CHAPTER 19

742 Words
Neon Clark Ezokare Pusanghamnida yan! Bad trip ang hanep! Sino ba kasi ang abalang kumakatok na iyon? Tsk. "Oh?" inis na tanong ko kay Nicole na sya pa lang kumakatok "Galit? Galit? Hanap ka ng mga barkada mo tsk galit na galit" sabi nya kaya bahagya naman akong napangiwi "Sabihin mo susunod ako" utos ko sakanya "Naandyan ba si ate ganda?" tanong nya na bahagya pang sumilip sa kwarto pero hinawakan ko ang noo nya at pinaalis na sya "Alis na kasi! Susunod na ako sabihin mo" sabi ko sakanya "Sigeeee!!" nakangiting sagot nya sa akin tapos palalon talon pang umalis kaya sinarahan ko na muna ang pintuan bago muling humarap kay Alli nakapikit sya ngayon kaya lumapit naman akong nakangiti. "Hoy bangon" utos ko pero nanatili syang nakapikit "Na andito yung mga kaibigan ko ipapakilala kita" sabi ko tapos inis naman syang tumingin sa akin "Bakit kailangan pang ipakilala ako?" takang may halong inis na tanong nya "Dahil gusto ko kaya bumangon ka na dyan, Hihintayin kita sa labas" sabi ko at tumalikod na at lumabas na ng kwarto "Pare!!!!!" sigaw ng pinakamalakas na bunganga "Hoy!! Andrew!!!" inis na sigaw ko "Bakit dae ka nag sabi na uuli ka?" tanong nya "Dae kaman kasi naghapot" sagot ko sa kanya "Kanino yung magarang sasakyan na iyan?" tanong naman ni Ronald "Sa asawa ko" nakangising sagot ko kay Ronald "Asawa mo?!" sabay-sabay na tanong nina Andrew, James, Ronald, Jake, Vj, JP, Kate, Chester at Angelo "Oo! A-SA-WA! asawa ko!" Pakamot ulong sagot ko sa kanila "Weeee?" muling tanong nilang siyam "Bakit ang ingay?" sabay-sabay kaming napalingon sa likuran ko ng magsalita sya kinilig tulog ako bigla hehe "Owwww!!" muling sabay-sabay na tugon nilang siyam tsk! "Hi im Ronald nice to meet you" pacute na pakilala nya tsk! "Ako naman si James" nakangiting pakilala nya grrr "Ano ba kayo! Ako naman si Andrew, si Jake si Kate, Chester, Angelo, JP and Vj" pakamot ulong sabi ni Andrew na nilahad pa ang kamay pero tiningnan lang nya iyon "I'm not interested but nice to meet all of you" nakangiti man pero halatang pilit lang iyon kaya tinawanan ko silang lahat "Nice! Nice" sabi ni Kate "Pasok kayo sa loob" aya ko at saka hinawakan sa bewang si Alli. Avah Allison Walker pangalan nya pero dahil ang daming tumatawag sa kanyang Avah o kaya Allison mas gusto ko na lang syang tawaging Alli para naman maiba "Hoy mga mukong pagpasinsyahan nyo na yun ah, Mabait yun masungit lang talaga" nakangiting sabi ko sa kanila "Ano ang nagustuhan mo sa kanya?" tanong ni Angelo napansin ko namang siniko sya ni Andrew. Bigla akong napangiti at inalala ang unang araw kung bakit ko sya naging crush "Hoy! Gago tinanong ka lang namin kung ano ang nagustuhan mo hindi namin sinabing ngumiti ka" sabi ni Jake na may pahampas pang nalalaman "Lahat, lahat gusto ko sa kanya, Sya yung babaeng mukha mang walang pakealam sa mundo pero tudo kung mag alala--Isa sa mga nagustuhan ko sa kanya yun--yung pagiging cold at snubber nya" nakangiting sagot ko sakanila "Tsk! Tinamaan ang putik!" sabi ni Vj "In love ka toy!" sabi naman ng kakambal nya na si Jp "Waaaaahhhh!!!!!!!!!!" napabalikwas ako sa kinauupuan ko ng marinig ko ang sigaw ni Alli dali-dali akong pumasok sa kwarto at nakita ko syang nakatayo sa kama "Ano ang nangyayare sayo?" takang tanong ko "May ipis!!!!" sigaw nya sabay tulo ng luha nya, Gusto ko man syang tawanan sa itsura nya ngayon pero naalala ko Hindi nga pala sya sanay sa ganitong lugar "Oh wala na" sabi ko tapos pinakita ang inapakan kung ipis "Tsk" nakangusong sabi nya kaya hinapit ko sya palapit sa akin at hinalikan "Na miss ko yan eh" sabi ko at nginuso pa ang labi nya pero umerap lang sya sakin kaya muli ko na lang inangkin ang labi nya "Ayy may umahon na sa ulap" sabi ni Chester kaya agad namang humiwalay si Alli sa akin na ngayon ay namumula na "Mga gago!" sabi ko at tinawanan lang naman nila ako "K-kanina pa kayo dyan?" utal na nahihiyang tanong ni Alli sakanila "Ahh oo nung sumigaw ka" pakamot na sagot ni Angelo "Alis! Mga hinayupak na ito!" sabi ko at umalis naman silang tumatawa "Landi mo kasi eh! Yan tuloy nakita tayo" pakamot ulong sabi nya pero ginulo ko lang ang buhok nya at inaya na sya sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD