa bahay hinahayaan niya lang ang kanyang asawa ang mag-desisyon, focus kasi siya sa mga negosyo nila. Halos wala na nga lang siya oras sa mga anak niya. Si Lara naman ay parang kanyang ina na tinitignan si Yveth mula ulo hanggang paa habang naka-ismer at taas kilay na ngumiti, makikita talaga ang pagkamaldita. Habang si Raine naman ay nakangiti at sabay sambit "welcome Yveth" mabait at palakaibigan. Nakangiti at tumango si Yveth bilang tugon kay Raine. "Mom, akyat na ko" mahinang sambit naman ni Justin na nagpaalam na parang walang pakialam. Nagulat na napatingin si Yveth sa gawi ni Justin. Twenty years old na si Justin, matangkad, masasabi mong may magandang hugis ng mukha, di mo masabi ang ugali sa sobrang katahimikan at parang walang pakialam sa paligid. Ika nga ng maraming nahuhumaling sa Korean Drama si Justin ay certified Oppa. Saglit lang lumingon si Yveth kay Justin at binaling muli ang tingin sa harapan nila Mrs. Cruz. Maayos naman ang pananamit ni Yveth malinis, makikita mo nga lang din may kalumaan. Pero kahit laki sa hirap makikita naman ang angkin ganda na taglay nito. Maliit ang mukha, matangos na ilong di man katangkaran may balingkinitan pa rin pangangatawan. Seventeen years old at ilang buwan nalang magdidiwang na siya ng ikalabing-walo niyang kaarawan at maging isang ganap na dalaga. "Okay Marie, turuan mo na siya!" At sabay-sabay ng tumayo ang pamilya Cruz para pumunta sa kani-kanilang kwarto. "Oh Yveth, maselan si Madam sa bahay kaya dapat maglilinis talaga tayo, aay! aalis na rin pala ako mamaya pasensya ka na mabilisan lang kita maturuan ah., sana'y ka ba sa gawaing bahay?" sambit ni Marie. "Opo, sanay naman ako" tugon ni Yveth. "Ay, mabuti naman kung ganun, bale madali lang naman linisan medyo malaki nga lang ang bahay at napakaselan ni Madam. Basta tyagain mo nalang pati alam mo na!" ngumiti si Marie na para bang may malalim na ibig sabihin. "hmm..! mabait po ba sila?" tanong ni Yveth kay Marie. "kailangan mo na tibayan loob mo para sa pamilya mo" nakangiting nakatitig kay Yveth. Napangiti at napaisip nalang si Yveth sa sinambit ni Marie. Tama naman kailangan niya ng trabaho kayo kailangan niyang magtigaya. Tinuro ni Marie ang mga dapat gawin ni Yveth sa bahay nila Mrs. Cruz. Meron siyang isang maliit na kwarto na matulugan niya. ---- Kinabukasan maaga siyang gumising at nagluto ng almusal ng pamilya Cruz. Suot nya ang bago niyang uniporme ng kasambahay. Subalit kahit pang kasambahay ang suot niya makita pa rin ang malinis at maganda niyang awra, cute tignan si Yveth. Habang nag-aayos ng hapag-kainan si Yveth, naunang bumaba si Justin ang panganay na anak ng pamilya Cruz para uminom ng tubig. "Good morning po Sir" nag-aalangan si Yveth na batiin ang binata, pero nasambit din niya na nakatungo na kunyari nag-ayos ng plato. Tumingin saglit ang binata at lumabas muli ng parang walang pakialam na mukha. Sobra yun kaba ni Yveth at para bang may dumaloy na init sa katawan niya sa paglabas ng binata na si Justin. Habang pumunta na ang pamilya Cruz sa dining table nila para mag-almusal, inilapag at inaayos na ni Yveth ang mga niluto niya para sa almusal ng kanyang mga amo. Nagluto siya ng hotdogs na paborito nila Raine at Lara kasabay ang bacon. Habang brewed coffee and bread naman kila Mr. at Mrs. Cruz. Naghanda din siya ng fried rice, scrambled eggs, fruits and orange juice. Napansin ni Yveth na iba't iba ng gusto ang pamilya Cruz kaya agad niyang tinandaan ito. Napansin nga niya na yun panganay na si Justin naman ay fresh orange juice ang gusto, fried rice and scramble eggs. Habang kumakain ang pamilya Cruz nag-ayos naman si Yveth sa kusina at hinintay na tawagin aiya kung may kailangan pa ang pamilya. Medyo kumakalam na din ang tiyan ni Yveth sa unang araw niya sa bahay ng pamilya Cruz. Sanay din kasi siya na kahit mahirap sila eh kumakain na din siya sa mga oras na yun subalit iba na ngayon. Naninilbihan na siya at dapat maunang kumain ang mga amo niya. Habang hinuhugasan ni Yveth ang mga pinaglutuan nya nakarinig siya ng tawag. "Yaya!" nagulat si Yveth at napatingin sabay lakad, di pa siya sanay na may tumatawag sa kanyang yaya. Tinawag siya ni Mrs. Cruz. Simula sa unang araw di na siya tinawag sa pangalan. Maliban kay Mr. Cruz na tinatawag pa rin siya sa pangalan niya. Habang si Justin naman ay walang nasasambit dahil di naman siya nito kinakausap. "Yaya..." sambit ni Mrs. Cruz. "Yes po Ma'am?" tugon naman ni Yveth habang papalapit sa hapag-kainan. "Nasabi naman siguro ni Marie sayo ang di pwede at pwede mong gawin, tama?" sambit ni Mrs. Cruz. "Opo Ma'am", mayuming sagot ni Yveth. "Okay!" sabay kumain na ulit si Mrs. Cruz at tumalikod na si Yveth patungo muli sa kusina. "Ya..!" sambit ni Lara, kaya biglang humarap muli si Yveth sa pamilya Cruz. "Ye.. yes po Ma'am?" tanong nito kay Lara. "Ms. Lara, yan ang itawag mo saken, I hate Ma'am, gosh nakakatanda" sabay irap ng mga mata nito. "Yes po Ms. Lara", magalang na tugon naman ni Yveth. Nakangiti at taas kilay si Lara habang narinig ang tugon sa kanya ni Yveth. "pwede na po ba ako bumalik sa kusina?" tanong naman ni Yveth sa pamilya. Tinuloy lang ni Mrs. Cruz ang pagkain niya maging si Lara. "Okay Iha, pwede gawin mo na gagawin mo pero kumain ka nalang din muna may pagkain naman sa kusina." wika ni Mr. Cruz Nagalak si Yveth sa narinig niya, na waring may angel sa tabi niya. "may mabait din pala sa pamilya" sambit ni Yveth sa sarili palihim na nakahinga ng malalim si Yveth. Nakangiti siya kay Mr. Cruz habang nagpasalamat at umalis. "Ms. Lara..." mapang-asar na sambit ni Raine sa ate niya habang sumusubo ng pagkain. "Mommy oh..!" pawang nagsumbong naman sa kanyang ina si Lara. "Stop it Raine, eat your foods" wika naman ni Mrs. Cruz. Habang tinaasan naman ng kilay ni Lara si Raine. Si Justin naman ay parang wala lang pero tumingin din kay Lara na at kumunot ang noo na nagpapahayag ng hindi pagsang-ayon sa inaasal ng kapatid niya. Habang si Lara naman pangiti-ngiti lang si Lara habang isinubo ang kanyang pagkain. ...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD